Chapter 11 : She's back?

1.2K 51 19
                                    

MONICA

Urgh ! Nakakaasar naman. Bakit hindi ko macontact sila Bel? Sobrang nagtataka na ako kung bakit hindi sila pumapasok. Huling kita ko sa kanila ay nung pinasundo ko si Rei. Nasaan na sila? Nag-aalala na ako sa kanila.

Tipa lang ako ng tipa sa keyboard ng PC ko at sinusubukang i-track silang tatlo. Ilang oras na akong nakaharap sa computer pero ni isang information ay wala. Bakit ganun?
Lunes na ngayon pero ni anino nila hindi ko pa nakikita. Pati kaluluwa nilang laging nang-iistorbo sa akin ay hindi ko maramdaman.

*sigh*

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Baka makita ko na sila ngayon.
Sana nga...

>>>>>>>>>>>>>>>>

Nasa loob na ako ng room at hindi ko nakita ang kanina ko pa hinahanap. Maging si Yvonne na makikita mo kahit saan sa school ay hindi ko mahanap.
Nasaan ba sila? Hindi kaya isa ito sa paraan ng gustong pumatay sa akin? Maari kayang dinakip sila?
Pero kung dinakip nga silang tatlo, bakit hanggang ngayon ay wala pa ring tumatawag sa akin at sabihing binihag nga sila?

Dumaan ang araw na puro pag-iisip tungkol sa kanila. Pati ang pang-aasar sa akin ni Ivan at mangungulit ni Dex ay hindi ko pinatulan.

Yvonne, Kim, Bell... Nasaan na kayo?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

" Urgh ! Why so tagal kasi, I wan't to go home. Tsaka I missed to make babad na to my pink bathtub with super daming bubbles." Yvonne

" Kairita ang kaconyohan mo Yvonne, tumahimik ka nga." Kim

Tama nga siya. Kairita ang kaconyohan ng babaeng to. Kung hindi lang sila pumayag sa inoffer kong misyon ay hindi ko pagtyatyagaang makasama siya. Hahaha ! Ikaw ba namang makarinig ng ganyan, di ka kaya mabaliw sa pinaghalo-halong filipino at english words na may bonus pang kaartehan.
Napailing na lang ako. Buti pa 'tong katabi ko tahimik habang kaharap ang laptop niya.
Ngayon naniniwala na akong may forever. Forever nila ng mga gadgets niya.

" Confirmed. Siya nga ang nagpapapatay kay Monica." Bel

Napangisi ako. Tignan mo nga naman oh. Ikaw pala ang gustong pumatay sa kanya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung malaman niya kung sino ang nanggagalaiting pumatay sa kanya.

" Oh my gosh, si T--" tili ni Yvonne pero agad tinakpan ni Kim ang bunganga niya.

" ang ingay mo." Kim


" hmmm. Hindi ako makapaniwala sa nalaman natin. Ngayong alam na natin to, paano naman yung isang problema?" Dugtong ni Kim

" Huwag kang mag-alala. Tutulong kami at hindi ko hahayaang mangyari ang pinaplano nila. Hindi ko hahayaang mapahamak ang mga estudyante ko." Saka ako ngumiti sa kanila.

" ESTUDYANTE MO?" Sigaw nilang tatlo habang nanlalaki mata.

" hoy excuse me, may nakakagulat ba dun?" Taas kilay na nakatingin ako sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin ng alanganin.

" E-he akala ko kasi we're in the same age." Yvonne, tumango naman ang dalawa kaya napangiti ako ng kaylapad lapad. Hihihihi angganda ko kasi

" Tara kain tayo, libre ko hihihihi." Natawa na rin silang tatlo.
Makatawa 'tong mga to akala mo walang problema. Parang isang dejavu. Parang nangyari na noon.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

MONICA

Legionnaires (BT-Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon