Prologue

3.7K 112 21
                                    

Four years have passed

We become part of the White Fangs Organization.

Four years without our beloved sensei.
Four f'ckin years !

Time passed by and We became Nico's Legionnaires.

We became special Agents. We take missions. We protect other people.

But then...

One day, our next mission is to protect a woman.
A hard-headed one.
A gangster

We need to guard and protect her.
Especially that she...






has our sensei's heart

How can we surpass the challenges?
Are we ready to face the UNEXPECTED things that is going to happen?

ARE YOU READY FOR THIS?

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

" Urgh ! Stay away from me !" Iritang sigaw niya habang matulin na naglalakad papuntang... Ahhh hindi ko rin alam sa babaeng to. Paikot-ikot lang naman kasi kami dito sa mansyon nila.

" I can protect myself kaya pwede ba umalis na kayo." Atungal pa niya pero hindi namin siya pinakinggan.

" Oh my Gosh ! Look !" Sigaw niya pero di kami lumingon. Lumang style na yan

" Urgh !" Ungol niya at pumadyak-padyak. Natawa naman 'tong mga kasama ko sa pinaggagawa niya. Mukha siyang tanga

" tsk ! Ayaw niyo talaga akong tantanan. Pwes tignan natin."

Bumubulong bulong pa siya kaya namulsa na lang ako.

" ahh...nauuhaw ako." Biglang sabi niya at kumagat labi. Ano nanaman ba to?

" a-ah, eh sige ikuha na kita." Sabi ni Ivan at agad na tumungo sa kusina. Pagdating niya ay ibinigay niya sa kanya ang isang baso ng malamig na tubig. Kinuha naman ito ng nakakairitang babaeng to ang tubig at sinimulang inumin. Maya-maya pa ay tumingala siya at idinampi ang baso sa leeg niya habang nakapikit. Napaiwas naman ako ng tingin dahil dun. Sh't !

" ahh Titignan ko na muna mga gadgets ko." Dex sabay takbo sa taas

" ako din pala, lilinisin ko lang yung kwarto ko." Takbo ni Lexter

" Hmm, magluluto na pala ako ng hapunan," takbo din ni Misaki

" gusto ko man itong nakikita ko dude pero sa tingin ko kaya mo na yan. Ciao !" Takbo din ni Ivan kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tignan ulit ang babaeng to.

" hmmm." Tsk ! Ano bang ginagawa ng babaeng to? Hindi ba siya aware na...na.... A basta !

" Ang-init talaga ng panahon ngayon. Pinagpapawisan tuloy ako." Sabi niya at tinanggal ang suot niyang manipis na jacket kaya kita ko ang mapuputi at makikinis niyang braso. Urgh ! Stop it Glenn

Nakasando naman siya na itim pero kahit na !

Akmang itataas na niya ang sando niya ng biglang uminit ang tenga ko kaya agad akong tumalikod sa kanya at pasimpleng pinunasan ang pawis ko sa noo.
Damn her ! Ano bang pumasok sa isip niya at bigla bigla na lang siyang naghuhubad? Puro lalaki pa naman ang kasama niya dito sa mansyon. Well may mga babaeng kasambahay naman pero kahit na !
Kung hindi lang siya babae matagal ko na siyang pinatulan.
Napakatigas ng ulo niya at----

Teka..

Agad akong humarap sa kanya at bigla na lang akong napatampal sa noo ko.

Natakasan nanaman niya kami !

Agad kong pinindot ang earpiece ko at tinawag sila Misaki na agad namang pumunta dito.
Mga bwesit to, hinayaan na lang akong mag-isa !

" Dex,activate the tracking device. Susundan natin siya." Utos ko

Hindi pwedeng mapahamak ang babaeng yun. Trabaho namin siyang protektahan at bantayan.
Aish ! Sakit siya sa ulo. Sa lahat ng mission namin siya lang ang mahirap bantayan.
Napakakulit... Parang si sensei.

Pero kahit na ganyan siya. Alam kong mabait siya... Parang si sensei

Palaban... Parang si sensei

Mapagmahal...

And she has sensei's heart.

I'll protect you no matter what happen.
I'll protect you na hindi ko nagawa kay sensei.


I, Glenn Salvador, leader of Legionnaires will make sure to guard and protect you. Even if it cost my life.

Legionnaires (BT-Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon