KABANATA 4

32 7 0
                                    

KABANATA 4

No'ng mga oras na wala na si Pet, qualified na ako bilang tatakbong Mayor. Kahit anong gawin ni Owen do'n sa dala-dala niyang remote control ang porma, hindi na niya mahagilap si Pet. Parang sa isang iglap, wala na siya. Matagal na palang tinatago ni Pet na kaya niyang umalis sa 'king isipan. Hindi ko rin naman masisisi ang aking sarili dahil gusto kong makatulong sa Bayan. Kung puwede lang sana manatili ni Pet sa  isipan ko, gagawin ko. Pero mukhang gusto talaga akong pahirapan nitong mga tatakbong Mayor. Nakakalungkot lang na wala na si Pet. Wala nang mambabara sa akin sa tuwing may iniisip ako. Wala na 'yong sasagutin ako na may kasamang 'hmp!' at 'tanga!'. Wala na 'yong magsasabi nang advance pa sa akin kung ano ang dapat na gagawin. Wala na 'yong iba't iba niyang boses na may babae, bakla, o kung ano pa man. Wala na 'yong kaisa-isang kaibigan ko nang ako ay naging superhero. Siguro nasanay lang ako na lagi siyang nariyan. Nasanay lang siguro ako na parati kaming magkasama. Nasanay lang talaga ako, at sa mga oras na lilipas, alam kong makakalimutan ko rin si Pet. Masasanay rin akong wala na siya. Hays.

   Biglang bumigat ang aking pakiramdam. Para bang nilagnat ako. Ewan ko kung dahil ito sa pagkawala ni Pet o dahil lumakas lang ang aking kapangyarihan. Nakayuko ako at pinaglalaruan ang latang nakita ko sa daan kanina. Ilang kilometro na siguro ako palakad-lakad at nag-iisip sa pagkawala ni Pet. Parang may kulang na hindi ko maintindihan. Ginusto kong mawala si Pet kaya siguro kailangan kong tanggapain na wala na talaga siya. Wala na akong kausap.

   Pet, nandiyan ka pa ba?

   Walang sumagot. Kahit paghilik o kahit pst man lang, wala na. Wala na talaga. Hays.

   Umabot ako sa labas ng Mall. May malaking salamin doon na klarong-klaro ko ang mga taong naglalakad at nagmamadali na pupunta sa mga trabaho. May inang hawak-hawak ang kamay ng anak. May mga naka-suit para pumunta sa office. May mga taong nakahawak sa cellphone habang may tumatawag sa kanila. May mga taong wala lang. Palakad-lakad, nagmamadali, patingin-tingin.

   Isang oras din akong nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin. May mga nagsasabing ang snob ko raw dahil hindi ko sila pinapansin. Kasalanan ko bang marami akong iniisip ngayon. At buti na lang talaga, wala pang gaanong problema na dumarating.

   "Uto! Hoy!" Doon lang ako napabalik sa reyalidad nang may bumatok sa ulo ko. Napakamot na lang ako't ngumiti sa babae. Hindi ko siya kilala. Umalis din naman siya matapos ko siyang kawayan nang nakangiti. Nagmamadali siguro kaya hindi na ako kinausap. Sa ganitong lugar, busy ang mga tao. May mga pinagkakaabalahan na mas importante pa sa akin.

   Doon ko lang din napansin na ordinaryong tao na pala ako. Lumapit ako sa napakalaking salamin. Kitang-kita ang buo kong katawan. Una kong napansin ang tiyan kong nakalabas lang. Wala ng designs. Normal lang na tiyan. Pati ang aking brief, wala ng mga logo ng iba't ibang kulay. Nanlaki ang aking mga mata at doon ko rin nakita na hindi na pula, asul, abo ang kulay. Kundi kulay puti at itim lang. Kung kanina, yelo, apoy at gunting ang mga kamay at paa ko, ngayon, normal na lang. Wala na si Yin. Wala na akong kapangyarihan. Wala na akong lakas. Wala na akong kakayahang ipagtanggol pa ang Pilipinas sa kamay ni Dr. Erwin. Wala na akong silbi. Hindi ko pala kaya kapag wala si Yin.

   Nakalimutan lang siguro ni Bundat na sa apat na araw, doon ako mawawalan ng Yin. Mali siguro ang informations niya sa akin. Kung tutuusin, dapat meron pa naman akong kapangyarihan ngayon. Kaso, wala na e. Wala na.

   "O, Uto? Bakit ganyan na ang suot mo? Wala ka na bang misyon?"

   Napatingin ako sa lalaki. Nakayuko. Napailing.

   "Secret."

   Umalis siya na parang walang pakialam. Busy nga e. Sa huling pagkakataon, napasulyap ako sa aking sarili, hindi ko pa na-enjoy ang Yin ko. Hindi ko pa gaanong nalutas ang problema sa Pinas. Isa na lang ang magagawa ko, ang maging Mayor. 'Yon na lang ang paraan upang maligtas ko ang Pinas sa mapang-abusong tao at gobyerno.

Superhero si UtoWhere stories live. Discover now