KABANATA 1

145 13 2
                                    

KABANATA 1

Ako'y nasa himpapawid habang tinatanaw ang nakababahalang Pilipinas: ang mga kawatan, pumapatay, naghihikahos, mga krimen at ang gobyerno. Nakababahala na dahil sino nga ba naman ang matutuwa kung laganap na ang ganitong problema? Hindi na nga natin kayang paunlarin ang ating mga sarili, ang Pilipinas pa kaya?

   Kung puwede ko lang sana i-imagine lahat upang maging maganda ang bansa, gagawin ko. Ngunit nasa katotohanann na tayo, pabagsak na ang Pilipinas. At patuloy na babagsak kapag wala man lang magreresponde. Napaka-imaginative naman kasi ng Pilipino, hanggang imagination lang. Nagi-imagine na patuloy silang susuportahan ng kanilang gobyerno, nagi-imagine at umaasa sa patuloy na pagtatrabaho ng kanilang pagod na ama, nagi-imagine na sana ang mga OFW ang magpapaunlad ng bansa. Nagi-imagine na kapag boboto sila, magbabago na ang Pilipinas. Napaka-imaginative natin kaya tayo bumabagsak. Kaya naman ako na ang nagdesisyon na tanggapin na lang ang aking kapalaran-- ang maging tagapagligtas ng Pilipinas.

   Nakasuot ako ngayon ng. . . ay teka, wala pala akong suot. Tanging brief lang na kulay puti na may nakasulat sa gitna na letrang "U". Means Uto, pangalan ko. Kitang-kita ang umbok sa ibabang bahagi ng aking katawan. Pero hindi ko iyon ikanabahala, ang sa ngayon, oo. Paano ko nga ba ililigtas ang Pilipinas sa laganap na krimen, sa mapang-abusong gobyerno at ang mga kasamahan ni Dr. Erwin na nage-experiment upang talunin ako. Gumawa siya ng mga taong katulad ko na may kapangyarihan. Ang Alam ko lang, napakatalino niyang tao base sa sinabi ng kanyang asawang Presidente. Ipinagkalat pa sa buong Pilipinas na si Erwin, ay isang napakatalinong scientist. Kaya naman hindi sang-ayon si Erwin sa aking gagawin. Dahil alam ko kung anong ginagawa ng gobyerno sa mga tao. Ng Presidente. Nang sa gayon, magpapatuloy na maging bulag ang Pilipino.

   Kaya ngayon, pinag-iisipan ko pa rin kung kakayanin ko ba ang magligtas lalo na't wala naman akong alam maglingkod. Mahirap din ako. Nagtitiis sa maliit na kanin habang isinasawsaw sa asin na may halong mantika upang gawing ulam. Katulad din ako ng mga taong pinagkaitan ng tadhana. Laking squatter. Patuloy na hinaharap ang hamon ng buhay. Minsan nga iniisip ko, buhay pa ba ang Diyos?

   Balik tayo sa kung sino magiging tagapagligtas. Sabi ni Bundat, matalik kong kaibigan na nagsha-shabu, hindi ko alam ang ibinigay niya noon basta pagmulat ng aking mga mata, bigla na lang nag-init ang aking katawan at para bang may enerhiya akong nasagap. Tapos bigla na lang akong lumipad paitaas, buti na lang nasa itaas kami no'n ng building at walang kisame. Hindi ko pa kontrolado ang pagiging superhero ko no'n. Sinabi rin ni Bundat habang humihithit siya ng shabu ('yon na raw ang bumubuhay sa kanya), na magiging tagapagligtas ako ng Pilipinas. Hindi ko na siya naitanong dahil bigla siyang tumakbo paharap at nahulog sa pinakaitaas na palapag ng building. Nabalitaan ko na lang na patay na si Bundat makalawa. Nakakalungkot.

   "Tulong! Tulong!" Naantala ang aking pangungulila sa kaibigan kong si Bundat nang biglang may humihingi ng tulong. Malapit pa akong mabangga sa billboards kung diniretso ko ang paglipad. Buti na lang talaga nakaiwas ako. Sumigaw ulit siya ng tulong. Hindi ko siya mahagilap. Pagtingin ko sa ibaba, tanging mga nag-iinuman; mga nagwawalis sa kalsada; traffic enforcer na kumukotong kay mayor (dahil may nilabag siyang batas); mga pizza at mga nagra-rally. Inilibot ko pa ang aking paningin. 360 degrees. Lumipad pa ako.

   Hayun!

   Binilisan ko ang paglipad. Parang kilala ko ang boses na sumisigaw. Hindi ako magkakamaling isa siya sa mga dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay. Si Amira. Ang aking minamahal.

   Binilisan ko pa ang paglipad paibaba. Ang nakatutuwa pa rito, may lumalabas pa na apoy sa 'king kamay. Hindi naman ako naiinitan. Ang sarap lang.

   "Bitawa mo siya, Dr. Erwin!" Napahinto si Erwin. Karga-karga si Amira na tanging panghahampas lang ang nagawa. Naka-google mask pa si Erwin. Ang pangit ng kanyang suot: naka-white long gown; naka-mask hand na itim; Maraming pulbos ang mukha; ang itim ng leeg. Ang puti ng damit. Zebra lang?

Superhero si UtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon