Chapter Thirteen

28.2K 925 70
                                    

Black Enternity Series
Rendox Hauxford
My Seductive Prisoner

~

NATIGILAN si Hanna sa nakita niya, makailang ulit pa siyang napakurap kurap dahil hindi talaga siya makapaniwala na nasa harapan na niya ngayon ang lalaking pilit niyang pinagtaguan sa loob ng mahigit tatlong taon. Oh, God! Is she seeing things?! Hindi kaya aparisyon lang ang nakikita niya dahil sa sobrang pagka-miss niya sa prisensya ng binata. Kasi tingan mo ah, napaka imposible naman na mapadpad si Rendox sa bahay nila Freed, unless, nagkasundo na ang mga ito. 

Kaagad siyang nag iwas ng tingin sa binata ng mahimasmasan na, totoo ang kaharap niya dahil kung hindi, hindi maghahargumento ng ganito ang puso niya. Darn! Bakit ba kasi ngayon pa sila nagkita?

She cleared her throat, she needs to act normally or else.. “I am here to see Mrs. Roxsan Chui, if you don't mind, dadaan ako.” aniya.

Hindi naman nagsalita o nakuhang sumagot ng binata. Nakatitig lamang ito sa kanya na tila para bang mine-memorya ang mukha niya.

“Excuse me?!” muling aniya.

Finally, he snapped. “Y-you're back.”

“Yeah.” simpleng tugon niya. “Nandyan ba si Tita Roxsan at Freed?!”

TILA NADUDUROG ang puso ni Rendox gayong kaharap niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap ngunit ngayon ay napaka casual na casual na ito sa kanya. The way she talks, gone the sweet seductive prisoners of his, ibang iba na ang Hanna Aislyn na kaharap niya ngayon. Sa loob ng halos tatlong taon niyang pangungulila sa dalaga hindi niya akalaing magiging ganito na ang pakikitungo nito sa kanya sa muli nilang pagkikita.

Hindi naman niya masisisi ang dalaga, alam niyang masakit para dito ang katotohanang ginamit niya lamang ito sa mga plano niya laban sa tunay niyang ina. 

“Nandyan ba si Freed sa loob?! Naiwan niya kasi sa room ko 'yong phone niya.” sabi pa nito.

Ngayon palang ay pinapatay na ni Rendox sa isip niya ang kapatid niyang si Freed. Fuck! Ito na nga ang madalas kasama ng babaeng mahal niya tapos ito pa din ang hinahanap hanap nito?! Hindi na siya makakapayag kung ganon! May asawa na si Freed at dapat na itong manahimik doon sa kanya lang si Hanna, sa kanya lang!

Hindi na nagdalawang isip pa si Rendox na hatakin ang dalaga. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero wala naman siyang balak na gawing masama. Ang gusto niya lang ay makasama niya ang dalaga at ngayong narito na ulit ito, wala na siyang balak pa na pakawalan pa ito kahit na buhay man niya ang maging kapalit.

“Fuck! Ano ba, Rendox! Bitawan mo 'ko! What the hell is your problem?!” pag pupumiglas nito sa kanya. Hindi naman niya iyon pinansin.

Ipanasok niya sa loob ng sasakyan. Sa drivers seat muna bago niya ito pinaurong sa passenger seat.

Kunot na kunot ang noo nito habang patuloy siyang sinisinghalan.

“Fuck! Ano na naman ba 'to?!” asik nito sa kanya.

Pinaandar ni Rendox ang makina ng sasakyan. “You're here, you're mine and I'm keeping you again, sexy babe. This time I'm keeping you beyond the word forever.”

Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya. Ngumisi lang naman siya at saka pinasibad na paalis ang sasakyan.

HINDI makapaniwala si Hanna sa narinig. The nerve of this guy! How dare him to take her away. Damn it! Inis na inis na humalukipkip si Hanna at isiniksik ang sarili sa dulo ng upoan. Bwesit na yan! Ano ba kasi ang ginagawa doon ni Rendox Hauxford at na disgrasya pa siya?! Lintek na yan! Nakaka-tang ina lang! 

Black Eternity Series: RENDOX (COMPLETED)Where stories live. Discover now