Chapter Twelve

29.3K 840 32
                                    

Black Eternity Series
Rendox Hauxford
My Seductive Prisoner

~

Two and a half years later

"RHOXX, I told you not to run! Argh! Why so stubborn baby?!" Sermon niya sa anak niyang lalaki. Ugh! Ang pasaway kasi, sinabi na nga niyang huwag itong takbo ng takbo dahil may hika ito pero sige pa din. Well, ano pa bang magagawa niya? Bata iyon e, kahit na anong saway niya ay hindi pa din iyon maiintindihan nito. Hay nako!

Muli nanamang tumakbo papalapit sa kanya ang dalawang taong gulang niyang anak na si Rhoxx. Napailing nalang siya, napakapasaway talaga!

"Mi! Mi! Mimi!"

Pinamaywangan niya ito at saka pinanlakihan ng mata. "How many times do I have to tell you that don't run?!"

Humagikgik lang ito sa tinuran niya. Siya naman ay napairap bago lumuhod at pumantay sa anak. Pinunasan niya ang mga butil ng pawis nito sa mukha. Maging ang likod nito ay pinunasan niya na din, mahirap na at baka matuyoan pa ito ng pawis sa likod.

Inayos niya ang gulo gulo nitong buhok bago niya sinapo ang mukha nito.

"Don't run again, okay?!"

Tumango ito. "Si, Momma!"

Napangiti siya at saka hinalikan ito sa noo. Mukhang naakap na talaga ng anak niya ang linggwahe ng bansang kinalakihan nito. Dalawang taon palang naman ito at hindi pa masyadong nakakapagsalita ng buo pero nakakaintindi na ito, English nga lang at iilang Italyanong linggwahe.

Masaya siya dahil kaya niya, nakaya niya. Noong una kasi akala niya ay hindi niya kakayaning maging ina, although nahirapan talaga siyang mag adjust mabuti na lamang at nariyan si Freed sa tabi niya.

And speaking of, nasaan naman kaya ang manyak na iyon?!

Inaya niya si Rhoxx na pumasok na sa loob, nakisuyo nalang siya sa baby sitter nito na pakainin muna ito bago paligoan. Hahanapin niya muna si Freed.

Nag aalala siya dahil ilang araw na kasi itong parang wala sa sarili. Hindi naman iyon ganoon.
Nakarating siya sa may fountain sa may hardin at doon niya nakita ang binata, may kausap nanaman ito sa cellphone habang kunot na kunot ang noo.
"Freed!!" tawag niya dito.

Mukhang seryosong seryoso ang binata sa kausap nito dahil hindi man lang siya nito nakuhang pansinin kaya wala siyang nagawa kundi ang lapitan nito.

Tumayo siya sa harapan nito bago ngumiti. Napabuntong hininga naman ang binata bago ito nagpaalam sa kausap nito sa kabilang linya.

"Okay ka lang ba?!" nag aalalang tanong niya.

Hindi man kasi aminin ng binata alam niyang may bumabagabag sa isip nito.

Muli itong nagpakawala ng malalim na hininga. "I need to go back in the Philippines."

"Again?!"

Madalas na kasing umuwi si Freed sa Pilipinas, hinahayaan niya naman iyon dahil alam niyang may sarili ring buhay ang binata.

Hindi naman habang buhay nakadepende silang mag ina sa binata gayong wala naman itong obligasyon sa kanilang dalawa.

Tumitig siya kay Freed. "Is this about the girl last week?! Iyong sinundan ka dito at umiiyak?!"

Nanlaki ang singkit nitong mga mata dahil sa sinabi niya. Hindi siguro nito alam na alam nitong may kausap si Freed sa labas noong nakaraang linggo. Uusisain niya sana ang binaa tungkol dito kaya lang ayaw naman na niyang mang himasok pa.

Kaya lang ngayon mukhang kailangan talaga nito ng kausap.

"Siya ba ang dahilan Freed??"

Napansin niya ang pag tiim bagang ng binata. "She's my wife.." halos pabulong na anito.

Black Eternity Series: RENDOX (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon