Chapter Seven

32.1K 908 67
                                    

Black Eternity Series
Rendox Hauxford
My Seductive Prisoner

~

SHE'S BACK. She's finally back in her parents kingdom. Bumalik siya sa lugar na iyon na puno ng sama ng loob ang kanyang dibdib. Gusto niyang saksakin ng paulit ulit si Rendox. How dare him to used her just to get his revenge! Wha a coward hoe! Dapat ay mamatay iyong mga taong ganyan e, but then she's not Hanna Aislyn Fermia Fame for nothing. Anak siya ng dalawang taong kinatatakutan sa underground society, even Rendox can never surpass their organization. They are torturers! And torturers will always stand higher and mighty than the others.

They are the real QUEENS! So bow down fake bitches!

Unang sumalubong sa kanya ang ate Aiszel niya. She's wearing a black dress again and a diamond choker, mukha talaga itong Reyna kapag narito ito sa ETHQ.

"Welcome back bitch!" nakangising anito sa kanya.

Tumango siya. This is her, this is her life. Hindi naman talaga kasali si Rendox sa buhay niya, nakisali lamang ito at siya naman itong naging tanga na hinayaang makapasok ang binata sa buhay niya, sa puso niya.

But now, alam na niya ang lahat! Alam na niya ang totoo at kailangan niyang makausap si Freed ngayon. Ang gagong manyakis lang na iyon ang makakapag bigay ng mga sagot sa mga katanungan niya.

Nag paalam na siya kay Aiszel mukhang marami namang ginawa ang Ate niya at mukhang busy pa ito sa pagsira ng buhay ng kapatid nilang si Hellion, hindi niya talaga maintindihan kung bakit ang laki ng galit ng Ate Aiszel niya kay Hellion. Kunsabagay, maging siya man ay hindi niya matanggap na may kapatid sila sa labas kaya nga hindi din siya masyadong naglalapit kay Hellion. Kung hindi lang dahil sa ina nila, malamang ay matagal ng napatalsik ng Ate Aiszel niya si Hellion sa pamilya nila.

Naglakad si Hanna papunta sana sa silid ni Freed pero natanaw niya ang kanyang ina na naka-upo sa isa sa mga benches doon sa ETHQ Garden, mukhang malalim ang iniisip nito kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na lapitan ang ina.

"Mother Queen.

Napalingon ito sa kanya. Bahagya pa itong kumurap kurap na para bang sinisiguro kung totoo ba siya. God! Miss na miss niya ang Mom niya.

Napatayo ito. "H-hanna.. Oh God! My Aislyn! Miss na miss kita anak."

Kaagad siyang ginawaran ng mainit na yakap ng ina. Malugod niya naman iyong tinanggap. Miss na miss niya na din ang kaniyang ina, sobra pa sa sobra.

"How are you?!" hinawakan nito ang kanyang mukha at tila nag aalalang tinitignan kung may mga galos ba siya. "Sinaktan ka ba nila?! God! Ako ang papatay sa mga hayop na iyon. Wala akong pakialam kung asawa pa ng pinsan ni Caleb ang Big Boss ng grupong iyon."

"Mom.. Mom, kumalma ka po."

Bumuntong hininga ito. "Ayoko nang mawala kayo sa paningin ko Hanna, sa susunod ay mag iingat ka na."

Napangiti siya sa ina. "Yes Mother Queen."

Tumango ito. "Puntahan mo na ang demonyo mong ama. Nag aalala na din iyon sa kalagayan mo, ilang buwan ka ding nawala."

Tumango siya sa ina. She sighed. Yes, she needs to face her father's interrogation to her.

TAHIMIK lang si Hanna habang nasa loob ng opisina ng kanyang ama. Kasama niya ang kanyang ina at ang mga kapatid niyang sina Hellion, Aiszel at Haze. Kanina pa nga siya binubulongan ni Haze na manghihiram daw ito ng malanding panty sa kanya. Nawe-werdohan talaga siya sa kapatid, saan naman nito iyon gagamitin?! Masyado lang siguro nitong naakap ang mga kalokohan ni Tita Robbie nila, ang kaibigan ng Mom nila.

Black Eternity Series: RENDOX (COMPLETED)Where stories live. Discover now