Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)

12.4K 48 3
                                    

PROLOGUE

"Hija, ikakasal ka na" malungkot na saad ng aking papa, habang si mama naman ay nakatingin lang sa amin at walang sinabi na anumang paliwanag sa nakakagulat na balita.

Isang buntong hininga lamang ang nasagot ko kay papa dahil alam ko na wala naman akong magagawa sa mga desisiyon niya. Bawat salita niya ay batas na sinusunod sa aming tahanan.

"Papa alam kong nakapagdesisyon ka na at alam ko rin na wala na akong magagawa pero sana bago niyo itinakda ang kasal ko ipakikilala niyo naman sa akin ang mapapangasawa ko." Malungkot na paliwanag ko.

"Hija, ako man ay labag sa akin na ipakasal ka kay Gabriel Monteverde ngunit wala akong magawa. Ipapaliwanag ko sayo sa takdang panahon."

Nanlaki ang mga mata ni Althea ng marinig ang pangalan ng mapapangasawa. Of all people bakit kay Gabriel Monteverde pa..

Si Althea Salvador ay sa mula sa kinikilalang pamilya sa bayan ng San Simon. Nag iisang anak nina Senyor Rafael at Senyora Alicia. Siya ang katuwang na mga magulang sa pag papatakbo sa kanilang farm. Kinagigiliwan din siya ng kanyang kababayan dahil sa kababaang loob.

****

Author-> terelou1220

Link of the story-> https://www.wattpad.com/story/11641423-millionaire%27s-unwanted-wife-published-under-summit

~kremecake

Wattpad COMPLETED Stories~ TagalogWhere stories live. Discover now