Chapter 3: Darkwoods.

33.9K 1.3K 317
                                    


Chapter 3: Darkwoods.
-

“Tatlo lang naman ang rules sa Academy, first don’t harm any person using your special abilities or powers. Dito sa loob ng academy ay pili lang ang lugar kung saan gumagana ang mga kapangyarihan ng estudyante.”

“..Second, no contacts outside the academy. Meaning, bawal ang ano mang komunikasyon sa pagitan ng estudyante at mga artasian na nasa labas ng academy, mahigpit din ipinagbabawal ang komunikasyon sa normal na tao..”

“..Third is to follow the rules, sino mang lumabag dito ay mapaparusahan. Malaya kang gawin ang kahit na ano as long as hindi ka makakapanakit at hindi ka magkakaroon ng komunikasyon sa mga artasian na nasa labas ng academy.”

Pagtapos i-explain ni Ms. Eve ang tungkol sa mga dapat kong malaman ay dinismiss na niya ang klase, mabilis ding umalis si Klein kaya minabuti kong hanapin muna ang ibang guardians. Ilang beses ko man tangkaing hingin ang tulong ni Klein ay hindi ko magawa dahil sobrang pangit ng unang encounter namin sa isa’t-isa.

Nabanggit sa akin ni Ms. Eve na kulay blue ang sinisymbolize ni Klein kaya naisip ko na baka sa hair color ko malalaman kung sino ang iba pang guardians. I really don’t know what do they look like kaya susundan ko na lang ang instincts ko.

Lumabas ako ng main building at nagpunta sa field pero naibaling ko ang atensyon sa may garden kung saan ako pumunta kahapon. Naalala ko bigla ang sinabi ni Cade at kulay ng kanyang buhok.

“See you soon.” Does that mean na alam niyang magkikita pa kami? Isa kaya siya sa guardians?

Sinubukan kong pumunta doon, nagbabakasakali na makita ko si Cade pero isang estudyante lang ang nakatambay doon.

“Hi miss. May nakita ka bang lalaki? Kulay pula iyong buhok niya, matangos ang ilong at may katangkaran.”

“S-si Cade Zevallos ba?” Namula na lang bigla ang mga pisngi niya at tumango lang ako marahan.

“I’m not sure pero dalawa lang naman ang tinatambayan niya. It’s either dito sa garden or sa darkwoods.”

“Saan ko makikita yung darkwoods?” Tumayo siya at lumabas sa may garden kaya naman sumunod ako sa kanya. Tinignan niya ako at saka siya tumuro sa may gubat.

“Doon.”

“Ah sige miss, salamat ah.” Tumango lang siya at nagmadali na rin akong pumasok doon sa may gubat. Sinigaw ko ang pangalan ni Cade, halos hindi ko na rin matanaw ang field dahil mukhang malayo na ang narating ko. Ang tanging nakikita ko na lang ay mga nagtataasang puno.

“Cade!” lumingon ako sa paligid, nagbabakasakali na makikita ko siya but in just blink of an eye, the atmosphere suddenly changed. Kinilabutan ako at parang napako na ang mga paa ko mula sa kinatatayuan.

I came here without thinking, paano kung nagsisinungaling pala ang babaeng iyon? No. Please, negative thoughts wag ngayon. Kailangan ko mahanap si Cade, malakas ang instincts ko na isa siya sa guardians.

“Cadㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy pa ang pagsigaw because of that strange growl. Pinagpawisan ako at lumingon lingon sa paligid, ako lang ang tanging narito at nasa madilim na parte na rin ako ng gubat dahil natatakpan ng malalaking puno ang sinag ng araw.

This place seems so dangerous, gusto ko nang bumalik pero ang mga paa ko, they become unconscious. Hindi ko maigalaw, pinilit kong i-relax ang sarili ko and finally, nagkaroon na rin ako ng lakas para tumalikod at tumakbo pabalik ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay bigla na lang akong napaupo, ni hindi ko na nga napansin pa ang bagay na tumusok sa kamay ko.

What exactly am I seeing right now? Half human half wolf? What on earth is that? A mythical creature, nag-eexist ba talaga sila?!

Ramdam kong namumuo na ang luha sa mga mata ko, hindi ko magawang kumilos. Iyong matutulis niyang pangil at kuko, yung mapupula niyang mata na nakatitig sa akin. Nakakatakot, dito na ba ako mamamatay?

Artasia Academy: The seven guardiansWhere stories live. Discover now