Chapter 2: The seven guardians.

42K 1.4K 323
                                    


Chapter 2: The Seven guardians.
-

Gaya ng sinabi ni Cade, sinamahan niya ako kung saan man ako pupunta and to be honest, hindi ko naman talaga alam kung bakit ako lumabas ng main building.

“Paanong wala kang special abilities?” tanong niya. Nabanggit ko kasi na kararating ko lang sa lugar na ito at wala akong kahit na anong magic o power.

“Hindi ko rin alam, wala naman sa plano ko ang mapunta sa lugar na ‘to, basta nangyari na lang eh.. Teka saan mo ba ako dadalhin?” Kanina pa kami naglalakad, wala rin masyadong estudyante sa field kasi linggo ngayon. Napansin ko rin na may iilang tao ang tumitingin sa akin.

“Nandito na tayo.” sabi niya at tumingin ako sa paligid, nasa may garden kami kung saan maraming paru-paro ang lumilipad at nakadapo sa mga bulaklak.

“Wow.” Iyon lang ang lumabas sa bibig ko at saka nilingon si Cade. Nakangiti lang siya habang sinusubukang hulihin ang mga paru-parong malayang lumilipad.

“Sino nga pala yung humahabol sa’yo?”

“Crap! Buti pinaalala mo, mauna na ko, ah? Baka itinapon na nun yung mga alien figures ko. Bye Eira! See you soon..” kinawayan inya ako at mabilis lang din siyang nawala sa paningin. Ang weird niya.

Naupo ako sa wooden chair malapit sa may entrance ng hedge maze, I was wondering kung magkakaroon ba ako ng kaibigan sa lugar na ‘to. Cheerful naman akong tao, hindi naman ako masamang tao at lalong hindi naman nakakatakot ang itsura ko but still ang hirap pa rin para sa akin ang magkaroon ng kaibigan.

Uh! Curse this hair color, dahil rito ay nasasabihan akong weirdo, may nagsasabi na feeler daw ako dahil halatang kinulayan ko lang. Pareho namang itim ang mga buhok nila mama at papa kaya hindi ko maintindihan kung bakit kulay gray itong sa akin. Maybe I really do belong here, noong makita ko si Cade unang pumasok sa isip ko na normal lang sa lugar na ito ang may inborn na hair color maliban sa itim.

Kung tutuusin para lang naman akong nasa isang tagong probinsya, what makes it different is yun nga, may mga kapangyarihan ang tao rito but still, I feel outcast dahil wala nga akong abilities.

“Hoy.” agad akong napatingala sa boses ng lalaking iyon, he got this lustful aura. Uh what’s his problem? Nananahimik ako rito.

“W-why?” lumuhod siya sa harapan ko at marahang kinuha ang kamay ko. My eyes widened when all of a sudden he kiss the back of my hand. What was that for? Nginisian niya ako and my legs seemed to move of their own accord.

I don’t know what’s going on pero nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa mapunta ako sa likuran ng isang lalake and the next thing happen? Naitulak ko na siya sa may fishpond. May parang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko and I came back to reality that I was being controlled! Damn.

Nilingon ko iyong lalaki kanina, I’m sure na siya ang may gawa nito pero bago pa ako makahakbang papunta sa kanya ay may humatak na sa braso ko. Halos bumaon na ang mga kuko nito sa balat ko.

“Who do you think you are?” Tanong niya at bago ko pa maibuka ang bibig ko para magpaliwanag ay naitulak na niya ako sa fishpond. I clenched my teeth at saka naglakas loob tumayo. Sinamaan lang ako ng tingin ng lalaking nasa harapan ko, how can he do that thing to me?! Ano man lang yung hinintay niya yung paliwanag ko?

“Bakit mo ko tinulak?” mabilis niyang nahawakan ang damit ko at hinatak palapit sa kanya, my whole body was shaking and found myself unable to look into his dark eyes.

“I-I was being controlled.” nginisian lang niya ang isinagot kong iyon. Ugh, seriously nararamdaman ko ng malapit na akong mainis sa pagkatao ng lalaking ito. Wala akong pakialam kung gwapo siya at maganda ang buhok niya dahil sa may pagka-asul ito but damn! He’s so arrogant.

Artasia Academy: The seven guardiansWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu