My GF Is Not So Panget (Various Ways of Killing Your Best Friend)

8K 97 83
                                    

Glimpse

David Angeles de los Santos

Isa, dalawa, tatlo...

May tatlong magkakahiwalay na pimples sa noo niya.

Apat...

May isa pang maliit sa kanang pisngi niya. Ang ganda niya. Hindi. Ewan. Hindi naman siya ganun kaganda pero hindi ko mapigilan ang tignan siya nang tignan. Hindi rin naman siya panget kahit ano pa ang sabihin nila. Suddenly, I've come to realize what's the real beauty. It's not in the eyes of the beholder. It's in his heart. Maganda siya--kasi maganda ang nararamdaman ko sa tuwing tinitignan ko siya.

Cyrel Angeles Yang

Cyrel doesn't like him. He's her frenemy since they were kids. He's mayabang. Madaya. Makulit. Maingay. Manyak. But to top it all, ayaw ni Cyrel sa kalbo. He is--without any doubt--the synonym of annoying. But why does she look at his picture this way? She can't take her eyes off on his laughing face. Bakit ba siya kinuhanan ng snapshot ni Cyrel in the first place? Bakit ang cute ng tawa niya? No way. He's not cute. Cyrel is sure of that. But why does she feel like wanting to take more pictures of him--more moments of him like this: genuinely happy? Cyrel is confused. And I don't like it.

Donito Alvarez

"Mahal ko siya," narinig kong sinabi niya sa kaibigan namin. Agad ko iyong naintindihan. Alam ko na, hindi na kailangang ipaliwanag pa, na hindi ako ang siya na tinutukoy niyang mahal niya. Hindi ko na rin kailangan ang kahit na anong simili, metapora, analohiya, o kung ano pang tayutay para ilarawan ang nararamdaman ko ngayon--dahil ang nagtatago sa kaibuturan ng aking dibdib ay walang kahalintulad na sakit.

Masakit. Pero kailangan cool lang. Kailangan parang wala lang. Kailangan parang normal lang. Kailangan kong manatiling humihinga. Kailangan kong manatiling kalmado. Kailangan kong manatiling nakangiti. Kailangan walang makahalata ng pighating aking katunggali. Dahil alam ko, wala namang ibang tao, o kahit na tala, lamanlupa, anito, kupido, espiritu, o santo ang makakatulong sa'kin sa dalamhating namumuo sa dibdib ko.

Kahit kailan hindi ako magiging siya. Hindi ako ang mamahalin niya. Tanggap ko naman. Kaya ngiti na lang--para hindi ako magmukhang kawawa.

Maria Grace Isidro Evangelista

Best friends: Akala ko mas pam-forever 'to, mas masaya, mas matibay, mas gusto ko. Dahil sa takot ko, ito noon ang pinili ko. Pero bakit parang ayoko na? Ayoko na siyang maging best friend--'yung best friend lang. Pero gustuhin ko mang ibalik 'yung dating kami, mahirap na. Lalo na ngayon, pareho na kaming nagpapatayan.

My GF Is Not So Panget (Various Ways of Killing Your Best Friend)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon