Broken

2.1K 62 9
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
PRESENTS : Tyrone Villahermosa
in: Once A Mistress
Written by :Yeshameen Brejente



CHAPTER 5

NAPANGITI naman si Tyrone dahil napasunod naman niya ang dalaga sa gusto niya. Kanina kasi'y iniisip nitong baka mahirapan siya upang kumbinsihin itong sumama sa kanya tungong Palawan.

"I didn't throw your cellphone, though. I just hid it, if I am God's instrument to help you cope with your heartbreak? Then, I'll gonna do everything for you to overcome it. " Piping usal ni Tyrone sa sarili habang ngingiti-ngiting nakaharap sa magandang front view ng Azure North.

Ngayong mag-isa sa loob ng shower room si Maria Drea Sophia, bigla na lamang niyang naisip si Marcus. For he loves to make love with her inside the bathroom and under the shower head. Make love? It might not be the right word to say —fuck, maybe!

"Ni minsan hindi niya sinabi saiyo na mahal ka niya. Na minahal ka niya, Maria Drea Sophia! You should have known that. Ikaw lang naman ang tangang paulit-ulit na nagpagamit sa isang tulad niya. Wala ka ng itinira para sa sarili mo. Wala ka na ring pamilya. And now? Look at you! You're here in the hotel with a stranger. Gawain ba 'to ng isang matinong babae? " kastigo niya sa sarili habang nakatitig sa repleksyon niya sa mirrored wall ng shower room. Hinayaan niyang mabasa ang katawan niya sa malakas na buhos ng tubig mula sa shower head."Pero saan pa nga ba ako pupunta? Sino pa ang sasandalan ko? If this man isn't a good man, he could have take me for granted but he did not. He's harmless, narito ako ligtas at wala naman siyang ginawang masama maliban nga lang sa pagtapon niya sa sarili kong cellphone. Pero, mas mabuti na rin siguro 'yon. Dapat ko na ring limutin si Marcus kahit batid kong mahirap! " aniyang kausap ang sariling repleksyon sa salamin. Pero bakit parang nakikita niya kung saan-saan si Marcus? It's not easy as you think it is! Dahil buong buhay niya si Marcus lang ang kauna-unahang lalaking minahal niya. Ito ang nauna sa pagkababae niya — but he dumped her! Para siyang asin na unting-unting natutunaw habang siya'y nasa ilalim ng shower. Inut-inot siyang napasandal sa dingding at unti-unting napaupo sa kanyang kinatatayuan.

"Oh, Marcus! Turuan mo naman sana akong limutin ka, tulad ng pagturo mo sa akin kung paano ang ibigin ka. Don't make it hard for me. Dahil ngayon? Ngayong iniisip ko pa lang na limutin ka —pakiramdam ko, unti-unti ring pinapatay ang puso ko. Nobody wants to be a Mistress, neither I. Pero, mali ba na umibig ako saiyo, Marcus?" aniya sa sarili habang nakaunan ang mukha niya sa kanyang mga bisig na nakapatong sa kanyang mga tuhod. Remembering Marcus!

Nasa America noon ang mga magulang ni Maria Drea Sophia, umalis ang mga ito upang ipagamot si Charo —ang kanyang Mama matapos itong ma-diagnosed ng Cervical cancer. She was on her last year on College that time. Halos malubog na sila sa utang dahil sa malaking pangangailangan para sa pagpapagamot ng kanyang ina, idagdag pa na papalugi na rin ang napabayaan nilang negosyo..

"Papa, marami na ho ang naniningil sa atin. May mga threats na rin akong natatanggap. I'm scared, Pa. " Sumbong ng dalaga sa amang si Samuel.

" Drea, its about time for us to sell our house. Alam kong hindi madaling i-give-up ang ating lupa't bahay pero iyan na lang ang meron tayo upang mabayaran ang ating pagkakautang. " Emosyonal na wika ni Samuel sa anak.

" Sige ho, Papa. I'll make some posters para makahanap ng sure buyer ng lupa't bahay natin. I'll contact you kapag meron na ho. " Malungkot na wika ng dalaga." How's Mama? "

" Inihahanda pa siya para sa nalalapit niyang surgery. Hoping everything will fall into its place perfectly. "

" God is good, Papa. I'll pray for her. " Wika ni Maria Drea Sophia. Pagkatapos ng gabing 'yon —nagsimula na siyang gumawa ng flyers at posters na, " House and lot for sale. " Na mayroong location at contains details  niya ang nakalagay.
Two days after giving away the flyers, bigla na lamang siyang nakatanggap ng tawag.

ONCE A MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon