Let go

1.9K 61 3
                                    

VILLAHERMOSA COUSINS
PRESENTS: "Tyrone Villahermosa"
in, "Once a Mistress"
Written by:Yeshameen Brejente



CHAPTER 4

SA sobrang pagod ay di na namalayan ni Maria Drea Sophia na nakatulog na siya sa balikat ni Tyrone. Kaya naman ay gumalaw ang binata upang ihiga siya nang maayos sa kama. Mugto ang mga mata nito dahil sa kakaiyak, kahabag-habag ang maganda nitong hitsura kanina habang humahagulgol sa harap niya. But, by looking at this young woman? Who would thought that she's someone's mistress? Di pa rin makapaniwala si Tyrone, mukha kasing napaka-imposibleng isipin!

Ngayong nakahiga na rin si Tyrone sa malambot na couch, nakatingin siya sa kisame. Ramdam niyang pagod na pagod ang katawan niya. Nang maalala ang mga bagahe niya sa Manila Hotel ay agad naman siyang tumawag sa staff, minabuti niyang kanselahin na rin na muna ang flight niya tungong Palawan mamayang gabi. Hindi niya pwedeng iwan si Maria Drea Sophia. Paano na lang kung maisipan nitong magpakamatay dahil walang karamay?

"She's not your responsibility, Tyrone! But, why is it so hard for me to just leave her? Ni wala pa akong contact sa mga pinsan ko,  lalo na kina lolo. Bukas na lang siguro. " Aniya sa sarili saka pumikit. He was about to fall asleep when he hears Maria Drea Sophia sobbing! Nawala tuloy ang kanyang antok. Tila nagde-deliryo ang dalaga kaya minabuti ni Tyrone na bumangon at gisingin ito." Maria Drea Sophia, wake up! " pukaw niya sa dalaga. Parang nag-blur naman ang paningin ng dalaga't tila nakikita si Marcus kay Tyrone!

"Marcus?" aniyang luhaan saka mabilis na iniyakap ang mga braso sa batok ng binata. Langhap na langhap ng binata ang long-lasting scents ni Maria Drea Sophia nang magkalapit ang kanilang mga mukha. "Marcus, you're back. Alam kong hindi mo 'ko matitiis. I love you, Marcus. I'll never ask so much of you. Just a little time, Marcus. Stay, please." Pikit-matang wika niya kasabay no' n ang matinding pagpatak ng mga luha niya. Awa ang nararamdaman ni Tyrone matapos niyang marinig ang mga sinabi ng dalaga. If pretending to be Marcus would make her feel better tonight, then he's not going to tell her that he's not Marcus!

"Sleep, Maria Drea Sophia. " Aniya saka marahang pinaraanan ng haplos ang malambot at mabangong buhok ng dalaga.

"l'll sleep if you promise me you'll stay." Halos pabulong na saad ng dalaga. "I don't wanna see you go."

"Sleep. " Wika ni Tyrone saka marahang hinagod ang likod ng dalaga, hanggang sa ito'y tuluyang nakatulog. She's sleeping like an angel. A broken angel that needs someone to be there for her. Bumalik si Tyrone sa couch saka muling nahiga na iniunan pa ang mga bisig niya. He doesn't know why he cares for her. Bahagya pa niyang nilingon ang dalaga sa kama at himbing na rin ito. Dapat nga ay galit siya sa mga babaeng manloloko, dahil sa kabila ng lahat ng efforts at pagmamahal niya para kay Athena ay balewala lang dahil nakuha pa siya nitong pagtaksilan.

"No, Tyrone! You cannot judge someone easily without even knowing why she did the things she should have not done. Di naman siguro lahat ng kabit ay masama. Kung may kasalanan man sila, yun ay ang magmahal sila ng maling tao — yung pag-aari na ng iba." And he started closing his eyes.

Magdamag na nagkulong si Marcus sa kanyang study room. Right now, he put his sim card back to his phone and received a lot of messages from Maria Drea Sophia. Binasa niya lahat at kuyom ang sariling mga palad. Saka pa lamang niya napansin si Eunice na nakatayo sa tapat ng pinto.

"You stayed here throughout the night? "she asks in a serious tone of voice.

" Eunice, I'm sorry. " Aniyang nagpakawala ng ngiti." Good morning. "

"Ano ba ang dahilan mo kung bakit nagkulong ka dito? Naghintay kami ni Trixie saiyo. Umasa yung anak mo na makatabi ka." Nagdaramdam na wika ni Eunice. Kaya agad namang tumayo si Marcus saka masuyong lumapit sa asawa at niyakap niya ito sa likuran habang nakasubsob sa balikat nito ang baba niya.

ONCE A MISTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon