PROLOGUE

6.6K 123 8
                                    

Kahit muntikan nang matamaan ng balang para sa babaeng complete stranger, heto pa rin siya at magkasama sila. Di pa rin nagsasalita ang babae, laging nakatingin sa malayo, tulala at madalas niyang mahuling lumuluha't humahagulgol. Mukhang napakabigat ng dinadala.

"Where should I take you? I can't stay longer." Kalmadong wika ni Tyrone sa babaeng luhaang nakatingin sa kawalan.

"Wala na akong pamilyang uuwian, itinakwil na nila ako. At ang pinakamasakit? Wala na- wala na kami ni.." natigilan ito, bakit nga ba siya magku-kwento sa kaharap na lalaki? Isa lang naman siyang kerida! Keridang pagkatapos pinagsawaan at ginamit ay ibinasura na lang. She sobs.

"I'll listen to whatever you wanna say. Para gumaan ang loob mo." He says in a very comforting way. "Sino ang humahabol saiyo? Sino ang gustong pumatay saiyo?"



"Karma ko." Tugon nito saka lalong napaluha. Marahang lumapit si Tyrone saka marahang hinawakan sa kanang balikat ang dalaga. "I deserve to be killed! Isa akong babaeng walang kwenta. Isang babaeng muntikan ng makasira ng pamilya! Marumi ako, masama akong tao." Mukhang nakaunawa na si Tyrone, pero di siya makapaniwala.

"Isa lang ang sigurado ako, hindi ka dapat ginawang kerida. Kung sino man ang lalaking 'yan, isa siyang malaking gago!"

"Are you out of your mind, Tyrone?" magkasabay na sigaw ng magpipinsang Kenzo, Lucho at Franz sa binata.

"Nagkakaubusan na ba ng babae sa mundo at kailangan mong pulutin ang tira-tira ng iba?" Señor Lazaro says to him.

"Gusto niyo akong itakwil? Gusto niyo akong tanggalan ng mana? Fine. Pero kahit kelan, hindi niyo 'ko pwedeng pakialaman. Hindi niyo 'ko pwedeng diktahan." Wala sa loob na wika ng binata dahil napuno na siya sa mga ito. He's now away from all of them. Walang ibang kasama sa pribadong lugar kundi ang babaeng hinuhusgahan ng mga taong nakapalibot sa dating mundo niya. Si Maria Drea Sophia! Not even his girlfriend. Aminado siyang dyosa ito ng kagandahan. Sino bang hindi mahuhumaling dito? Sino ba ang mag-aakalang she's once a mistress? A mistress who did everything in the name of love!


"Sir Tyrone, go home. Go back to them. You don't deserve this life being away from all of them and from all what you had."

"I'm not leaving you, Maria Drea Sophia. You don't deserve to be judged just because of your past and all the choices you made. Wala silang alam, wala silang karapatan." Aniya habang lihim na minamasdan ang bawat anggulo ng mala-dyosang mukha ng dalaga. "I don't know why I care so much about you, kahit aksidente lang ang nagdala saiyo tungo sa akin."

Isang malaking desisyong kailangang panindigan ni Tyrone bagay na kailangan niyang talikuran ang lahat para kay Maria Drea Sophia? Ano'ng kapalaran ang maaaring maghintay sa kanila? Paano kung bumalik ang lalaking dahilan ng pagiging miserable niya?

ABANGAN!

ONCE A MISTRESSWhere stories live. Discover now