Chapter 5

20 0 0
                                    

****5****

"Uy Crush. Ikaw na naman? Tara sabay na tayo pasok."

dugdug.dugdug.

Ayun. Ba't ba kase lagi nalang? -__- At ba't ba kase crush pa ang tinatawag nya sakin? 

'Di nya ba alam na 'di na nakakatuwa?

"Ayoko."

"Edi wag. Parehas lang naman tayo ng school ha. Kaya kahit anong gawin mo magkakasabay pa rin tayo. 

Highblood si crush ba't kaya?"

"Edi bibilisan ko lakad.Saka pwede ba? Tawagin mo nga ako sa pangalan ko!!! Naha-highblood ako sayo eh."

"yieee. siguro iniisip mo ako kagabi noh?"

Aba't pano nya nalaman? may mind telepathy ba sya?

NAKAKAIRITA na nga sya. Gusto nya pa talagang dagdagan pag kairita ko sa kanya? 

Patayin ko na kayo tooo. -___-

"eh kasi sabi nila. Kapag 'di ka daw makatulog may nag-iisip sayo. Ano? Tama ba ako? 

Tignan mo nga ginawa mo ! Nagkaeyebugs tuloy ako."

"Aba't kasalanan ko pa? 'Ni hindi nga kita naiisip eh."

"Ayy. Hindi pala? Sino kaya nag-iisip sakin? 

Sana si Kyla."

Kumirot naman yung puso ko. ba't ba ganun? 

ba't ba sasabihan nya akong crush nya ako tapos babanggitin nya lagi si Kyla? Paasa. -__-

 Nakakairita na nga tas ganyan pa ugali. Haybohay talagaa. -____-

"Sus. Ikaw talaga. Ano? Ilakad na kita kay Kyla ngayon?"

"Chilaxx. Wag muna. Baka mareject. Akala ko ba ayaw mo ako kasabay?"

HALA? di ko namalayan na nagkakasabay na pala kami ng lakad. 

Kanina kasi nauuna ako kahit kinakausap nya ako eh, Tas ngayon magkasabay na pala kami. eh kasi naman eh.

"Ah-eh.. Syempre. Para... Eh teka nga. Ba't mo ba iniiba usapan? Ano ilalakad ba kita o ano?!!"

"Wag na. May maglalakad na para sakin."

"Sino?"

"Basta. Tsimosa ka ha. Close tayo?"

"Kapal neto. Wait.. yung tungkol dun sa transfe-"

"ah oo nga pala. Tara daanan natin sya."

"Ha? Baka ma-late tayo?"

"Di ah. ayan na nga bahay nila oh !"

Tapos tinuro nya. Ongapala. eto na rin bahay nila Kyla. Magkapitbahay nga pala talaga sila.

"UY ! Vincent ! Tawagin ko na rin si Kyla ha."

"A-eh. Sige."

Tapos yun nauutal utal na sya at parang kinakabahan. HAHA. So alam ko na. 

Si Kyla nga talaga ang gusto neto. No hate, Just accept. May reserba pa naman eh. (^__^)

Ayan na sya oh. Papalapit na. 

Si unknown guy. 

Kasi kakadaldal ng utak ko nakalimutan ko na na tatawagin ko pala si Kyla. 

Haybohay.

"KYL-"

"Wait. Ako na."

"Unknown Guy and the Heartbeat."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon