Chapter 2

34 1 0
                                    

***2***

"Uy. Crush ! Tara sabay tayo."

dugdug.dugdug. 

Si Vincent yan. Si Vincent James de Vera. Kaibigan din ni Dave yan. Kaya gwapo rin. Kaklase ko nga pala yan. 

HAYYY.

Ba't ako kinabahan? 'di ko din naman kasi nabosesan kung sino eh. 

Kahit sino naman siguro kakabahan kapag ganun sinabi diba?

Psh. Maloko yan eh. Pero okay na rin kasama to kesa mabaliw ako kakaisip mag-isa dito. diba?

"Baliw neto ! Maka-crush ka naman dyan. Tara na?"

"HAHA. Joke lang eh.Wait lang. Si Kyla?"

"Umalis na eh. Bakit ? May kelangan ka ba sa kanya?"

"Wala naman. Hehe"

tapos parang nahihiya sya. I knew it.

"Ayiiee. Siguro crush mo bespren ko noh? Vincent naman oh ! Tagal na nating magkaklase ngayon ka lang nagsabi!!"

"HA? Bakit? di ko naman sinabi ha?"

"Eh bakit mo sya hinahanap? Crush mo kasi sya."

"A-ARAY !"

Toinks ! Makabatok naman! Awts yun ha. (-__-#)

"Di naman kasi ganun yun eh. Ibabalik ko lang yung Physics notebook nya. 

Actually,

Ikaw nga yung crush ko eh."

dugdug.dugdug.

hayy. Yung puso ko. Bat ganyan ka? Kanina ka pa ha!  Naniwala ka dyan kita mong bolero yan eh. Hayy. :/

"Alam mo ! Bolero ka pala noh?"

"Haa? Sino ? Ako?"

"Ayy hindi ! Yung puno !"

"HAHAHA. e hindi naman kasi yun bola eh. 

Angkulit mo talaga kasama kaya crush kita eh."

dugdug.dugdug.

"HMP! Maiwan na nga kita dyan !"

"Joke lang ! Eto naman oh ! Si Kyla nga yung crush ko. Wag kang maingay ha."

Oopps. Ba't ako nasaktan? Mejo kinikilig na nga ako eh. Binawi pa? Assumera kasi ako eh. Yan tuloy ! 

Napapala ko. HAHA. Whatever.

May reserba pa naman akong crush noh ! Pag naheartbroken. OHA! (*__*)v

"Alam ko naman si Kyla eh. Halata kaya."

"oh.. Bat parang natahimik ka? Selos ka nuh?"

"Angkapal neto. Gusto mo ilakad kita?"

"Kung umpisahan na kaya nating maglakad nuh? Mukha tayong tanga dito sa gitna ng daan. 

Dito pa tayo nag-uusap."

"HAHAHA. Ongapala."

HAHA. Daldal nya kasi eh. Di pa pala kami naglalakad.

Tapos naglalakad na kami ngayon. 

Okay na rin kasama 'tong isang to. Kahit apaw sa kayabangan. Laptrip naman sya kasama eh.

Kahit inaamin ko sa sarili ko na isa sa pinaka kinaiinisan ko to sa room namin. Well, halata naman dib? Mahangin kase.

"Uy. Xy!!"

"Ow?"

"May boyfriend ka na ba?"

dugdug.dugdug.

"h-HAA? Bakit ako tinatanong mo nyan? Diba dapat si Kyla?"

"Oo nga.Tinatanong lang kita kasi may irereto ako sayo."

"h-HUH? s-Sino naman?! Mamaya holdaper yan ha."

"HAHA. Baliw ka talaga. Di ah. Basta new comer sya sa school."

New comer? Baka si unknown guy?

"HUH? Sino naman yun?"

"Basta section 2."

"w-WHAT?"

Anoo daw? Section 2? Baka si unknown guy na nga yun ! Sya lang naman transferee eh.

"tignan mo to. Dukutin ko mata mo dyan eh. Bat ba parang gulat na gulat ka? Anglaki ng mata mo oh!"

"Ah-eh.. wala naman. Ikaw bahala. Gwapo ba?"

"Haha. OO naman. e ako? Gwapo ba ako"

"Hmp. yung totoo?"

"Syempre!''

"Hindi eh."

"Sige sabi mo yan ha. Baka sabihan mo ako ng gwapo kapag nakita mo yun."

tapos nag-pogi sign pa sya. HAHA. Baliw eh.  Akala mo Pogi sya. :/

"connect nun?"

"Kasi magpinsan kami."

ano daw? Baka yun na nga yun? kasi etong si Vincent gwapo yan eh. Kung magsasalamin lang ako ng doble doble. 

Haha. jokes. Gwapo nga yang si Vincent at gwapo din yung unknown guy ko. Waaa.

"Di nga? Kelan ba sya lumipat?"

"Kanina lang."

Confirmed. Sya nga yun. Naks. Reto daw? OO naman. (^_^)

 Akalain mo yun? May mapapala naman pala ako sa lalaking ito eh. :)

"te-teka nga! ba't ako yung nirereto mo?"

"eh kasi... Basta."

"Ano ngaa? Saka nakita ko naman na yun eh. Gwapo nga nya eh. Pinagtitilian pa. Ba't wala bang girlfriend?"

"Wala. Kaya nga ikaw irereto ko eh."

"Ewan. Waaa ! Ba't ako ba kase?"

"Kasi... 

Kasi Crush kita."

"Unknown Guy and the Heartbeat."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon