Ikawalong Pahina

561 16 0
                                    

Copyright © 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Felicia's POV

Napakasakit isipin na magmamahal ng iba ang mahal mo. Pero alam kong nalilito kayo kung paano ako nabuhay. Para maliwanagan kayo, ie-explain ko na lang sa inyo.

Tumakas ako dahil ang mommy ni Julianne at si Palito ay magka-relasyon. Alam nyo kung bakit alam ko? Kasi noong papunta ako sa mansion nila Julianne, nakita ko silang dalawang naghahalikan at wala na akong nagawa kundi humagulgol. At dahil bata pa ang mga anak ko noon, hindi ko masabi sa kanila kung ano ang totoong nangyari. Ayoko namang magkaroon sila ng sama ng loob sa ama nila kaya sinikreto ko na lang ito. Alam niyo ba kung paano ko napatay yung pesteng malanding mommy ni Julianne? Sinabi ko sa asawa niya kung anong nakita ko. Pero nakiusap na lang ako na huwag niyang patayin si Palito. Kaya naman utang na loob ni Palito sa akin ang buhay niya kundi patay na rin siya. At napalabas ko na patay na kaming lahat by hiring some people who want to die at pinaretoke ko na lang sila. At tumakas na kami ng mga anak ko. Nag-sariling sikap ako kahit mahirap. Pero pag nagmulto man ang mommy ni Julianne ay handa pa rin ako mamatay dahil siya naman ang may kasalanan. Mahal ko pa rin si Palito. Pero nananalangin ako na sana mapatawad ko siya sa ginawa niyang panloloko sa akin at sa mga anak niya. Pero kahit mahal ko si Palito ay may halong pagsisisi pa rin ako dahil siya pa ang sinagot ko. Hindi na nga siya dugong bughaw ay nakuha niya pa akong lokohin. Kaya dapat dugong-bughaw na lang ang sinagot ko. Pero huli na ang lahat. Minahal ko na si Palito. Pero may tinatago din siya. Malalaman ko rin yan.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Fely's POV

Para sa akin wala akong ama dahil hindi niya naman kami pinanagutan ni. Kuya Feliciano. Hahaha! Para sa akin ang parusa sa kanya ay ang pagiging hangal kahit gaano pa siya kasipag maglinis ng CR at corridor sa panget na school na yun. Sa kasamaang palad, naging ama ko pa siya. Paulit ulit kaming sinasbihan ni Mama na huwag daw magtanim ng sama ng loob dahil daw mahal naman daw niya kami. Pero kung mahal niya kami, bakit niya kami iniwan? Bakit niya nagawang lokohin si Mama? Hahahaha! Buti na lang mabait at masipag si Mama. At dahil doon yumaman kami. Ewan ko ba diyan kay Mama. Bulag sa pag-ibig at madaling magpatawad!

Oo, alam ko sa pananalita ko parang masama ang ugali ko pero nilalabas ko lang ang totoong nararamdaman ko sa papa kong iresponsable. Sana panagutan niya man lang na anak niya kami kahit hindi niya na kami tustusan. Kasi alam ko namang hindi niya kami kayang paaralin sa magarang eskwelahan, ibigay ang aming gusto at paglutuan ng masarap na pagkain.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Feliciano's POV

Malaki na kami ngayon. May maayos ng trabaho, maayos na buhay at masayang pamilya. Pero kailan man ay hindi naging masaya ang buhay ko dahil hindi mapatawad ng kapatid ko si Papa. Oo, alam ko ang nararamdaman niya kapag sinasabihan ko siya. Ang akala niya ay utu-uto din ako katulad ni Mama. Pero naniniwala ako na dapat bigyan pa rin ng pagkakataon na magbago ang tao at alam ko na mangyayari pa iyon kay Papa. May malaking pagkukulang si Papa dahil hindi niya man lang nakuhang sustentuhan niya kami at hindi niya rin nakuhang panagutan na anak niya kami. Kaya nagpa-plano na ako na pumunta ulit sa bahay ni Papa.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Mang Palito's POV

Ngayon na ibubunyag ko na ang totoo sa inyo ay sana huwag kayong magulat at sana maiintindihan niyo ang lahat kung bakit ko ito ginawa. Si Julianne ay anak ko sa ibang babae. In short, may namamagitan sa amin ng asawa ng lalakeng may ari ng mansion sa paanan ng bundok.

Noong lumipat sila sa paanan ng bundok, nagkaroon ako ng pagtingin sa mommy ni Julianne. At nandoon ang asawa niya. Akala ko wala na akong pag-asa sa kanya. Pero nagkamali ako. Meron din siyang pagtingin sa akin. Niligawan ko siya at sinagot niya naman ako. May nangyari sa amin at nabuntis siya. Hindi namin alam kung ano ang gagawin. Kahit wala pa si Felicia sa buhay ko ay nag-aalala pa rin ako na baka patayin siya ng asawa niya. Kaya naman pinalabas niyang buntis na siya sa asawa niya. Hindi sila nagkakaroon ng anak dahil baog daw ang asawa niya.

Nalaman na lamang ito ng kapitbahay at para hindi na ito maikalat ay binayaran ko na lang ang kapitbahay para hindi na ito maikalat pa. At niligawan ko lamang si Felicia para maging panakip-butas sa mga problema ko. Alam ko kapag sinabi ko sa kanya ay tiyak na masasaktan yun at iiwanan ako. Noong lumaki si Julianne ay naging malapit ako sa kanya. Tuwing umuuwi kami sa bahay namin ay napapagkamalan pa akong manyak dahil sa pagiging malapit sa kanya. Ang akala din ng iba ay may namamagitan sa amin ni Julianne.

Pero hindi ko alam ang misteryo kung paano nalaman ng asawa niya na anak ko si Julianne sa akin. Kaya nga ako nagsisisi sa ginawa ko kay Felicia at ngayon, wala na akong anak at asawa dahil sa panloloko ko sa kanila. Kung alam nila na nagsisisi na ako sa panloloko ko sa kanila, sana mapatawad na nila ako. At ang pinagsisisihan ko sa lahat ay hindi ko manlang nagawang panagutan ang mga anak ko kay Felicia. Pinagsisisihan ko pa rin ang problemang yun hanggang ngayon. Si Julianne na anak ko lang sa kabit ko ay nagawa ko pang panagutan sa harap pa ng kanyang asawa pero ang mga tunay kong anak ay hindi ko manlang panagutan. Dahil doon ay hindi ko na mapatawad ang sarili ko.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

End of Chapter Eight.

Haunted DiaryWhere stories live. Discover now