Ikatlong Pahina

858 23 2
                                    

Copyright © 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

MANG PALITO'S POV

Baliw.

Masama ang ugali.

Makasarili.

Iyan lamang ang iilan sa mga pagtrato sa akin ng mga tao.

Bago tayo magsabihan tungkol sa mga kababalaghan sa Basiao High, sasabihin ko muna sayo ang tungkol sa sarili ko.

Nagsimula akong magtrabaho sa Basiao National High School noong 1969. 20 years old pa lang ako noon dahil hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral. Mahirap lang kami kaya naman napag-isipan ko na magtrabaho para sa mga magulang at kapatid ko.

Noong 16 years old palang ako ay nagsimula na akong magtrabaho bilang carpintero. Apat na taon din akong gumagawa ng mga kubo, tindahan, at iba pa. At nung nalaman ko na ang mayor namin sa bayan namin ay nagpagawa ng school, nag-apply agad ako bilang isang janitor. At noong naging 22 years old ako, nakita ko si Felicia, isang 19-year-old na dalagita na sapagkat ay maganda at birhen, napakabait pa nito at malapit ito sa Diyos.

Sinubukan kong ligawan ito, at noong nakita ko na madaming dugong bughaw at may itsura ang nanliligaw at sinusubukang kunin ang atensyon ni Felicia. Pero ni isa sa kanila ay walang nakakuha neto. At noong sinubukan ko siyang ligawan, di umano ay tinaggap niya ako. Isang taon din kaming mag-kasintahan. At lumaon ay nagpakasal kami at lumipat sa taas ng bundok.

Nagkaroon kami ng dalawang malulusog na anak at pinangalanan namin ng Fely at Feliciano. Pero noong may nagpatayo ng mansyon sa kabilang paanan ng bundok ay nasira ang katahimikan ng pamilya ko. Lagi kaming nakakarinig ng nababasag na pingan, humihingi ng tulong, umiiyak, sumisigaw at iba pang mga yabag na bumasag sa katahimikan sa kalaliman ng gabi.

Noong nalaman namin na ang anak nila ay nag-aaral sa Basiao High, nagulantang kami. At pag sa school ay lagi siyang tinutukso. At noong nagkaroon siya ng diary, pinakita niya sa akin ang mga pinagsusulat niya, kinilabutan ako sa nakita ko. Sinabihan ko siya na kailangan niyang mapatawad ang mga kaklase niya sa pang-aapi sa kanya. Nakita ko ang mga nakasulat sa kanyang diary. Eto ang pinakita niya sa akin.

Mga kaklase ko S.Y. 1969-1970:

MAMAMATAY KAYONG LAHAT! PAPARUSAHAN KO KAYO! DADAPA KAYO SA SAKIT. PAPAHIRAPAN KO KAYO! LAHAT NG DINANAS KO AY DADANASIN NIYO RIN!

JULIANNE.

Natakot ako sa mga sinulat niya. At dahit doon ay pinayuhan ko siya na magpatawad. Pero hindi siya nakinig. Nahuli ni Julianne na may kahalikan ang kanyang ina. At nagsumbong ito sa papa niya. At bigla kaming nakarinig ng putok ng baril. Nagulantang kami sa narinig namin. "Papa, may pinatay ba sila?" Ang nanginginig na boses ni Fely. "Isarado niyo ang pinto. Isara natin yung mga kurtina. At huwag kayong titingin sa labas." ang babala ko. Simula noong nagmulto na ang nanay ni Julianne ay laging may bumabasag ng katahimikan ng gabi.

Pero isang gabi na hindi nila matiis na tingnan kung ano ang itsura ng nanay ni Julianne ay sinilip nila ang bintana. At noong sinilip nila ang bintana ay bigla silang hinimatay. Noong sinubukan kong pakinggan ang pulso nila ay wala na akong naririnig. Bigla akong nanlumo dahil sa iang iglap ay namatay ang lahat ng pamilya ko at wala man lang tinira sa akin kahit isa man lang. Ngayon ko lang natuklasan na pwedeng pumatay ang multo ng mommy ni Julianne kahit tingnan ka lang niya.

Nakita ko ulit si Julianne na tinutukso ng mga kaklase dahil sa pagiging isip bata at dahil na rin sa pagiging taksil ng kanyang ina. "TIGILAN NIYO AKO! WALANG KINALAMAN ANG MOMMY KO DITO! Mamamatay kayong lahat. MAMAMATAY KAYONG LAHAT! HAHAHAHA!" Ang nakakatakot na tinig ni Julianne. Para na siyang tinakasan ng katinuan dahil sa pagkakita niya na pinatay ang mommy niya ng sariling ama. Noong pagkawika niya neto ay tila natakot ang mga kaklase niya at lumayo sa kanya. Tinulungan ko siyang tumayo.

Sinamahan ko rin siyang kumain sa canteen pero hindi niya magawang ilunok ang mga pagkaing binili niya. Hindi na rin siya aktibo sa klase. Lagi na itong tahimik at nagkukulong sa cr. Hanggang noong Oct. 7, 1969, hindi ko man lang siya nakitang lumabas ng eskwelahan. Akmang naglilinis ako ng 6:00 ng gabi ng magulantang ako sa nakita ko. Ang katawan ni Julianne na naliligo ng dugo. Mabuti na lamang at nandoon pa ang principal. At noong paalis na siya nang narinig niya ang sigaw ko. Agad naman siyang umakyat at noong nakita niya si Julianne ay natakot siya.

Bago namin ito isinugod sa ospital ay pinaalam namin ito sa daddy niya. At kahit ganun ka sama ang ugali niya ay nag-alala pa rin siya sa nangyari sa kanyang anak. At noong naisugod na namin ito sa ospital ay DEAD ON ARRIVAL na daw. Kaya naman inilibing si Julianne ng maayos. At akmang hindi ito tanggap ng kanyang ama. At pagkatapos ng libing ni Julianne ay nakarinig ako ulit ng putok ng baril.

Kinilabutan ako na baka nagpakamatay na rin ang lalaki dahil na rin sa hindi niya ito nakayanan ang sakit na nawala ang lahat ng mahal niya sa buhay. Oo, pinatay niya ang asawa niya pero nagsisisi naman siya sa ginawa niya sa asawa. At nang mamatay pa ang kanyang nag-iisang anak, hindi niya na talaga kaya. Siguro dahil wala na siyang ibang solusyon kundi ang magpakamatay dahil siguro wala namang saysay sa kanya ang yaman kung wala naman ang kanyang pamilya.

At noong tinanong ako ng magkakaibigan ngayon, kinwento ko na sa kanila ang nangyari at nagbabala na rin ako para kung sakasakali namang may marinig sila na ganito. At para na ring wala na siyang mabiktima at ang nanay niya.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

End of Chapter Three.

Haunted DiaryWhere stories live. Discover now