Ikapitong Pahina

577 15 0
                                    

Copyright © 2013

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

GISELLE'S POV

Hindi na ako mapakali dahil sa mga nangyayari sa paligid ko. Una pinatay si Marian hanggang sa maging pira-piraso ang mga body parts niya. At ngayon si Louise naman nagpakamatay dahil sa pag-hypnotize ni Julianne. Hindi ko ba alam.... Nawawalan na ako ng pag-asa dahil sa mga namamatay sa paligid ko. Sana naman wag naman yung mga mahal namin sa buhay. Mananalangin na lang ako kasama ang mama ko at matutulog. Pero nanaginip na naman ako.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

Si Mang Palito ay nagda-drive ng bagong bili niya na sasakyan. At nakita kong may kasama siya sa likod. Si Mitch ay naglalakad pauwi. Binulungan ng babae si Mang Palito. "Sagasaan mo na yan. Marami siyang kasalanan sayo. Bawiin mo na yung buhay niya." sabi ng babae at inuulit-ulit niya na sinasabi kay Mang Palito ang pag-uutos na yun hanggang sa sagasaan niya nga si Mitch. At bababa sana si Mang Palito para tulungan niya si Mitch pero binulungan siya na umalis na lang kasi daw baka mahuli pa siya ng pulis. Si Mitch ay naghihingalo na dahil tumama siya sa puno. May hiwa ang tiyan niya at kita na ang ribs niya.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

"Aaaaaaahhhhhhhhh!"

Ayoko na! May mamamatay pa? Hindi pa ba kuntento si Julianne? Bakit kailangan niyang mambiktima ng mga inosente? Mabuti na lang at hindi nagising si Mama. Umiyak na lang ako at nagdasal. Natulog na lamang ako.

Kinabukasan sinabi ko na kay Mitch ang napanaginipan ko. Binalewala niya ang lahat ng sinabi ko. "Bakit ba hindi kayo naniniwala sa akin? Nangyari na nga ang napaniginipan ko kay Marian at Louise! Nandito naman ako para magbabala sa inyo! Tapos hindi niyo pa ako paniniwalaan? Pag may nangyari sa inyo, wag niyo na akong sisihin dahil binalaan ko na kayo!" pagwawala ko dahil sa hindi sila nakikinig at nag-walk out ako. Kasama ko sila Brixtina at Karen habang si Mitch ay mag-isang naglalakad. Masama ang loob ko dahil hindi niya ako makuhang paniwalaan kahit nangyari na ang panaginip ko sa dalawa naming kaibigan. Pero noong uwian ay niyakap ko siya ng sobrang higpit at umiyak. Nasa isip ko na sana hindi na mangyari sa kanya ang panaginip ko.

Kinagabihan ay kumakain kami at matutulog na kami. Nanalangin na lang kami ng mama ko at natulog.

☥ ☥ ☥ ☥ ☥

End of Chapter Seven.

Haunted DiaryWhere stories live. Discover now