Chapter 32 [ Love, love, love ]

40.9K 550 70
                                    

MER's POV

Gusto ko siyang habulin. Gusto kong malaman ang sasabihin niya pero pinigilan ako ni Tricia.

" Babe? Tara na? " Oo nga pala. Pumayag na akong magsimula kami ulit at maging kami kagabi. Kaya naman nakapangako ako sakanya na kakain kami sa isang restaurant dito sa resort ng kaibigan ko.

Tutal naman, alam kong magiging masaya na si Mae sa bestfriend niya.

" Are you still listening babe? " Napahawak siya sa kamay ko at pinisil ito. Nandito na nga pala kami sa restaurant at naka-order na.Kanina pa siguro ako nakatulala dito. Wala naman kasi akong nainitindihan sa sinasabi nya o kinekwento man yun.

Yung sasabihin kasi dapat ni Mae ang iniisip ko e. Ano kaya yun?

Ahh. Siguro, magso-sorry lang siya sa nangyari kagabi. Oo nga. Baka yun lang yun. Tss.

" Ah ye-yes. " pagsisinungaling ko sakanya.

" So payag ka? " Nakangiting tanong nya sa akin.

" Yes? " Oo nalang ako. Bahala na si Batman.

" Yey! I'm so excited! Sasabihin ko kaagad kay Mae to! " Napapalakpak pa sya.

" HA? Teka? Ano bang gagawin mo? " Para kasing nagulantang ako, bat nasama si Mae sa usapan na to?

" E diba nga sabi ko, aayain ko sila ni Zac para magcelebrate tayo. Makapagcelebrate dahil tayo na ulit. E you already agree with me na. So wala ng bawian. Okay? Salamat babe! I love you! " Nagulat ako dahil sa biglaan niyang paghalik sa pisngi ko. 

Ngumiti nalang ako ng pilit.

***

Sabi ni Tricia, mamayang 7p.m daw magkita kita kami sa may pool area netong resort. Nagpahanda raw siya ng dinner para sa amin. Alam ko rin, may inuman mamaya. Ang kasi sa aming apat lang daw.

Ano bang ginagawa ni Tricia? Tinotorture ba niya ko?

***

7:20 p.m

Ako na late. E paano ba naman kasi nakatulog pala ako. Buti nalang nag ring yung phone ko dahil tumatawag si Mama. First time kong natuwa dahil tumawag si Mama. Twing tatawag kasi yon, laging sermon ang inaabot ko.

Hindi naman siguro ako masundo ni Tricia dahil busy sya sa pagpe-prepare nung dinner na sinasabi niya.

Naka summer shorts lang ako at nagpatong ng tshirt sa katawan.

" Hahahaha! Zac. Sasapoken kita jan! Wag mo nga akong basain! "

Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon