Chapter 26 [ That Man ]

45.3K 595 114
                                    

MAE's POV

December 31, 2011 - 9:30 p.m

Inaya ako ni Zac na doon na lamang mag new year sa kanila. Tutal, wala naman ang parents ko sa bahay at si Kuya Moe naman ay nasa bahay ng girlfriend niya. Tss. Mas mahal pa ata ng kuya ko ang girlfriend niya kesa sa akin e. >,> Isusumbong ko nga kay mama yun. Masyadong nahuhumaling sa girlfriend e.

Pababa pa lang ako sa kotse ay nakita ko na si Zac sa labas nila at kumakaway na nakangiti. Since nung unang araw na hindi na siya umiyak dahil kay Tricia, lagi lang kaming magkasama. Lagi lang kaming nag eenjoy pag magkasama kami.

Lagi ko lang siyang pinapasaya hangga't kaya ko.

" Oh? Nag-abala ka pa? Tsk. Ako na nga magbibitbit nyan. " Pag aalok niya, sabay agaw sa mga dala ko. May dala kasi akong cake at softdrinks, nakakahiya naman kasi kung hindi man lang ako mag aabala e nakiki new year lang naman ako dito.

" Naks! Ang gentlepet ay este ang gentleman naman ng bestfriend ko!! " sabay palo sa braso niya.

" Hoy! Hindi libre to no. May kapalit to. " Nagsimula na kaming maglakad papasok ng bahay niya.

Ako naman, ine-enjoy ko yung malamig na simoy ng hangin habang padaan kami sa garden nila.

" Ano namang kapalit yun? " Tanong ko sakanya habang nililigid ko yung mata ko sa buong paligid.

" Secreeeet. " Tss? Ang hilig na magsecret nito ng mga nakaraang araw ah.

" Ano nga yuuun? " Tinusoktusok ko siya sa likod niya.

" Itigil mo nga yan. Pag to natapon... Basta. Sasabihin ko sa'yo next time. " Nakangiti niya lang na sagot sa akin. 

" Nako. Bahala ka nga! Manang Leliiii! Andito na po ako! " Tumakbo ako hanggang sa makarating sa pinto. Naging close na rin kami ni Manang Leli, dahil nga lagi akong nandito. Sobrang bait niya. Siya ang pangatlo kong nanay, pangalawa si Nana Tessie at syempre ang mama kong nasa ibang bansa.

***

" Ang takaw mo naman! " Tumabi siya sakin at nakapalumbaba, " Kanina kapa kumakain jan a? "

" E bakit? Masama? " busy parin ako kakakain ng barbecue. Kaya di man lang ako lumilingon sakanya.

" Ts.. Kaya mukha ka nang gusgusing bata jan e. " 

" Huh? " Lumingon ako sakanya.

Tumawa siya ng mahina. " Ang laki ng dumi mo sa mukha oh. " Tinuro niya pa yung mukha ko at tumawa ulit.

" Huh? Saan? " halos ihilamos ko na ang buong kamay ko sa mukha ko, pero siya tawa lang ng tawa. >,>

Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon