Chapter 17 [ pretender ]

46.3K 566 48
                                    

MAE's POV

Andito ako ngayon sa hall ng second year rooms. At hahanapin ko na ang aking savior para magpasalamat at masuklian man lang ang pagtulong niya sakin.

" aasdhakjsdfhdfasd "

" hihihihi "

Anong problema nun? May nakasalubong kasi akong dalawang babae nagbubulungan tapos nagtatawanan. Parang mga luka luka lang.

>,<

Ang awkward! Tumingin ako sa paligid ko, lahat nung mga estudyanteng nasa labas at nagte-take ng break tinitignan ako, yung iba rin nagtatawanan. Aish? Ganito ba sila magwelcome ng ibang year? Ampogaaa! x_x

Wag mo silang pakialamanan. Yung savior mo ang pinunta mo rito, hindi sila.

Tama tama! Hingang malalim. Diretso ang tingin.

Sinimulan ko ang paghahanap sa lowest section.

Silip sa bintana, tingin last upto first row. Wala, lipat.

Hanggang sa yung first section nalang ang natitira.

Binatukan ko yung sarili ko.

Ang tange mo talaga Mae! Sa library mo nga unang nakita. Malamang masipag mag aral yun! >,<

Tumingin ako sa bintana. At ayun! Binggo! Bang!

Mabilis akong pumunta sa may bukas na pinto at kumatok.

*.* Nakuha ko lahat ng attention ng klase pati ang subject teacher nila na si Ms. Enriquez. Ang pinaka hate kong teacher. Psh.

" Yes Ms. Lipaz? " she smirked.

" Ahh. May I excuse that guy with the green jacket. " Pati kasi siya tumatawa, kaso napatigil siya sa gulat at tinuro pa niya yung sarili niya na may pagtataka.

Tumango nalang ako para maconfirm.

" Tawag ka Mr. Navarro. " Ayun, tumayo siya at nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng jacket niya.

" Ahh- Anoo -- " Ayy? Bastusan? E paano ba naman kasi nasa harap ko na siya. Magsasalita na ko. Lumabas pa ng pinto.

Aish! Sinundan ko siya.

" Gusto ko lang sanang --- " Hm? Nagulat kasi ako. Bigla niyang ipinatong yung jacket niya sakin.

Habang pinapatong niya iyun may binulong siya malapit sa tenga ko...

" Miss, may tagos ka. "

Ano raw?

Can I Borrow A Kiss? I Promise I'll Give It Back [ completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon