Chapter 8

19.4K 493 58
                                    

AN.

Sorry for the delay, masyadong maraming iniisip ang lola nyo.. I'm also not so fond of what I've written.. pagtyagaan nyo na lang for the meantime..

Bitin pa to

May part 3 pa ito...

So again.... pagpasensyahan nyo na lang ulit lahat ng mga errors...

Chapter 8

Kat

I can't help but be amazed by my surroundings... It's like I'm in a fairy tale land in a Spanish era setting!

Feeling ko rin na ako si Cinderella na papunta sa ball, riding in an open carriage. But instead if the prince waiting for me at the castle, he is sitting in front of me. FYI lang... to date... he is the most gorgeous man I've ever laid my eyes on! I really can't help but stare at him. Bakit ba kahit likod lang nya gwapo pa rin? O hibang lang talaga ako? Everything about him is gorgeous, inside and out. Kinikilig ako ng bonggang bongga kapag tumatalikod sya at tumitingin sa akin! Yung tipong pailalim ang tingin na parang may gustong sabihin? Aayyyyyy!!!!! PWEDE BANG TUMILI?!!! MAHUHULOG AKO SA KALESA NITO E!!! I can't contain myself talaga! Kung hindi lang nakabantay sa min si Tita baka kanina pa ako nagkikikisay sa sobrang kakiligan! Hihihihihihihi! And his smile is so addicting. Para na lang akong natutulala kapag nginingitian nya ako. Nawawala ako sa sarili ko!

Huminga na lang ako ng malalim at tumingin tingin na lang ako sa paligid. Baka kung patuloy ako sa hibang na pantasya ko ay tuluyan na akong ipasok sa mental. Alam kong hindi ito pwede, pero paano ko tuturuan ang puso ko? Paano ko iaalis ang mas lalo pang lumalalim na pagtingin ko kay Juaquin.

Bago kami umalis ng bahay ay pinaalalahanan na naman ako ni Dona Estelita. Hindi naman sya galit, more on the concern side that this feelings will lead to nowhere. I do agree with her... tama naman sya diba. Bakit ba napaka-stubborn nitong puso ko! And the attention that Juaquin is giving me makes matters worse!

Ano bang gagawin ko? I have to figure that out soon. Baka makatulong ang pag-iisip ko na pinsan ko lang si Juaquin katulad ng kung paano kami ipapakilala sa madlang people mamaya. I have to act the part. Ang problema, hindi naman ako artista! Maybe I should stay far away from him. Yeah, siguro ganon na nga at dapat na makihalubilo na lang muna ako. Baka naman may mas gwapo pa kay Juaquin sa party na yon... Lord, please help me.. tanggalin nyo po itong feelings na to.. ANG HIRAP E!!!

"Malapit-lapit na tayo. " Sabi ni Dona Estelita. Tumignin sya sa kin. "Wag mong kakalimutan, isa kang De Asis, malayong kamag-anak ko nagbabakasyon sa hacienda na taga Maynila. "

"Opo tita. " Tumango tango na lang ako.. pero medyo kinakabahan ako. Ang alam ko ay ang modern day Manila. Wala naman sanang makipagkwentuhan sa kin at magtanong tungkol sa background ko. Baka maikwento ko na taga Taguig ako, patay na... hindi ko alam kung anong pangalang ng mga lugar na yun sa ganitong panahon! Bakit na lang kasi hindi ako ipakilalang pipi, para hindi na lang ako magsalita? Hehehehe.... Well,, wala na akong magagawa. I just have to cross my fingers and hope that I won't make a stupid mistake.

I can't help but admire the place. Napaka-grand! Ang bongga ng mga bahay. Even without electricity the place is well lit. Pina-romantic pa ang dating ng mga kandilang ginamit sa mga lamp post. Kung titingnan mo ang mga gradyosong straktura ng mga bahay ay masasabi mong madaming mayayaman sa panahong ito.

Pero sabi ni Dona Estelita, karaniwan may-ari nito ay mga espanyol kung may Pilipino man na nakakaangat sa buhay, paniguradong may halo din itong espanyol, kung purong Pilipino man ay malakas ang connection nito sa gobyerno, o kaya naman ay katulad ni Dona Estelita na nakapangasawa ng mayamang Espanol. Karamihan sa mga purong Pilipino ay pawang mahihirap at pinagmamalupitan. Just like what they say in the history books. Hindi pa nakikita ang ganitong mga kalupitan dahil ang mga trabahador nila Juaquin sa hacienda ay maganda ang kalagayan, Maayos ang pakikitungo nila sa kinasasakupan nila at nakita kong malaki ang respeto ng mga tao sa mag-ina. Ngunit naririnig ko sa mga nagsilsilbi sa kusina ang mga kwentuhan tungkol sa ibang hacienda at ang mga kalupitan ng mga amo nito. Parang hindi ako makapaniwala sa mga kwento nila, ngunit si Dona Estelita na mismo ang nagpapatotoo sa mga kwentong ito. How sad...

Crescent MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon