Chapter 1

38.5K 633 11
                                    

CHAPTER 1

Kat

“Hello Lolo! Hello Lola!” Bati ko sa mga grandparents ko na sumalubong sa kin pagparada ng kotse ko sa tapat ng pintuan ng malaki at antigong bahay...

Nagmano ako sa kanilang dalawa at yumakap ng mahigpit at lola ko sa akin.

“Katrina!!!! Napakatagal mo ng hindi dumalaw sa amin!” Sabi ng lola ko na nangingilid ang mga luha...

“Tatlong taon lang naman po lola.” Sabi ko at yumakap din ako ng mahigpit sa kanya...

Maya-maya pa ay binitawan na ako sa pagkakayakap ng lola ko at hinawakan nya ng kanyang dalawang kamay ang mukha ko...

“Tignan mo nga naman at ang ganda ganda ng apo ko ngayon!” sabi pa nya..

“Lola, ngayon lang ba? Palagi naman diba?!” sabi ko at natawa ako.

“Ang ibig ko lang sabihin ay mas lalo kang gumanda ngayon! “

“Sympre naman po, dahil ako lang naman ang nag-iisa nyong apo.. kaya pinakamaganda ako sa paningin nyo!”

Tuwang- tuwa sila sa pagkaka dalaw ko...

Oo nga naman, dati ay halos taon taon ay pumupunta at nagbabakasyon ako dito... pero simula ng nagtrabaho ako ay bihira na akong makadalaw sa kanila.

Caretaker sila ng isang napakalaking hacienda dito sa may Quezon. Pang-ilang Henerasyon na rin ang mga lolo’t lola sa pagiging caretaker nitong ekta-ektaryang lupain ng mga Mendez. Simula pa ata sa mga ninuno ng pamilya ko, caretaker na sila dito. Naputol lang sa Daddy ko na nagdesisyong makipagsapalaran sa Maynila...

Tuwing bakasyon ay hinahatid ako ng Daddy ko para magbakasyon dito. Pero sa ilang taong pabalik balik dito sa haciendang ito ay kahit isa sa mga Mendez ay hindi ko man lang nakita...

Isa lang sa bilyo-bilyong asset ng mga Mendez ang Haciendang ito, kaya parang pinaubaya na kila lolo ang pamamahala ng luaping ito, dahil na rin sa napakaraming negosyo ng pamilya hindi lang dito sa Pilipinas kundi na rin sa ibang bansa.

Bihira daw dumalaw dito ang mga may ari. Maswerte na daw na makapunta ng minsan sa isang taon sila dito... Mostly sa telepono lang sila lolo nag-uusap... Para na ngang sila lolo ang nagmamay-ari nitong Haceindang ito dahil sa sobrang bihira ng pagdalaw nila dito. Ang nagpapatunay lang na iba ang may-ari nito ay ang napakalaking painting ng mga ninuno ng Mendez na naka-display sa salas...

Pumasok kami sa salas kasunod ng ibang mga katulong na bitbit-bitbit ang mga maleta ko...

“Haaaaay! Nakakapagod!!! Ang layo ng byinahe ko!” sabi ko at sabay salampak sa salas...

Natawa naman ang lolo’t lola ko...

“Dalaga ka na, ganyan ka pa rin makakilos! Kumilos ka naman ng pino... Ano na lang ang sasabihin ng nobyo mo sa yo!” sabi ni lola.

Sa pagkakabanggit ni lola tungkol sa boyfriend ko ay nakaramdam ako ng lungkot...

“Bakit apo... may nasabi ba akong masama? “ Sabi ni lola na may labis na pag-aalala...

Napabuntong hininga ako... at nangingilid ang luha ko...

“Lola.... wala kasi sya e... “ at sa pagkakasalita ko ay tumulo na ang luha ko. Tumingin ako sa taas... baka sakaling mapigil ang mga luha ko sa pagbagsak.

“Anong ibig mong sabihing wala? Nangibang bansa ba? “

“Hindi po lola... wala na sya... as in wala na po... namatay na po sya... “

At dahil don ay hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko... hindi na nagsalita ang lola ko at niyakap na lang nya ako...

“Tahan na.. apo.. tahan na... “ Sabi nya at hinimas-himas ang buhok ko...

Ayoko na ngang umiyak e... dahil wala na akong ginawa kundi umiyak ng umiyak... sobra kasing sakit.... Ganon pala ang nararamdaman kapag ang pinakamamahal mo ay bigla na lang nawala...

Si Richard, boyfriend ko simula pa noong college kami.. pauwi sya galing Singapore. Ako ang sumundo sa kanya sa airport... excited pa nga ako noon, dahil 2 months din kaming hindi nagkita... pa-landing na ang eroplano ng magkaroon ng ito ng diperensya... hindi ito na-control ng piloto kaya nag-crash ito at lumiyab ang buong eroplano.. walang nakaligtas kahit isa...

Hanggang ngayon ay sariwa pa sa isip ko ang mga pangyayari... kitang-kita ko ang nagliliyab na eroplano... alam kong nasa loob sya... pero ang masakit... wala akong magawa... nakatitig lang ako at nanalangin... umaasa na dinggin ako ng Diyos at makaligtas sya... pero matapos ang ilang oras na pag-iintay... walang Richard na bumalik....

Isang buwan na rin ang nakakalipas ng mawala si Richard, pero hindi pa rin ako maka-move on... naapektohan na ang trabaho ko, pero hindi naman nila ako kayang patalsikin dahil sa napaka-valuable ko daw sa kompanya... kaya nagdesisyon ang board of directors na pagbakasyonin ako kahit isang buwan...

Kaya eto ako ngayon... umaasa na sa maganda at tahimik na lugar na ito ay makapagpahinga ang puso at isip ko... 

Crescent MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon