Page 24

45 0 0
                                    

OC ako di ba? alam mo naman yung ugali ko na bago umalis double o minsan triple check ko pa ang lahat. Tapos sobrang saklap lang na sa sobrang pagiisip ko saka naman ako may naiiwan pa.

Waaa. Ang drama ko lang. Haha. Eto na naman ako ginagawan ng 'sample' ang nararamdaman ko. Pano ba naman kasi, ang saklap lang na ang layo ko na tapos biglang may hihila sa akin pabalik.

Teka ano bang pinagsasabi ko? -___- Si Ian naman kasi e! Okay na ako tapos ipapaalala niyang nagkukunwari lang pala ako.

Okay na ako, masaya na ako at na aappreciate ko na lahat ng ginagawa ni Carlo para sa'kin tapos bigla siyang babalik sa buhay ko at magtatangkang kunin yung pwestong nilaan ko sa kanya pero binalewala niya at ngayong may iba na akong balak pagbigyan saka niya sasabihing gusto niya ulit nun.

Hay ang labo ko noh?

O eto na nga kasi. Si Carlo nanliligaw. Si Ian nagtatangkang bumalik. Si Ako naguguluhan. Pakiuntog nga ng ulo ko. Hindi na kasi dapat ako maguluhan. Si Carlo mabait, gwapo, gusto ako. Si Ian isa't kalahating gago. Ako hindi ko alam kung mahilig ba talaga ako sa gago.

Sabi naman ng isip ko malinaw na ginagawa na naman akong parang tanga ni Ian. Imaginin mo sinabi sakin pano daw ba kung ligawan niya ko babastedin ko na daw ba si Carlo. Tsss. Masyado siyang gwapo pero di dapat ganun ang isipin niya. Hay.

Ano---

brrrrrrrrrt.

Napatigil sa pagta-type si Penny dahil nagvibrate ang cellphone niya. Tiningnan niya muna at binuksan agad nang makitang galing kay Carlo ang message.

Hey, ready 4 tonyt?

Napangiti siya nang mabasa ang text pero nawala din agad dahil naisip niya si Ian. Ughhh, lumalaki na at lumalala ang guilt na nararamdaman niya para kay Carlo. Pero inalis niya agad sa isip niya, 'phase' lang to sa pag momove on niya. At di niya dapat pansinin.

Nagreply na lang siya kay Carlo.

Sympre nmn. what tym tayo ppnta?

daanan kta mga 8:30. palate na tyo. haha.

ok. c u!

:*

Hindi na siya nagreply sa huling message na :* nito na usually namang nirereplyan niya ng :). Hay. Nagu-guilty talaga siya. Actually hindi pa siya nahahalikan nito as in sa lips, sa noo, kamay at cheeks lang. Minsan nga naisip niya masyado atang gentleman ito. Pero naisip niya rin na baka ganun ito magpahalaga sa isang tao or babaeng nililigawan.

Parang nahiling niya tuloy na sana halikan na siya nito. Baka kasi totoo yung sinasabi nila na may something distinct daw sa kiss. Baka sakaling malaman na niya kung ano bang gagawin niya kay Ian at pati na rin sa kanilang dalawa ni Carlo pag hinalikan siya nito.

Hay nako sumusobra na ata ang kalandian niya sa pagpipilit na maging rational. Ugh kasi naman. Bahala na nga si batman. Mageenjoy siya mamaya dahil matagal na siyang mabait. At saka kasama naman niya si Carlo feeling niya pwedeng malasing. lul

Pagkatapos ng 7pm class niya dumerecho na siya sa apartment para maligo. Mejo tinagalan niya talaga sa banyo at dalawang beses pa siyang nagsabon. Haha. Sobrang tagal na nung huling party niya, tapos parang di naman talaga siya pumarty noon dahil maaga siyang umuwi.

Nagayos na siya ng sarili pagkaligo. Tapos nung dumating si Jasmin bandang quarter to 8 nagpatulong siyang mag make-up. Susulitin niya talaga ang 150 peso worth na ticket.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon