Page 16

108 1 0
                                    

Page 16

"Ate bakit ba masyado kang seryoso?"

Umuwi ng bahay si Penny para makapag unwind kahit papano. Pero asa pa siya, kelan ba siya naging relaxed talaga sa bahay nila? Tss. Hindi niya rin alam bakit naisip niyang possibleng makapagunwind nga talaga siya sa kanila. E heto ngayon si Margarete at pinepeste siya.

"Anong problema sa pagiging seryoso?" balik tanong niya dito nang di inaalis ang mata sa monitor ng laptop.

"Mahirap maging masaya. Ikaw kasi bakit mo pinorpoblema lahat? Si nanay pinoproblema mo tapos ang perfectionist mo pa." napatingin siya dito dahil sa huling sinabi nito.

"Aba, at kelan ka pa naging psychic?" iniwasan niyang sagutin ang mga tanong nito. Naisip niyang di niya kailangang iexplain kung bakit siya ganun, kung bakit ganun ang pananaw niya sa mga bagay. She's that way for a reason.

"Wala lang. Tingnan mo ko wala akong pinoproblema kaya laging masaya."

Napaisip siya. Oo nga, kung wala siyang poproblemahin masaya...pero ano pagkatapos? happy happy na lang lagi? Hindi na siya sumagot.

"Sige nga ate magbigay ka nga ng isang bagay o pagkakataon na makakapagpasaya talaga sayo."

Si Ian.

"Bakit? okay naman ako ah? hindi masaya hindi rin malungkot."

"Pero bakit okay lang na 'okay lang' ate kung pwede ka namang laging maging masaya?"

Pwede nga ba? napailing na lang siya.

"Happiness is an emotion sis. It's fleeting. Oo pwede kang maging masaya ng bonggang bongga pero hindi pwedeng masaya ka ng bonggang bongga all the time dahil lumilipas lahat."

"Sabagay.." sabi nito at tinitigan siya "Pero bakit hindi mo muna ienjoy ang bonggang bonggang saya bago lumipas ate? Saka mo na ulit problemahin ang problema pag humupa na yung level 10 happiness."

"Hahahaha. Ang weird mo ngayon, san ba nanggagaling yang mga pinagsasabi mo sis?"

"Para kasing di pa kita nakikita ever na level 10 ang saya."

"Relative naman kasi ang definition ng happiness. Kung para sayo masaya yung ganito, hindi para sa lahat ng tao. At yung level 10 happiness na para sayo minsan level 5 lang yun sa iba." nginitian niya ito. "Bakit ano ba ang definition mo ng happiness?"

Numisi ito bago sumagot "Happiness is being content. Contentment is happiness."

WOW. hahahaha

"So sinasabi mo na hindi ako marunong makuntento?" pabirong pagtataray niya dito.

"Hindi naman sa ganun ate. Pero para kasing laging gusto mong maayos. Ganito ganyan chuchu." Huminga muna siya ng malalim at naghanda sa mahabang paliwanagan.

"Hindi naman ako nag aaim ng perfection dahil alam kong wala namang perfect. Pero bakit ka makukuntento sa kung alam mong may ibubuga pa?"

Mukang naguluhan ito sa sinabi niya kaya humirit pa siya ulit.

"Nagiging masaya naman ako e, pero may nakakabagabag na feeling kapag alam kong pwede pa. Alam mo yun? ayokong makuntento sa 2 kung kaya namang abutin yung 1. I mean kapag kasi nakuntento ka, tumitigil ka na sa pag effort na isige pa. Yun e, ayoko nung "okay na...bahala na...pwede na to" para lang magkaron ako ng reason na maging sobrang happy. I mean nagiging happy naman ako pero hindi ako tumitigil na dun." tiningnan niya ito ng mga 5 seconds "nagegets mo na ba?"

"Parang ganyan ugali ng mga pinoy e. Nasalanta na masaya pa rin, naghihirap na tinatawanan pa rin. Hindi naman sa panget yung ganung ugali. Okay na magandang disposition pa rin sa kabila ng lahat, pero hindi tama na walang ginagawang paraan dahil kuntento na..dahil masaya na. Kaya walang progress kasi bahala na si batman. Masaya na ako kaya di ko na gagawan ng paraan. Hindi na ako mageeffort kasi 'okay' na.

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon