Page 18

105 1 1
                                    

Page 18

Nakakapagod magisip lalo na kung di mo naman maveverify kung tama ba yung naisip mo, o kaya kung sobrang subjective naman. OMG nagooverthink na naman siya. Hays. Naisip niyang wag nang magisip, dahil kung ano man ang dahilan ni Ian, siguro naman may sense at saka kahit anong isip ang gawin niya hindi niya malalaman yun unless itanong niya ng derecho.

Maya maya nawala na rin ang alinlangan niya dahil kinausap siya ni Carlo.

"Kinakabahan ka ba?" biglang tanong nito sa kanya.

"Uhm mejo? haha. Ikaw?"

"Hindi na. Sisiw lang yan." wuhooo ang hangin.

"Bakit natry mo na ba?"

"Oo. hahaha. Di ko na mabilang pangilang sakay ko na to e. Promise nakakaadik kasi." pageexplain nito.

"Sabagay. Actually nakasakay na rin naman ako, pero di naman kasi maiiwasan talaga pag unang sakay. Haha."

"Wag ka magalala, kapit ka lang sakin pag natatakot ka."

Uhm? hahahaha. Napatingin tuloy siya dito. Ahm pasimpleng pagpapacute ba yun? Sana tumigil na ito bago pa siya kiligin.

"Hahahahaha. Baka mamaya ako pa kapitan mo ha." biro niya pabalik.

Tumawa ito ng bahagya "Kakapitan talaga kita."

LOL talaga. Hahahaha. Bakit ang haba ng hair niya? Inisip na lang niyang malandi lang talaga ito, marami namang ganun sa ELBI.

Hindi na rin siya nakasagot dahil sumenyas ng two yung boy dun sa ride e yung mga kasabayan nila sa pila puro grupo kaya nakasakay na agad sila ni Carlo.

This is it. Woooohoooooo. Sa isip isip ni Penny habang paangat na yung shuttle. Yung unang spin paabante kaya ang hatak sa kanila mula sa likod. Grabe yung feeling na unti unti kang inaangat habang nakikita mo yung babagsakan mo tapos parang feeling mo pa mahuhulog ka.

Sinubukan tuloy niyang sulyapan si Carlo kung muka ba itong kinakabahan pero sa kasamaang palad natatakpan ito nung safety belt nila.

"Pipikit ka ba?" tanong nito nung nasa last stretch na sila at may ilang seconds na lang bago mg release yung lock at magsimula talaga.

"Hindi."

"Bakit? Ang hirap magstay na dilat. haha."

"Gusto kong makita kung ano yung dahilan ng nararamdaman ko."

"Whoaaa, bakit parang dalawa meaning nun? Haha. Akala ko didilat ka para sa camera."

"Pumikit ka na lang at pakiramdaman."

"Kasi. WAAAAAAAAAAAAA~ PUTANGINAAAAAAAAAA~ denherbjnrngrn."

Makalipas ang mga ilang minuto na pakiramdam niya 50 years, mejo bumagal na ulit ang shuttle na ang ibig sabihin second wave na.

"Whew." inhale....exhale...

Huminga ng malalim si Penny at niluwagan ang kapit sa safety belt, pero naramdaman niyang kahit di na siya nakakapit ganun pa din...yun pala sa kanya nakakapit si Carlo. Natawa tuloy siya.

"Haha. Huy okay ka pa?" biro niya dito habang umaandar na ang shuttle pataas. This time nakatingala naman sila sa langit.

"Sobra pa alright. Ikaw?"

"Uhm okay naman. Game!"

"AAAAAAAAAAHHHHHHH!"

"BRRRRR. GRRRRR. aaaaaaah. [insert lahat ng mura dito]"

"Woooooohooooo! Putangina talaga uulit ako jan mamaya." hiyaw ni Carlo nang makababa na sila.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Osigeba! sama ulit ako. Dapat dumilat ka na."

Penny's ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon