Hot Chick (43)

21.1K 748 15
                                    

Kabado na may halong excitement ang nararamdaman ko ngayon kasi naman ngayon na magpapakilala ng pormal si Damon kay Mama bilang boyfriend ko.

Ano kayang mangyayari mamaya?

"Sweetheart kumalma ka nga." Mama said habang nagpupunas siya ng baril niya. Like seriously sa dinami dami ng araw ngayon pa niya lilinisin yan? Sinadya niya ba to para takutin si Damon?

"Ma, itago mo na nga yan.. tatakutin mo si Damon eh."

"Ngayon lang ako may oras na linisin to." Ngayon? Ang daming niya kayang oras kagabi. Haaay!

Narinig kong may nag doorbell mula sa labas at alam kong si Damon na yun.

"Ma, itago mo na yan.. nandyan na siya." Tumitig lang siya sa sakin at mukhang walang planong gawin yun.

"Ma please be good to him, i love him."

"I will."

Dali dali akong tumakbo papunta sa pinto at pinag buksan na ang mahal kong boyfriend na sa labas. Hindi ko mapigilang matawa ng makita ko siyang nag hihintay sa labas ng bahay, paano kasi naka suit pa na akala mo may business deal, may pa flowers din siya at pa prutas.

"Baby naman eh!" Pagaangal niya sa pag tawa ko.

"Para ka kasing ewan sa suot mo!" Natatawa kong sabi.

"Para pormal at pasado agad. Yun kasi ang payo ni Mario."

Mas lalong lumakas yung tawa ko. "Baby, 25 na si Mario syempre dapat naka suit na siya lalo na at may business siya pero ikaw.. student palang."

"Hayaan mo na, ito na suot ko eh." Tumawa pa din ako. He pouts at me.

Huminga muna ko ng malalim para pigilan ang tawa ko.

"Para sakin ba yang bulaklak?" Tanong ko.

"Hindi nu, para to sa Mama mo." Aba talagang magpapalakas siya kay Mama ah. Goodluck sakanya!

Hinila ko na siya papasok ng bahay namin at dinala siya papunta sa Sala kung saan nandun si Mama. Hindi parin niya tinatago yung baril. Hala si Mama nakakaloka, manakot.

Napahawak si Damon sa kamay ko dahil sa nerbyos.

"Bakit mukha kang trenta dyan sa suot mo?" Mama said to Damon, kaya di ko na namang napigilang tumawa. Sabi na eh.

Ngumiti siya ng pilit kay Mama bilang sagot sa sinabi ni Mama at halatang kinakabahan padin.

Lumapit si Damon sakanya kahit na halatang kinakabahan dahil sa baril na nasa lamiseta namin. Inabot niya yung bulaklak at prutas kay Mama. "Para po sainyo, Ma'am."

"Hindi ako mahilig sa bulaklak, pero yung prutas pwede na." Mama said.

Umupo na kami sa sofa ni Damon. "Pinapaupo na ba kita?" Mama asked Damon, strictly. Dali daling tumayo si Damon dahil sa sinabi ni Mama. Haaay! Kawawa naman ang baby ko, pero nakakatawa talaga yung itsura ngayon. Haha!

"Sorry po." He apologized.

"Osige, maupo ka na." Sumunod naman agad si Damon. "Seryoso ka ba sa anak ko? Dahil kung hindi ngayon palang tigilan mo na." Woe!! Ang straight forward ni Mama.

"Seryoso po ako sakanya, Ma'am. Mahal ko po siya, papatunayan ko pong hindi ko siya sasaktan tulad nung ginawa nung ex niya."

"Alam mo ang tungkol dun?" He nods. "So, mapagkakatiwalaan kitang wala kang gagawin na ikakasakit niya?"

"Yes, Ma'am."

"Mabuti kung ganun." Matipid niyag sabi. Nagkatinginan kami ni Damon. Yun na ba yun? Tapos na ba silang magusap? May itatanong pa ba si Mama? Mukha kasing wala na.

"Iwan ko na kayo dyan." Mom said. She stands and walked straight to her room bitbit yung baril niya. Unti unting nawala kay Damon ang nerbyos niya at huminga siya ng malalim.

"Akala ko babarilin na niya ko." Damon said that makes me laughed.

"Pasensya ka na kung tinakot ka ni Mama."

"Okay lang baby ko." He kissed my hand.

Isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya at narinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya. "Tingin mo pasado ako?" Tanong niya.

"For sure yun, baby."

"Sana nga." He kissed my hair. "I love you baby." He whispered.

"I love you too, baby."

--

I know maiksi, try ko po bumawi next update. ✌

Please vote. ☆

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now