Hot Chick (37)

22.3K 595 6
                                    

Hinatid na ko ni Damon after matapos ng Acquaintance Party. Pero bago niya ko hinatid, hinatid na muna namin si Majah dahil samin padin siya sumabay kasi daw ayaw niya mailang dun sa dalawang lovers.

Pagdating namin ng tapat ng bahay bukas padin ang ilaw namin sa Sala for sure naghihintay padin sakin si Mama.

Sinamahan niya ako sa paglalakad hanggang sa tapat lang ng pinto.

"Goodnight, baby." He said.

"Goodnight, Damon." Hinalikan niya lang ako ng mabilis sa labi tsaka naglakad pabalik ng kotse niya. Pinanuod ko muna siyang makaalis bago ako pumasok ng bahay.

Pumasok na ko at di nga ko nagkakamali hinihintay ako ni Mama. Nakaupo siya sa sofa habang naka cross arms.  Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisnge.

"Bakit gising ka pa, Ma?" Tanong ko kahit alam ko naman yung dahilan.

"Hinihintay kita." Sabi ko nga eh. Umupo ako sa tabi niya. "Boyfriend mo ba yung Damon na yun?"

"No, Ma." Pagtatangi ko. Hindi naman kasi talaga.

"Gusto mo siya?" Hindi ko maiwasang magulat sa tanong niya. Halata ba sakin na kahit pati si Mama nahalata na?

"Uhm.. O'opo, gusto ko siya." Nauutal kong sabi. Shocks ito ang unang beses na tinanong ako ni Mama kung may gusto akong lalake.

"Siya ganun din ba?"

"Sabi po niya."

"Sabi niya? Bakit di ka ba naniniwala?"

"Naniniwala po."

"Nililigawan ka niya?" Hmm.. nililigawan? Hindi naman eh. Hindi naman niya sinabing manliligaw siya, basta daw maghihintay siya pagka graduate ko. Diyos ko bigla kong naisip, ang tagal pa nun.. mahintay niya kaya talaga ako?

"Hi'hindi po. Basta ang sabi niya maghihintay siya sakin hanggang maka graduate."

"Naniniwala ka ba sa sinabi niya?"

"Hindi ko po alam. Masyado pa yung matagal, baka hindi na niya kayanin ang mag hintay." Parang bigla akong nalungkot sa posibilidad na hindi niya ko mahintay. Oo nagbago na siya, hindi na siya playboy pero kahit sino naman atang lalake hindi makakahintay ng matagal para lang sa babae.

"Do you trust him?" She asked again. Jeez, ngayon na nga lang nagtanong si Mama sa mga ganitong sitwasyon ang lalalim pa. Do i? Do i really trust Damon? i mean.. i trust him that he changed because i saw it. Pero mapagkakatiwalaan ko ba siyang hindi niya ko sasaktan? Tulad ng ginawa ni Ian? Ewan di ko alam.

"I'll take that silence as a no." Mom said. She kissed my hair. "Rest now, sweetheart."

Pumasok na ko sa kwarto ko para makapag bihis at makashower. I looked at my clock, it's already 2:02am. After kong mag shower and all. Humiga na ko ng kama ko pero di padin ako makatulog dala to ng paguusap namin ni Mama. So i really don't trust Damon 100%, maybe.. 60/40, 60% yes i trust him.. 40% no.

Haaay! Baka na trauma ako sa naging relasyon namin ni Ian kaya parang hirap na kong mag tiwala sa lalake. Paano naman kasi binigay ko ang buong tiwala ko kay Ian pero sinira niya lang.

I rest my eyes and mind.. i don't want to think anything para makatulog na ko.

Nagising ako sa tama ng araw na nagmumula sa bintana ko. Hmm.. mukhang tanghali na sa taas ng araw. Tumayo ako at sinara ang kurtina para makatulog pa ko dahil hanggang ngayon inaantok pa ko at masakit pa ang ulo ko dahil bitin pa sa tulog.

But then bago pa ko makatulog ulit nagring yung cellphone ko.. i answered it without looking at the screen.. "Hello?"

I heard him chuckled. "Na miss ko yang kakagising mo lang na boses." Shit! I now that voice. I looked at the screen of my phone, it's Ian.. sinave ko na number niya pero ang nakapangalan.. 'Annoying ex.'

"What do you want again?" Irita kong tanong. Ang aga aga mukhanh bubwistin na niya ko.

"Uhm.. gusto ko lang ibalita na finally nakapasok ako sa National Team. Sobrang saya ko." Oh-wow! Yaah! Tama dream niya yun.

"Congrats."

"Salamat Babe, isa nalang ang pangarap kong hindi natutupad." Kailangan ko pa bang malaman yun? "Ikaw nalang, babe. Sana mapatawad mo na ko at bumalik ka na sakin."

I sighed. "Mananatili nalang pangarap yan. Ibaba ko na to, Congrats ulit sa pag kapasok mo sa National Team. Bye!"

Inilapag ko yung cellphone ko sa side table ko.

Hanggang ngayon ba hindi parin siya sumusuko sa pakikipag balikan sakin? Ano pa bang masasakit na salita ang gusto niyang marinig sakin bago siya madala?

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now