Hot Chick (13)

25.3K 735 6
                                    

Dumating na ang araw ng Tryout ko syempre supportive sakin ang mga kaibigan ko, may bitbit pa nga silang banner eh. Akala mo naman competition itong tatakbuhan ko samantalang Tryout lang. Alam kong si Damon ang may pakana nun dahil nag biro siya one time na magdadala siya ng goodluck banner. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya kay Coach.

Puro jogging ang naging preparation ko para sa Tryout na to at tulad ng unang beses akong nag Tryout kinakabahan ako. Sana makapasok ulit ko.

"Amber, ready ka na?" Coach asked.

"Yes, Coach." Huminga muna ko ng malalim. Tsaka pumwesto para sa pagtagpo. Sa hudyat ni Coach tumakbo ako ng mabilis.

I heard my friends, shouting, screaming to cheer me.

Nang makarating ako sa finish line. Sigawan ng sigawan yung tatlo. Tumakbo sila papalapit sakin na akala mo pasok na ko eh hindi pa naman dahil wala pang sinasabi si Coach. Sabay akong niyakap ni Majah at Luisa. Nung si Damon na ang yumakap sakin may kasama pang pag buhat ang yakap niya.

"Guys.. relax di pa nga sinasabi ni Coach kung pasok na ulit ako eh." I told them.

"Inurasan namin yung pagtakbo mo, at nalampasan mo yung record na ginawa mo nung nag practice ka sa Sports Center." Damon said smiling. I smile widely.

"Your boyfriend is right, Amber." Coach said. Oohh!!

"Hindi ko siya boyfriend, Coach." Pagtatama ko. Tumawa yung tatlong baliw sa likod. Sarap ding batukan nito ni Damon eh, nakikitawa pa.

"Sorry about that. Well, welcome to the team again." He said smiling.

I jump screaming. Niyakap ko yung tatlo kong baliw at supportive kong kaibigan sa sobrang saya.

"Congrats Amber." Majah said, hugging me.

Si Luisa naman niyakap ko. "Congrats, Hot Chick." She said. I chuckled.

"Congrats, baby." Bulong ni Damon pagkayakap ko sakanya.

"Thanks guys sa support." I smile fondly at them. Humarap ako kay Coach. "Coach salamat sa tiwala, pangako hindi ko na kayo bibiguin ulit. Sana po tulungan niyo pa ko."

"Kaya nga ko Coach para tulungan ka. Aasahan na kita palagi sa mga practice, okay?"

"Yes, Coach."

Bigla akong hinila ni Lusia. "May celebration tayo, yayain mo na si Justin." Mahina niyang sabi habang tumitingin kay Justin na kausap na ngayon ni Coach.

"Okay, kalma!" I hold up my hands.

Lumapit sa direksyon namin si Justin habang nakangiti at itong si Luisa bigla akong hinawi para siya ang sumalubong kay Justin. Ayy Grabe siya! Di siya masyadong obvious.

"Hi!" Luisa greeted him. I bite my lips to hide my smile.

"Hi? Uhm.." nagkamot ng ulo si Justin at mukhang nag blush. Omygosh! Don't tell me type niya din si Luisa? Kita mo nga naman oh. Tumingin sakin si Justin.

"Amber, Congrats." He said to me.

"Salamat." Siniko ako palihim ni Luisa. Oo na! Oo na! Ito na, tss.. ang atat naman nito. "Uhm.. gusto mong sumama samin para sa celebration ko sa pagbabalik ko sa team." Tanong ko sakanya.

"Sumama ka na, Official kitang iniimbita sa celebration ni Amber." Luisa said to him.

"Uhm... Okay lang ba na sumama ako kasi hindi niyo naman ako kaibigan." Nahihiyang sabi ni Justin.

"Well, ngayon kaibigan ka na namin." Luisa said. Prospect mo kamo!

"Uhm.. sige. Salamat sa pag imbita, pupunta ko. Saan ba?"

Luisa told him yung Club ng kaibigan ni Damon..

"Aasahan ka namin dun ah." Luisa said. He just nods to her, smiling shyly. Naglakad na palayo si Justin at mukhang mag papractice pa. Humarap samin si Luisa na napakalaki ng ngiti.

"Ibang klase ka!" Majah said.

"Sinabi mo pa." I agreed.

"Gusto ng mga lalake ang aggressive, keep it up.. Lulu." Damon said. I slapped him on the back of his head. "Awww!" Pagaangal niya.

"Baliw ka talaga wag mo ngang bigyan ng ganyang advice si Luisa baka seryosohin niya." I said to him.

She laughed. "Alam mo tama si Amber. baka nga seryosohin ko yan." We all laughed. Haaay! Buti nalang may kaibigan akong baliw tulad nila.

"Ahh.. Guys, maunan na kayo dun sa Club nung kaibigan ni Damon. May pupuntahan pa kasi ako eh." I said to them.

"Saan naman?" Majah asked.

"Baka hindi ka pumunta, hindi pwede!" Paniniguro ni Luisa.

"Pupunta ko, may dadaanan lang ako."

"Saan ba kasi yan, baby?" Damon asked.

"Sa anak ko." Mahina kong sabi na dahilan para biglang sumeryoso yung mukha nila.

"Okay." Sabay na sabi ni Luisa at Majah tsaka ngumiti sakin.

"Sasamahan na kita, baby." Seryosong sabi ni Damon.

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now