Kabanata 11

5.5K 88 11
                                    

Kabanata 11

*Kring Kring*

Aish. Ang kulit naman ng Playboy Italia. Nung isang araw pa nila akong kinukulit na mag model ulit sa magazine nila. Eh ayaw ko na eh. Hindi ba sila nagsasawa na nung march ako, tas ngayong april ako nanaman? Sabi nila request daw. Ano namang pake ko sa request na iyan. Lalakihan daw nila ang talent fee, paki ko naman sa talent fee na yan. May pera naman ako. Hindi naman ako namumulubi. Sinabi ko naman sa kanila na si Natasha na lang pero ako daw talaga. Aish. Nakakainis magpapalit na talaga ako ng numero.

“Aish. Lecheng mga Playboy staff yan. Sinabi kong ayaw ko ng maging model ng magazine na yun. Tama na ang isa. Hindi ba sila nagsasawa? dahil ako sawang sawa na.” binigyan ko ng isang nakakairitang tingin si Tito Will, Natasha, Lae, at Lean. Nasa bahay kami nina Lae. Kasi balak naming mag sleep over dito namimiss ko na rin si Tito tsaka si Lean. Kapatid ni Lae.

“Hahahaha. Sa lahat talaga ng talent ko ikaw lang Isabel ang tumatanggi sa isang napakalaking kompanya.” hindi makapaniwalang sabi ni tito will.

“Eh kasi naman tito, tama na yung isa. Ano sila sinuswerte? lagi na lang nilang makikita ang maganda kong katawan” natatawa kong sabi. Nang tinignan ko naman sina natasha at lae nakaawang ang kanilang bibig. Sa limang taon kaming magkasama mag best friend ngayon lang nila nakita ang ganito kong side.

“A-ang unfair. *sobs* Ganyan lang si Phoebz kapag si Tito Will at Lean ang kausap niya pero pag kami. Para kaming stranger sa kanya ang cold niya” nakangusong sabi ni Natasha. Totoo naman kasi eh, hindi ako ganito sa kanila.

“Ayiee. Si natnat oh, nagtatampo.” sabi ko kay natasha lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang super tight hug. Niyakap ko din si Lae at nag-group hug kaming tatlo.

“Ang swerte ko kasi nakahanap ako ng katulad niyo. Kahit na ang cold ko sa inyo hindi niyo pa din ako iniwan. Salamat” bulong ko sa kanila at kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.

Nasa kwarto ako ni Lae. Inilibot ko ang aking paningin, isang queen size bed, walk in closet, at nung tinignan ko naman ang babaeng papasok sa kwarto ni Lae nagulat ako sa mga dala niya. Mga alak at  chichirya. Yung totoo?

Tuwang tuwa naman si Lae dahil for the first time daw pinayagan siya ni Tito na uminom sa loob ng bahay. Alam naman ni tito na nag babar kami pero ayaw niyang dito sa loob ng bahay-este mansyon niya kami uminom. Ngunit nung ako ng ang nagrequest dahil bago pa man kami pumunta dito kinukulit na ako ni natasha at Lae. *sigh* Sabi pa nga ni Lae ang unfair daw dahil nung siya ang nagsabi kay Tito hindi siya pinayagan pero nung ako. Kahit nagdadalawang isip si tito ay pumayag na din ito. Hahaha. Ang lakas ko talaga kay tito will. Si Lean naman pinatulog na namin sa kwarto nito. Pitong taong gulang na si Lean, magandang bata, no wonder kung balang araw maging sikat na artista ang batang ito. Si tita naman, asawa ni tito will. Nasa new york binisita ang mama niya dun na may sakit. Kaya wala ang mommy nina Lae at Lean.

“Let’s parteeeh” sigaw ni Natasha sabay talon sa kama ni Lae. Napailing na lamang ako. Sa walong taon na magkasama kami ni Natasha hindi pa ako nakakapunta sa kanila, nung una nga akala ko isa itong orphan kasi iyon ang madalas niyang sinasabi. Pero nung malaman kong mayaman pala tong bruha at dahil sa nag-asawa ulit ang papa niya na isang business tycoon ay umalis ito sa kanila. Yan naman talaga ang madalas na nangyayari kaya lang ang mas masakit ay walang paki-alam ang papa niya sa kanya. Hindi man lang siya kinakamusta. *sigh*

---

Mahigit isang oras na kaming naguusap, umiinom sa kwarto ni Lae. Tipsy na ang dalawa at ako naman ay hindi umiinom. Kasi kapag uminom ako, ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa kwarto ni Lae. Tsaka di ko feel ang uminom ngayon.

“*hik* Mish kho nha shi phapha” nagulat ako sa sinabi ni Natasha. Ang lasing ay hindi nagsisinungaling. Natatawa ako sa mga nangyayari ngayon kaya napagdesisyunan kong ivideo ito. Kinuha ko ang iPhone ko at nilagay sa kalapit na lamesa ng sigurado na ako na kuhang kuha silang dalawa. Ay bumalik na ako sa pwesto ko. At ngumingiti ako sa camera ng phone ko. Haha

“Phero dhi atha akho namish nhi phapha eh, Dhi mhan lang niya akho kinakamushta” nangingilid na ang luha ni Natasha. Hindi namin ito first time na uminom pero di naman kami naglalasing ng todo todo. Sabagay wala naman kaming dapat ipag-alala nandito naman kami sa bahay nina Lae kaya walang problema kung maglasing man kami.

Hindi lang pala ako ang may pinagdadaanan. Namiss ko tuloy si papa. Tatawagan ko sana siya ngayon pero bukas na lang siguro, kasi ginagamit ko pa ang phone ko.

“Hahahahahaha. Ghurlss, may shashabihin akoo” sabi ni Lae sabay hagikhik na parang kinikilig. Ganito pala sila malasing. Para akong baliw dito ngumingiti ako dito ng mag-isa. Hahaha.

“Shige anho yhun?” tanong naman ni Natasha. Hindi ako nagsasalita mas gusto ko na lamang silang tinignana Hahaha.

“Gossshh. Maahy nhew shuitor akho. Hanggwapoo.” pagmamayabang ni Lae at kinikilig. Naku, siguraduhin mo lang Lae na hindi ka masasaktan.

 REVISED

Secretly Married: MISERYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon