Sabi mo...

703 17 2
                                    

Natatandaan mo ba? Yung mga salitang binitawan mo? Ang sabi mo lahat yun totoo.

Nung nililigawan mo pa lang ako ang sabi mo... "Alam mo ang saya ko dahil pumayag kang ligawan kita. Ang tagal kong hinintay yung pagkakataon na to. I promise na hindi ko sasayangin yung chance na to." Ang saya ko nung sinabi mo yun sa kin. Pinanghawakan ko yung pangako mo.

Nung sinagot kita ang sabi mo..."I'm the luckiest and happiest guy in the world right now. I love you Ars."hinalikan mo ako sa cheeks. Ako din. I'm the luckiest and the happiest woman in the world that time.

Years passed and naging strong ang relationship natin. But then naging busy tayo. Ikaw naghahabol sa studies and ako naman sa training. Nawalan tayo ng time sa isa't-isa. Pero ang sabi mo..."It's fine. Bawi na lang tayo pag di na busy.I miss you and I love you"pagkatapos ay ibinaba mo na ang tawag.

Natuwa ako dahil naintindihan mo kung bakit nawalan ako ng time sayo. Syempre student- athlete ka rin naman kagaya ko.

Dumaan ang ilang taon at nananatili tayong matatag. Hanggang sa nagkatrabaho na tayo. Nag propose ka sa kin at ang sabi mo..."Baby, I wanna spend my lifetime with you. Ang dami na nating pinagdaanan at eto tayo matatag pa din. So Ara, will you be my Mrs. Torres? Will you marry me?"syempre nasurpresa ako. Napaluha ako dahil sa tuwa. Sinagot kita ang sabi ko "yes" at saka mo ako binuhat at inikot-ikot. Ang saya natin kung titingnan.

Dumating ang araw ng kasal natin. Sobra akong kinakabahan. Pero wala na tong atrasan. Mahal kita at handa na kong matali sayo. Handa na kong maging isa tayong dalawa. Habang lumalakad ako nakatingin ka lang sa kin at ganun din ako sayo. Kitang- kita sa mga mata natin kung gaano tayo kasaya. Nagbigayan na tayo ng vows at natatandaan ko pa nun sabi mo..."Wala tayong secrets sa isa't-isa ha? We need to be honest to each other. I love you."I blushed when you said that and kissed both of my hands. You also said "Walang iwanan."tango lang ako ng tango sa sinasabi mo dahil di ako makapagsalita ng maayos dahil naluluha na ako.

Naging maayos ang pagsasama natin. Nagkaroon tayo ng isang anak na lalaki. Pinangalanan natin tong Thomas Jr. Dahil sobrang magkamukha kayo.

Akala ko okay lang ang lahat. Pero akala ko lang pala.

Sabi mo walang iwanan, pero bakit wala ka dito sa tabi ko?
Sabi mo walang secrets, pero bakit di mo sinabi sa kin na may sakit ka pala?
Sabi mo maging honest sa isa't-isa, pero hindi mo sinabi sakin na mamamatay ka na!

Hanggang salita ka lang pala. Bakit mo ko iniwan? Bakit nagpatalo ka sa pesteng cancer na yan? Bakit hindi ka lumaban?

Pero wala na kong magagawa. Kahit lumuha ako ng dugo hindi ka naman mabubuhay diba? Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.

Sa ngayon panghahawakan ko na lang ang mga sinabi mo.
*******************************************
Di ko pala kayang gumawa ng kadramahan hahaha! Sorry ulit kung sabaw. Promise po babawi ako next time.

-TurtleNiVictonara

ThomAra ThoughtsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora