Jealous

1.1K 32 4
                                    

Ara's Pov
Nandito kami ngayon sa bleachers at hinihintay naming matapos ang training ng MBT. Kami na kasi ang next na gagamit ng gym. May tune up game kami againts Green Spikers. Speaking of, eto na nga sila. Tumabi pa sa kin si Tigno.

Pagtingin ko sa court, may isang dwendeng nakatingin sa ming dalawa at nawawala na ang mata. Narinig ko pang inaasar siya ng mga teammates niya. Natawa na lang ako. Oops. Lalo pang nawala ang mata niya kaya pinigilan ko na lang ang pagtawa.

"Loko ka talaga Tigs. Alam mo namang nagseselos sayo si bansot tapos tatabi ka pa sa kin." sabi ko sa kaniya habang natatawa. Sorry di ko mapigilan. Ang cute kasi ni Thomas haha.

"Hahaha iniinis ko lang and besides may girlfriend ako at di kita type."aba loko to ah. Nang-iinsulto yata.

"So anong gusto mong palabasin?"tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isa kong kilay.

"Na hindi kita type."simple niyang sagot.

"Sabagay. Waka ka kasing taste."sabi ko sabay belat sa kaniya.

"Loko---"di niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang may sumigaw.

"Uy Thomas!"ah sila Jeron pala.

Ay wait. Anong nangyari? Pagtingin ko sa court nakahiga yung nag-iisa kong dwende habang hawak ang tuhod niya. Kaya lumapit na ko.Nung nakalapit na ko sa kaniya ay umupo ako sa tabi niya. Yung mga teammates niya naman pinapanuod lang kami. Mga lokong to di man lang tulungan.

"Okay ka lang?"tanong ko sa kaniya. Sinubukan ko siyang tulungang tumayo pero inalis niya yung kamay ko sa braso niya. Loko to ah!

"Psh. I'm fine. Dun ka na sa Tigs mo."sabi niya sabay irap sakin.

Hala nabading na. Ang taray niya ah haha.
Natatawa na lang ako.

"Oh bakit ka tumatawa?"tanong niya sakin habang nakataas ang isang kilay. Ang cute magtaray ni Bimby. Di ko na tuloy napigilan ang aking self at kinurot ko na yung parehong cheeks niya.

"Ang cuuuttee"pinanggigilan ko nga.

"Aw!Victonara ano ba?!"sabi niya habang nakakunot ang noo. Hala naiinis na. Pero cute pa din haha.

"Bakit ba ang taray mo?"kunwaring naiinis kong tanong sa kaniya. Tumayo ako at nag cross arms.

"Nagseselos yan ate Ara."sabat ni Kib. Alam ko naman yun noh. Tinatanong ko lang talaga siya. Cute kasi mainis eh hehe.

"Shut up Montalbo!Teka lang,ba't ba ayaw niyo kong tulungan?Kanina pa ko dito ah."inis niyang sabi sa teammates niya. Aba tinutulungan ko nga siya kanina eh siya tong may ayaw.

Tinawanan na lang siya ng teammates niya at dinala siya sa bench. Sumunod naman ako.

"Ara ikaw muna bahala diyan. Sprain lang daw. Balik na kami sa training." Jeron said then tap my shoulder. Ay wala pala si coach Juno ngayon ko lang napansin.

Nilapitan ko na ang mahal kong bansot na mag-isang ginagamot ang sarili niya sa bench. Lumuhod ako sa harap niya at kinuha ang ice bag sa kaniya.

"Ako na."sabi ko sabay lagay ng ice bag sa paa niya.

"Bakit ka umalis dun sa Tigno mo? Dun ka na nga."hay napakaseloso talaga. Konting lambing lang naman to at pagpapacute di na yan magagalit. Tingnan niyo.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap ko siya. Pinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

"Baby sorry na. Nag-uusap lang naman kami ni Tigs. And diba may girlfriend na yun? So wala kang dapat ikaselos."sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa kin habang nakakunot pa rin ang noo. Cute.

ThomAra ThoughtsWhere stories live. Discover now