Ang kwintas

634 18 1
                                    

Chapter 38 

ANG KWINTAS 

[Angela's POV] 

Nakayakap ako kay Billy pagod na ako I'm so exhausted. Hindi ko na kaya ang umiyak pa. Sa isang iglap tatlong buhay ang nawala. 

"Kung nasaan man ang Mommy mo masaya na siya kasi kahit ilang saglit lang naranasan niya tawagin mo siya Mommy." sabi ni Billy na nakayakap sa akin.

Nakita ko naman si Rein na binuhat si Justin sa tabi ni Maribel. Ilang saglit pa ay tumayo na si Billy at inalalayan ako. 

"Kaya mo pa ba Rein? Sa tingin ko kailangan na nating bumalik." 

Sabi ni Billy at nakita ko namang sumang ayon si Rein tumayo na siya at inalalayan si Mariel. 

Dahil sugatan sina Billy. Isa isa ang ginawa nilang pagbuhat sa mga katawan palapit sa lagusan at ng sa wakas ay tapos na din sila. 

Hinawi ko iyon at pumasok na si Rein. Una inalalayan ni Billy ay si Justin upang sa kabila ay maabot siya ni Rein. Kasunod ang Mommy ko at si Maribel pagod at magkayakap lamang kami ni Mariel. 

Rinig ko ang bawat pagbulong niya ng paulit ulit na 'Maribel' tumulo ang luha ko. Napakasakit. Tinalo pa namin ang namassacre. Naramdaman ko ang paghikbi ni Mariel at tumigil siya sa pagbulong habang nakatingin ako kay Billy inaangat niya ang katawan ni Mommy. 

Napansin kong hawak ni Mariel ang pendant ng kwintas ko at nagsalita siya ng pabulong. 

"Ang kwintas ang magbabalik sa dati at magkakaroon ng panibagong buhay" 

Tumingin ako sa kanya at kay Billy na nagsalita. 

"Halika na Mariel." 

Inabot ni Mariel ang kamay ni Billy at siya ang pumasok sa lagusan. 

Inisip ko ang sinabi niya. Ang kwintas. Tumakbo ako pabalik sa may trono. 

"Angel." 

Tawag sa akin ni Billy na alam kong sumunod sa akin. Hindi ko alam kung paano gagamitin iyon pero pakiramdam ko ay sa trono iyon. 

Napilingon ako sa isang kawal na hirap magsalita at iyon ang pinuno ng mga kawal. 

"Sa tuktok ng trono." sabi niya at hinanap ko iyon. Meron don keyhole na alam kong kasukat ng pendant. 

Hindi ko inisip kung ano ang mangyayari at basta ko na lang iyon nilagay. 

Lumiwanag at dahil sa pagkabigla ko ay naitakip ko ang dalawang braso ko sa aking mata pananggalang.  

Nahulog ako at naputol ang kwintas. Lumindol at nakita ko na lang na nakalapit na sa akin si Billy. Ilang sandali pa ay tumigil iyon at unti unti ay lumiwanag ang paligid. 

Ang mga kawal ay isa isang bumangon. Nagkatinginan kami ni Billy. Ang madilim na lugar ay lumiwanag at gumanda. 

Ang mga sugatang kawal at patay na ay nabuhay at gumaling. Lumapit sa akin ang pinuno ng kawal. Marahan naman akong inilayo ni Billy sa lapit na pinuno ng magsalita ito. 

"Maraming salamat sa inyong pagbabalik na katiwasayan sa aming mundo." 

"N-Nabuhay kayo? Ibig sabihin--" 

Mangha kong sabi na medyo lumapit sa kanya. Hawak pa din ako ni Billy. 

"Patawad ngunit hindi kasama sa sumpang mabubuhay ang natitirang lahi ng Reyna Fonza. Kung kaya't batid kong hindi na muling mabubuhay pa ang kamahalang Imhar." 

Nangilid ang aking luha at napatingin ako sa kawal. Bigla siya yumukod sampo ng ilan pang alagad na nakapalibot sa amin. 

"Batid kong ikaw ang supling ng kamahalang Imhar at nagagalak kaming paglingkuran ka." 

Umiling ako. "Hindi ako mananatili dito. Alam kong kailangan ninyo ng isang pinuno ngunit hindi ko nais tumira dito." 

Linibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Marahan akong lumapit sa kawal. Hinawakan ko siya sa balikat na nanatiling nakayukod. 

"Sa ngalan ng aking ina na si Imhar, Ikaw--" 

Tumingin ako sa kanya at sinabi naman niya ang kanyang pangalan. 

"--Quizda ay itinatalaga kong pamunuan ang inyong kaharian." 

Biglang nagtayuan ang mga kawal at buong lakas nilang itinusok ang bawat spear na hawak nila sa lupa. 

Tumayo si Quizda. 

"Maraming salamat Kamahalang Iziah." 

"Umaasa akong magiging magaling kang pinuno at kailan man ay hindi na mababalot ng dilim ang inyong mundo. Ipangako mo rin na isasara mo na ang lagusan ng pang habang buhay upang kailan man ay hindi na kayo magambala pa." 

Tumalikod na ako kasunod si Billy. Paglabas namin ng lagusan ay tumambad sa amin ang mga puno at halaman. Napakaganda noon at parang nasa paraiso lamang kami. 

Tinulungan ako ni Billy at bago ako tuluyang makapasok sa lagusan muli kong sinulyapan ang kaharian ng punso. 

Ito ang lugar kung saan ako nag mula. Kung saan ako ipinanganak. Ang aking tunay na mundo. Pero lumaki ako sa mundo ng mga tao at may dugo akong isang tao. May karapatan akong pumili. 

At alam ko kung ang Mommy ko ang aking tatanungin mas gugustuhin din niya ang ginawa kong desisyon.

Pumasok na ako sa lagusan at kasunod ko si Billy at nakita ko magkayakap si Tito Emil at sina Mariel at Maribel. 

Si Rein naman ay lumapit mula sa pagkaka-akbay kay Manang Enchang na umiiyak papunta sa medyo nahihilo pang si Justin na nakaupo sa damuhan. 

Nilingon ako ni Daddy at sinalubong niya ako ng yakap at hinarap niya ako na lumuluha.  

"Patawarin mo ako anak. Hindi ko nasabi sayo. Natakot akong madamay ka. Pero huli na ang lahat." 

Muli siya lumuhod sa harap ng walang buhay kong ina at niyakap iyon. Lumapit ako sa kanya ay hinaplos ko ang likod ni Daddy. May mga luhang pumatak sa aking mata. 

Oo. Totoong napakahirap tanggapin pero wala ng magbabago pa sa mga nangyari. 

"Kung nasaan man si Mommy ngayon alam ko masaya siya dahil nagkita kayo ulit. At kahit paano ay buo ang pamilya natin ngayon. Ibinuwis ni Mommy ang buhay niya para sa kalayaan nating lahat." 

There, I raise my head to look at the sky. Masakit man tanggapin ang katotohanan pero kahit minsan hindi pwede ipilit ang bagay na hindi pwede.

Kambal sa PunsoWhere stories live. Discover now