Ang pagbabalik

596 20 1
                                    

Chapter 14 

ANG PAGBABALIK 

[Mariel's POV] 

Mula nang huling magkausap kami ni Rein noon sa bench three weeks na din ang nakakalipas ay lagi na kaming dalawa ang magkasama. 

Hindi ko nga akalain na kahit papaano pala ay marunong din naman pala siya magkwento. 

Yon na madalas punahin ni Justin. Sinagot na din ni Ate Angela si Billy at sa totoo lang wala akong naramdaman na kahit anong hinanakit. 

Nasa bench kami noon at tapos na ang klase namin. Five days to go at 18th birthday ko na kaya naman busy kaming lima dahil kami lang talaga ang nagorganize ng party. 

Sa akin naka toka ang invitation at dadaanan ko na lang yon mamaya. 

"Ok na lahat huh? Kompleto na ang 18 roses mo, 18 candles, at 18 wines." sabi pa ni Ate Angela na iniisa isa ang listahan. 

"Naayos ko na din ang gagamitin na sounds systems." sabi naman ni Billy na inaabot ang isang voucher kay Ate Angela.

Siya kasi ang namamahala sa budget para sa lahat. 

"So yon naman pala eh ok na lahat so invitation na lang ang kulang at dadaanan na lang ngayon sa Permejo's Photo Shop." Rein 

"Oo kailangan ko na umalis at baka magsara ang shop. Kailangan ko rin maabutan si Papa." 

Sabi ko habang iniipon ang mga gamit ko. Ng magsalita si Justin. 

"Eh who's your escort?" 

"Hindi sa lahat ng 18th birthday may escort." sabat ni Billy 

"Nah! That would be so boring, How about Rein?" 

"Ako tigilan mo sa mga kalokohan mo." 

Sagot naman ni Rein at natawa na lang kami. Tumayo na ako. 

"Samahan na kita." Rein 

"Oh, Seems like I'm really out of place here. Dati if there's lakad, it's always the three of us. Now, it's always the two of them and I left alone." sabi pa ni Justin na parang kinawawa. 

"Eh di sumama ka. Sige na Ate mauna na kami sayo." 

"Go ahead." 

"Kita na lang tayo bukas Billy sa bahay." 

Baling ko kay Billy. Pupunta kasi sila para matapos na lahat. Nagsalita si Justin ng tiningnan ko siya asking if his coming or not. 

"You go. I'm just kidding I have dinner with my parents. Mum's leaving for Washington tomorrow night. Amber's all alone there." 

Napailing naman ako. Hitsura kasi ni Justin nakakatawa. Mayaman ang pamilya nila. Half Pilipino and half American ang father niya.  

Isang History Professor sa Mitchel Academy na pag aari nila. Si Mr. Antonin Evans. 

Baka matanong niyo kung bakit hindi doon nag aral si Justin. Ayaw niya doon. Mas nasanay siya sa buhay probinsiya. 

Bihira lang umuwi ang magulang niya dito kaya naman kapag mga dinner na ganyan dapat present siya. 

Ang kapatid niya ay halos sa Washington naman lumaki kasama ang Mommy niya. Siya ay dito sa probinsiya nag aral ng Secondary though galing din siya doon sa Washington dahil doon siya pinanganak. 

Dalawa lang silang magkapatid. Bihira ko nga narinig na nagtagalog siya eh. Pero marunong naman. Sinanay lang kasi. 

Pagkagaling sa shop hinatid na ako ni Rein pero hindi na siya bumaba para pumasok. Sinalubong naman ako ni Manang Enchang. 

"Manang si Papa po?" 

"Ay naku hija, kanina pa umalis, bakit ba naman kasi ang tagal mo dumating?" 

"Dumaan pa po kasi ako sa shop para kunin ang mga yan." 

"Sige. Ipaghahanda kita ng hapunan. Mamaya pa ang Ate Angela mo." 

"Wag na Manang magpapahinga na lang po muna ako." 

Bumiretso na ako sa kwarto. Nagbihis ako at hinihipan na naman ng hangin ang mata ko kaya antok na antok na naman ako. 

Sinara ko ang pinto ng balkonahe ko at ang mga bintana. Matutulog muna ako saglit. Ilang minuto pa lang marahil ako nakakatulog ng maramdaman ko na malamig. Kinapa ko ang kumot ko at ibinalot ko ang sarili ko. 

Malamig pa din dahan dahan ko minulat ang mata ko para tingnan ang balkonahe sa pagkakaalala ko sinara ko yon. 

Sarado naman sinulyapan ko din ang bintana na katapat lang ng malaking punong mangga, sarado din. 

Pero ang mga kurtina ko ay nililipad ng hangin. Nakapatay naman ang ac ko kasi hindi ko yon masyado ginagamit. 

Naupo ako at dahil nakatulugan ko na bukas ang ilaw hindi ko kailangan mangapa sa dilim. Tumatayo ang balahibo ko dahil sa lamig at biglang-- 

Sumigaw ako pero walang lumabas na tinig sa bibig ko. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng babaeng kaharap ko. 

Siya si Fonza.

Kambal sa PunsoOnde as histórias ganham vida. Descobre agora