Kabanata 6

19 1 0
                                    

 A/N: Ang istoryang ito ay kathang isip lamang. Nagmula ang mga laman ng istoryang ito sa imahinasyon ng may akda (glancingButterfly). Anumang pagkakatulad sa totoong buhay tulad ng pangalan ng mga karakter, mga pangyayari at iba pa ay NAGKATAON LAMANG.  Inuulit ko, NAGKATAON LAMANG. 

Bahala na kayo umintindi, basta FICTION po ito. Salamat! :)

Hindi po edited ang mga updates ko, at kung may mga typographical errors ay ipagbigay alam ninyo sakin!  Kung meron man kayong hindi maintindihan, comment lang. I'm not perfect. lalala

Suggestions are open! :)

COMMENT

VOTE

BE A FAN

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'''

Kabanata 6

[Third Person's POV]

  MAY ngiti sa labing tinungo ni Jamilla ang isang summer lounger, dala dala ang inorder na kiwi and strawberry smoothie, at sunblock lotion. Gusto niyang magpakasaya at isipin lang ang kanyang sarili, wala nang iba.

Ipinatong niya ang kanyang inumin sa isang maliit na mesa na tabi ng lounger niya at tinanggal ang kanyang see-through na summer dress. Lumitaw ang mga kurbang ninanais ng mga kababaihan, at agaw pansin sa mga kalalakihan. Sinuot niya ang shades niya at umupo sa lounge at nagsimulang ipahid ang lotion sa mahahaba at makikinis na mga hita nito. 

  WALANG reaksiyon pero sadyang hindi niya maialis ang kanyang mga mata sa binibini. Kasalukuyang kumakain ng agahan si Raven sa malapit na restaurant sa dagat. Hindi niya ninanais na makita ang babae. Nagpunta siya sa lugar na ito para kahit sandali lang ay makalimutan ang mga hinanakit niya. Pero hindi niya akalaing sa sobrang pag iiwas niya, ay ang siyang paglapit sa kaniya. 

  Makita niya pa lang ang mukha ng babaeng iyon, ay nagbabago ang timpla niya. Pero inaamin niyang sa limang taong di sila nagkita, ay lalo itong gumanda, lalo na ang katawan nito, na minsan na rin niyang nasilayan. Uminom siya ng malamig na malamig na tubig at pumikit at napamura sa isipan niya. Napapaisip siya ng mahalay at hindi niy agusto iyon dahil galit siya. Galit na galit. AT natatakot siya na baka sa sobrang galit niya ay makapatay siya, ng totohanan.

  NATAPOS na siyang maglagay ng lotion at dahil hindi naman niya maabot ang likod niya, ay hinayaan niya na lang. Uminom siya ng konti sa kanyang smoothie at tumayo at masayang tinutungo ang dagat. At lalong tumalon ang puso niya ng nakalublob na ang kanyang mga paa sa tubig alat. 

'AAAH! SARAP!'  nasambit niya sa kanyang isip.

Namiss niya ang dagat, namiss niya ang lumangoy, na miss niya ang maging malaya ng ganito. At sa sobrang pagkamiss niya, hindi niya namalayang nakalayo na pala siya at maliliit na pigura ng mga tao na lang ang nakikita niya. Pero hindi alintana sa kaniya dahil marunong siyang lumangoy. At sa ngayon ay ayaw niya alalahanin kung sino ang nagturo sa kaniya. Nagsimula na siyang lumangoy pabalik..

"...Accck!.. T-Tulong...acccck!!!" Napabalikwas siya at pinakinggan mabuti kung totoo ang naririnig niya. At nakita niya ang isang binibini na pataas taas ng mga kamay at tila nahihirapan na. Medyo malayo ito pero lumangoy na ito agad patungo sa babae. Nagulat na lamang siya ng tuluyan na itong lumbog pero hinablot niya ito pero kasabay nun ay ang naglalakihang bisig ang isa pang humablot sa babae at mabilis niya itong naiakyat.

  Nagalala si Jamilla at sinundan ang lalaking inaalalayan ang walang malay na babae na kanina ay nalulunod. Nag aalala siya na baka nalagutan na ito ng hininga. Madali naman na nakarating sa pampang ang lalaki at ang buhat na nitong nalunod na babae. At napaatras si Jamilla ng nakita si Raven. Ibinaba ni Raven ang babaeng walang malay. Napabalik naman sa katinuan si Jamilla at lumapit sa babaeng walang malay at lumuhod sa may gilid nito at alintana niya na nandoon si Raven. 

All I Wanted [hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon