Kabanata 3

24 1 0
                                    

WARNING: Medyo SPG

 Pero ngayon pa lang sinasabi ko na, MEDYO lang. Wag kayong umasa. 

A/N: Ang istoryang ito ay kathang isip lamang. Nagmula ang mga laman ng istoryang ito sa imahinasyon ng may akda (glancingButterfly). Anumang pagkakatulad sa totoong buhay tulad ng pangalan ng mga karakter, mga pangyayari at iba pa ay NAGKATAON LAMANG.  Inuulit ko, NAGKATAON LAMANG. 

 

Bahala na kayo umintindi, basta FICTION po ito. Salamat! :)

Hindi po edited ang mga updates ko, at kung may mga typographical errors ay ipagbigay alam ninyo sakin!  Kung meron man kayong hindi maintindihan, comment lang. I'm not perfect. lalala

Suggestions are open! :)

COMMENT
VOTE
BE A FAN

----

Kabanata 3

Third Person's POV

Hindi makagalaw ang babae sa kinatatayuan. Kahit limang taon na, hinding-hindi siya maaaring magkamali sa narinig.

Lilingon na sana siya, nang biglang nilagpasan siya ng lalaking kanina ay nasa likod niya na nagsalita.

"R-Raven." Biglang sabi nung Kaloy na tinawag ng lalaki kanina, na mapaghahalataan ang takot na nararamdaman sa tinawag niyang 'Raven'.

Lalong nanigas sa kinatatayuan ang dalaga. Inaasam niya na makita muli si Raven pero hindi sa ganitong pagkakataon, dahil hindi pa siya handa.

Nasa harapan niya na ang lalaki na sa ngayon ay tinitignan siya na may blankong ekspresyon. At natulala siya.

Sa pag aanalisa niya, nawala na ang bahid ng pagkabinata nito. Para sa kanya, naging lalaking lalaki ito. Lumaki ang katawan nito at mapaghahalata mo ang mga muscles na nakatago sa loob ng t-shirt nito. Ang ganda niya pa ring lalaki sa kulay kayumanggi nitong balat at medyo mahaba at magulong buhok. At mas tumapang ang itsura nito, na kahit sino mang may makakita dito ay matatakot munang banggain ito.

"Anong kailangan mo?" Narinig muli ni Jamilla ang boses. Nagsasalita ang machong lalaki sa harap niya. 

"R-Raven." Wala sa sariling naisambit niya ang pangalan ng lalaki. At sa hindi inaasahan, ngumiti ito sa kanya. Pero hindi siya kumbinsido sa ngiti nito. Dahil alam niyang mapait iyon.

"Naaalala mo pa ako?" Nakangiti pa rin ng mapait ang lalaki. "Bakit nga naman hindi? Diba?" At ngumisi ito.

"I-I don't know what to say." Naisambit ni Jamilla.

"Don't bother. Akin itong building, hindi ko ito ipinagbibili, kahit isang milyon pa ang itapal mo sa mukha ko. Makakaalis ka na." nagulat ang babae sa paraan ng pagsasalita nito sa kanya. At alam niyang, may nagbago. Nabago na ang lahat.

All I Wanted [hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon