7

2.9K 116 8
                                    

Chapter 7

Nakahiga lang ako sa comforter na dala ko at pinapakinggan ang samot-saring ingay mula sa labas. May nagsisigawan, malalakas na tawanan, away bata at utos ng mga in-charge sa activity na to.

Ang sama pa rin ng pakiramdam ko, limang taon ng nakakalipas. Limang taon.

Simula ng mamatay sya, ang best of all ko. Hindi ko akalain na yun na ang huli, na wala ng kasunod at wala ng umpisa. Natapos ang lahat, sa loob ng isang araw. He left me hanging.

Iminulat ko ang mga mata ko, kasabay nito ang pagpasok ni Nikki.

"Thrixie, pinapatawag ka ni Ms. Farr, nasa parking lot sya." Halatang kakagising nya lang. "Going."

"Nga pala, kumain ka na rin, nakahain na yung pagkain ng team natin. Matutulog muna ulit ako, mamayang 10 pa naman yung next activity ee. Punta ka na lang ah. Dalian mo." She was about to zip the tent when I ask her. "Have you eat yours?"

"Not yet, I don't have appetite, I slept late. I need to sleep, more."

Tumayo na ko, at nag-ayos. I need to talk to Ms. Farr, kung ano man yung dahilan why she calls me, it does matter.

As I'm heading my way, I saw Teijon. Mukhang problemado, but I didn't bother myself to ask question. Kaya nya naman i-handle sarili nya, in fact, it's not my nature to interfere. Napabaling sya ng tingin sakin, nagulat pa sya, agad naman itong napalitan ng ngiti. I smiled back.

Pagdating ko sa parking lot, wala pa si Ms. Farr. Sumandal ako sa isa mga bus ng school. Pinagmasdan ko ang kalangitan, masyadong magaling gumuhit ang panginoon, napaka-artistic. Kaya hindi na ko magtataka kung bakit isa sya sa ginuhit. Why God needs to take him away from me? I have a simple answer, if I were to pick a flower, I definitely choose the beautiful one.

"Sorry, I'm late." Napatingin ako sa kanya. "Does not matter, what matters here is your words."

Lumapit sya at ginaya ako. Parehas kaming nakasandal ngayon sa school bus. Ilang minuto ang lumipas bago sya mag-salita. "You know Kei, natutuwa ako na makausap ka. Don't worry, my words are not important gaya ng iniisip mo. This is just about activities in school. Ireremind lang kita, gusto ko sanang sabihin sayo to after the camp, at my office." Tapos may binigay sya saking folder. What the! "Alam ko namang kayang-kaya mong tapusin yan within the week. I trust you. Magleleave kasi ako ng isang lingo. Hehe! Sorry kung sayo ko naisipang ipaubaya yan. Wala kasi akong maaasahan sa kapatid ko." Nag-peace sign sya sakin, ako naman naka-poker face lang.

"Para san to?" Hindi ko na napigilang magtanong. Ano ba kasing klaseng pagkain ang nakain ng isang to at sakin nya pa naisipang ipasa ang gaagwin nya? Dagdag pasanin. At wow ha, sya mag-leleave samantalang ako gagawin yung dapat na sa kanya. Nakaka-wow.

"Basahin mo na lang Kei." Oo nga pala, tatlong taon lang ang tanda nya sakin. Kaya may pagkaisip bata pa sya. "Pag hindi na nakakatamad."

Isa sya sa mga teacher na happy-go-lucky. Kung tutuusin, mukha syang estudyante. But I bet, she's trying her best to act matured. We have connections since sya ang adviser namin sa SCL. She often call me 'Kei' kapag kaming dalawa lang.

"Okeh! Balik na ko sa camp. Sumabay ka na lang if gusto mo." Pagkatapos nyang sabihin yun ay humakbang na sya palayo.

x-x

Yra's POV

"HOY LALAKE! SINO KA PARA UTUSAN AKO HA?" Hindi ko na mapigilang sumigaw. Nanggigigil ako, ang lakas ng loob nyang iutos sakin yung dapat na sa kanya. ASDFGHJKL. Aaaaargh!

"Ilang lingo na ang lumipas, magkaklase naman tayo ah pero bakit di mo pa rin ako kilala. Angelo, Gelo for short." Sabay ngiti nya ng nakakaloko.

"ALAM KONG ANGELO PANGALAN MO. AT HUWAG MONG INIIBA USAPAN. IBABATO KO SAYO TONG PASO. LECHE KA! NAPAKA-GENTLEMAN MO." Nagyon lang ako nainis ng ganto sa lalaki. Feeling ko tuloy isa akong talunan. Nautusan na nga, pinipilosopo pa. Ako dapat ang gumagawa non, hindi sya.

Ngumiti ulit sya. Yung ngiting mapanuya. Halatang nang-aasar. "Alam mo naman pala ee, bakit mo pa tinatanong?" Tumayo sya sa pagkaka-upo. Oo naka-upo lang sya habang ako pawis na pawis na kakabuhat sa mga pasong may lamang lupa. "Hindi na bago sakin ang masabihan ng gentleman. Nasa lahi talaga namin, and I think pang-100 ka na sa nagsabi nyan."

Pigilan nyo ko, baka mabato ko talaga yung paso.

I tried to calm myself, then flashed a fake smile. "Sabagay, mukha kang luma. And oh..." Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. "You look like a princess, I should have treat you as a princess, serve you well, and obey as you wish." Ha! Hindi ako magpapatalo.

Nakita kong nagpipigil ng tawa ang kararating lang na si Ace. Well job Yra. I'm so proud of you. Mwa! Mahal na mahal ko talaga sarili ko. Hahahaha.

Umalis na ko at iniwan si Angelo-ng nakanganga. Pfft.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Tngina pre. HAHAHAHAHA!"

x-x

Thrixie's POV

"Hi beb!" Bati ng pawis na pawis na si Yra. Daig nya pa basing sisisw. Hindi ko sya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

She blocked my way. "Famous ka? Grabe ah. San ka ba galing? Next activity natin to oh, baka balak mo--" I cut her off. "Manahimik ka pwede?" Then raised a brow.

She nodded. "I'll help you after reading this." I showed her the folder at tinabig sya kasi dadaan ako.

I sat on the bench, naramdaman kong may tumabi sakin. Hindi ko na pinansin kung sino o anong nilalang sya. Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa.

"Rule number 1: Kailangan mong maki-cooperate sa team mo. Help them, so that you can finish it quickly."

"Number 2, any irrelevant things are prohibited."

Hindi ko pa sya pinapatapos magsalita, sumabat na ko. "Pangatlo manahimik ka."

"Why would I? Wala kang tinulong, 30 minutes left at matatapos na ang activity na to." Wika nya.

"As if I care."

Nagulat na lang ako ng tumayo sya, hinila nya yung binabasa ko at tinapon sa katabing trash bin. Wait what did he do?

Napatayo ako.

FUUUUUUUUUUUUUUUCK! "What do you think you're doing?" Nagtatangis ang mga bagang ko.

"Throwing trash in a bin. Isn't it obvious?" May gana pa syang magtaas ng kilay ha.

"Who do you think you are? I don't know you, why are you messing me? Give it back to me." Sinabi ko sa kanya in the coldest and harshest tone that I could muster.

"Nah! Get it by yourself." He started to walk. I grabbed his hand.

"If you really want to prolong your nonsense life, get it." I coldly said. I know that was a threat. Who cares!

Lumakad sya papuntang trash bin, but instead of getting it, nilayo nya ito at bumalik sa kaninang kinatatayuan. "Di ka naman pilay. Kunin mo na." This guy, he's into my nerves.

"You really want to play huh? I'll give you what you the best game ever." Poker face ko'ng hamon sa kanya. He wants to play, i'll give it to him.

He smirked. "Aw. You're so lovely babe." Hindi ito ang inaasahan kong isasagot nya.

Nakarinig ako ng gasps sa paligid ko. I roamed my eye, and gave them a cold one. Bakit napapaligiran kami ng mga tao? Anong--

"Bagay sila."

"Wtf bro! I salute you, you're so lucky to have Thrixie in your life."

"Sila na ba? Kailan pa?"

"Sheeeeeet. Narecord mo ba?"

Nagpantig ang tenga ko sa mga bulungang narinig ko. At bago ako umalis, I gave him the best thing that he will never forget.

"FUCK YOU." I punched him.

x-x

COMMENTS and VOTES are HIGHLY APPRECIATED.

Cold as Ice, Hot as Fire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon