2

8K 186 56
                                    

Chapter 2

Nagising ako dahil sa malalakas na boses na narinig ko sa tapat ng kwarto ko. Tumayo ako para silipin kong sinong nilalang ang nag-iingay.

Istorbo sa tulog eh.

Pagbukas ko ng pinto, tatlong lalaki ang tumambad sakin. Ang kakambal kong si Teijon Clarkson a.k.a Childish at ang dalawa nya pang kaibigan. Ang aga-aga may bwisita.

Medyo nagulat sila ng makita ako. "Thrix/T"

"Hinaan nyo boses nyo, parang di kayo lalake. Ang ingay, may natutulog." Walang buhay kong sabi sa kanila.

Inakbayan ako ni Louis a.k.a Chickboy. "Cold ka pa rin?" Inalis ko naman yung pagkaka-akbay nya at sinagot sya ng. "Tss."

Pumasok na ako sa kwarto, matutulog ulit ako. Pero bago pa ko humiga sa kama sumigaw si Teijon. "T, bilisan mong kumilos. May pasok pa tayo, first day ngayon."

Psh. Oo nga pala, pasukan na naman. I didn't bother myself to sleep again. Naligo agad ako. Tapos nagbihis. Tapos nag-ayos. Pagkatapos bumaba na ko para kumain.

Sinalubong naman ako ng akbay ni Louis. Ang hilig mang-akbay. Chickboy talaga, galawan palang. Kaya di na ko nagtataka kung bakit sya tinaguriang 'Cassanova' kuno. "Thrix, sabay ka na samin pumasok."

"No. May kasabay ako." I answered then grabbed a piece of pandesal.

"Sino naman? Boyfriend mo?"

"Hindi. Best friend ko." Nakausap ko kasi si Nikki kagabi. Since nakalimutan nya kong bilhan ng marshmallow nung isang linggong umalis kami, susunduin nya na lang daw ako.

"Uy. Baka chicks yan. Pakilala mo ko ha!"

I just nodded my head. Napaka-chickboy nya talaga kahit kailan. Psh.

Tahimik lang kaming kumakain ng may mapansin ako sa kanilang tatlo. They are not wearing their uniform. Nakasibilyan sila at pormang-porma.

"Papasok ba kayo?" I asked while eating.

"Oo naman." Angelo a.k.a Happy Virus answered saka kumuha ng bacon, egg, ham and fried rice. Ang takaw, naaalala ko sa kanya si Yra. Actually, they're the same.

"Bakit mga nakasibilyan kayo?"

"Trip lang namin. First day palang naman eh. Saka mamaya rin magpapalit kami... or hindi na. Rule breaker ata kami." Taas noong sabi ni Teijon.

"Tss."

Tumayo na ako dahil tapos na akong kumain. Saktong paglabas ko ng bahay, bumusina si Nikki. Kinuha ko na ang bag ko tapos nagpaalam na kay Teijon, Louis at Angelo. "Una na ko."

"Ingat ka." Rinig kong sabi nila bago ako pumasok sa kotse.

"Sino yung mga yun?" Takang tanong ni Nikki na nilingon pa ko mula sa passenger's seat.

"None of your bussiness." Sagot ko naman.

Sinagot nya lang ako ng, "Okay." Bago kumaripas ng takbo. Ang dali naman palang kausap eh.

***

Naglalakad na kami ni Nikki ngayon sa hallway. Ang haba nga eh. Ilang classroom pa siguro madadaanan namin bago yung amin. Yeah. Classmate kami ni Nikki. Si Thea at Yra naman ang magkaklase sa ibang section. Pare-parehas kaming senior highschool.

Napahinto kami sa paglalakad ng makita namin sila Thea. Agad naman silang tinawag ni Nikki.

"Bebs!"

Cold as Ice, Hot as Fire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon