3

5.7K 151 54
                                    

Chapter 3

Gaya nga ng pinagusapan naming apat, pumunta na ako sa bahay nila Nikki. I used my Lamborghini Gallardo Gold.

Nadatnan ko silang nanunuod ng Phineas and Ferb. Wala pa si Yra. As usual, late yun pag mga ganto. Ang bagal nya kayang kumilos.

I greeted them in my usual cold tone. "What's up?"

"O? Nandyan ka na pala eh, buti naman at dumating ka pa." Sabi ni Thea sabay cross arms at salubong ng kilay nya. Sungit. Psh.

"Yeah..."

"Si Yra? Wala pa ba?" Sumilip naman sa bintana si Nikki saka tumingin ulit sakin. "Kala ko nandyan na." Then she pouted her lips. Naging habit nya na talaga.

"Asa ka pang mauuna samin ni Thrix yun, ang kupad kaya non." Thea commented, rolling her eyes in disgust.

"Sabi ko nga. Manuod na lang muna tayo habang inaantay si Yra." Tapos umayos sya ng upo at nanuod na lang ng gravity falls. Nilipat nila yung channel eh. Tapos nilipat ulit. This time, comedy naman pinapanuod nila.

Tawa nga lang sila ng tawa eh. Pano ba naman kasi, yung bida pumasok sa septic tank tapos lumabas sa toilet bowl. Eh saktong nagbabawas yung mga tao, kaya ang kinalabasan puro tae sya. Sila lang naman yung natatawa, ako poker face lang. Wala naman kasing nakakatawa, mas nakakadiri nga.

Natigil sila sa pagtawa kasi may nagdoorbell. Three times? Four times? Five times? Six times. Doorbell lover sya.

"Sisirain ata doorbell mo beb eh!" Sabi ni Thea kay Nikki.

Tumayo naman sya. "Mukha nga." Tapos binuksan nya ang pinto. Tumambad samin ang nakangising si Yra.

"Sorry I'm late." Dire-diretso 'tong pumasok at umupo sa tabi ko. "Ang init naman." Reklamo pa nya at nagpaypay gamit ang mga kamay nya.

Binatukan ni Nikki si Yra. Kusa ring gumalaw ang mga kamay ko at binatukan ko si Yra. Pati si Thea nakibatok na. "ARAY! ANO BANG PROBLEMA NYO?" Sigaw ni Yra.

"Sisirain mo ata doorbell ko. Aba, kung gusto mong manira ng doorbell ng may doorbell huwag sa bahay ko. Doon sa inyo, pakasaya ka sa pagdoorbell. At sa susunod na malelate ka pa, huwag ka ng sumama pa sa barkada, gets mo." Banta ni Nikki. O bat pati ang pagiging late ni Yra sinama pa nya.

"Sorry naman. Chill lang beb. Parang wala naman tayong pinagsamahan sa tatlong taon nating pagkakaibigan. Huwag ganun, bad yun." Sabi ni Yra kay Nikki. Pagkatapos ay humarap sya samin. "Kayong dalawa! Ano namang problema nyo at nambabatok kayo?"

"Wala lang. Trip ko lang." Cold na sagot ko.

Inilipat naman ni Yra ang tingin kay Thea na may halong pagtatanong. "Ikaw naman sungit?"

"Bumatok sila, nakigaya lang ako. Teka nga, ano ulit yung tinawag mo sakin. Sungit?" Kunot noong sabi ni Thea.

"Hindi sabi ko ang ganda mong unggoy." Pagpaparinig ni Yra sabay tingin ng masama kay Thea.

"Wow naman. Parang ang ganda mo ah!"

"Aba oo, ang ganda ko kaya. Mana sa mommy kong maganda at daddy kong gwapo."

"Daddy mong gago. Kaya pala gaga ka."

"Gwapo! Anong gago pinagsasabi mo dyan? Sabi ko gwapo. Gwapo!"

"Ah. Gago." Tumango-tango pa si Thea.

"Urg. Bigyan kaya kita ng cotton buds dyan at linisin mo yang tenga mo. Sungit mo na nga ang bingi mo pa." Sabay hampas nya sa center table.

Cold as Ice, Hot as Fire (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon