CHAPTER: 37 (Arms Of The Angel)

156K 5.7K 820
                                    

"WHAT do you think of this shoes, is it pretty?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"WHAT do you think of this shoes, is it pretty?"

Ipinakita ni Jane ang isang pares ng flat shoes kay Check. Humarap ito para tingnan iyon at nag-thumbs up sa kanya bilang pagsang-ayon.

 Humarap ito para tingnan iyon at nag-thumbs up sa kanya bilang pagsang-ayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ibibili ko si Kuya ng t-shirt. Suhol para naman hindi siya magalit sa akin dahil tumakas ako," nakangising sabi ni Check.

"Hindi naman siguro magagalit 'yon. Kasama mo naman ako," ani Jane habang nagsusukat ng sapatos.

"Ewan ko lang din. Sinabihan niya kasi ako kaninang umaga na pupunta raw ang PRIME sa bahay. Huwag daw akong aalis dahil magagalit daw 'yong magaling nilang leader. Eh matigas ang ulo ko, kaya sorry na lang!" Bumungisngis si Check.

Naitigil ni Jane ang pagpasok ng kanyang paa roon sa sapatos na isusukat at nilinga ang kaibigan. "Gano'n ba? Close ka na pala talaga sa PRIME."

Napatitig si Jane kay Check. 'Ang lapit mo talaga sa kanya. Nakakainggit. Mabuti ka pa.'

"Close? Naku Pakner, hindi rin. Bukod kay Yohan at saka doon kay Bokz, wala na akong close sa kanila."

"Bokz? Baka naman—"

"Bokz, Jogz, Mokz, Pogz... Ay ewan! Basta ang palatandaan ko sa name niya eh sabog. Ah! Tama! Iyon nga, Bogz pala!" Pinatunog ni Check ang daliri nito.

Natawa siya. "Grabe ka, Pakner!"

Nakangiting dinampot ni Check ang isang t-shirt. "Mukhang bagay kay Kuya 'to." Ipinakita nito iyon sa kanya.

"Yup! Mas gaguwapo si Kuya Xyro diyan," nakangiti niyang sabi.

"Hay! Puwede ba pagkatapos natin mag-shopping doon muna ako sa inyo?" nakangusong tanong ni Check.

"Sure! It's okay. Wala namang problema, Pakner." Tumango siya habang nakangiti. "Kaya lang baka lalo kang pagalitan ni Kuya Xyro n'yan?"

MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now