CHAPTER: 19 (Trespassers)

179K 5.6K 975
                                    

NAGPULONG ang PRIME para imbestigahan ang nangyari kay Check kahapon, bandang alas-dos ng hapon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAGPULONG ang PRIME para imbestigahan ang nangyari kay Check kahapon, bandang alas-dos ng hapon. Oras na ng uwian pero nasa Student Council pa rin ang lahat maliban kay Xyro na nagpaalam na para umuwi agad dahil nag-aalala ito sa kapatid na si Check.

Hindi nakapasok ngayong araw si Check dahil masama ang pakiramdam nito. Naintindihan naman ni Professor Perez at ng lahat ang kalagayan nito dahil sa nangyaring pagtatangka sa buhay nito kahapon.

Pinakatitigan ni Bright ang footage na kuha ng CCTV. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ang biglang pagsulpot ng isang kamay na may suot na itim na gloves. Isa-isa noong tinakpan ang mga CCTV sa 2nd floor. Paulit-ulit na ini-rewind at pinanood ni Bright ang eksenang iyon pero sadyang wala siyang makitang ulo o kahit na anong parte ng katawan maliban lang doon sa kamay na naka-gloves na itim.

Hinampas ni Bright ang kamay niya sa desk. "F*ck this sh*t!" Itinuro niya ang telepono na nasa gilid ng kanyang desk. "Tawagan niyo nga yung t*nginang nagkabit ng mga CCTV dito sa school!"

Dahil mas malapit si Jam sa telepono ay ito na ang nag-angat noon. "What's the number?"

"There." Itinuro ni Gavin ang nakaipit sa ilalim ng glass nung desk. Nandoon ang listahan ng contacts sa buong school. "Yung sa security," dagdag nito.

"Pati yung mga guards papuntahin niyo na rin dito." matigas na dagdag ni Bright.

"Parang sumabog na bulcan yung ulo ni Bright ngayon," bulong ni Bogz kay Yohan. Siniko agad ito ni Yohan para patahimikin.

Idinayal ni Jam ang numero at nang sagutin iyon ng nasa kabilang linya ay agad nitong sinabi ang kanilang sadya. Pinapapunta nila sa Student Council ang responsable sa pagkabit ng mga CCTV para makausap nila ng personal gayon din ang lahat ng mga security guards ng school.

"Bakit ngayon ko lang din napansin? Nagkabit ng mga CCTV, hindi kita ang mga sulok!" galit na sabi ni Bright. "Anong mangyayari sa t*nginang mga kamay na 'to?! Nakalapit ng CCTV nang hindi nakikita kung sino? This is bullsh*t!" bakas ng galit ang kanyang mukha.

"Bright, kalma lang. Mahuhuli din natin kung sino ang mga tarantadong 'yan," ani Jaxx.

Tinignan ni Bright ang drawer ng kanyang desk. Binuksan niya iyon at kinuha ang ilang hibla ng buhok na nadampot niya sa 2nd floor doon mismo sa pinangyarihan ng insidente.

Naalala niya ang ilang mga detalye ng naging pag-uusap nila ni Check kahapon bago niya ito pauwiin.

Flashback

"Hindi mo ba sila nakilala?" paunang tanong ni Bright na nakaupo sa harapan ni Check sa clinic. Katatapos lang i-examine ng school doctor ang lagay nito.

Umiling si Check. "Nakatakip ang mga mukha nila. Hindi ko sila kilala. Wala rin naman akong narinig na boses sa kanila dahil hindi sila nagsasalita."

MS.RIGHT (published under PSICOM)Where stories live. Discover now