9. Dapat

170K 3.7K 616
                                    

 

"What with this place? You're always here."

I let threw the shells I have in my hand after hearing Hector's voice. Pahapon na noon at nakaupo na naman ako sa malaking bato sa may dalampasigan. Tinatanaw kong pilit ang papalubog na araw. Napapangiti ako tuwing naiisip ko na iisang himpapawid lang ang tinitingnan naming dalawa ni Zachary Drew.

"Why do you care so much, Hector?" I asked him. He sat beside me. Marami na akong hindi naiintindihan sa mga nangyayari ngayong sa pagitan namin. Sometimes I think that he's actually putting a distance between us. Isang bagay na pinagpapasalamat ko dahil hindi ko kailangan maging malapit sa kanya. Pero kung minsan ay hinahanap ko naman siya. Kinakabahan ako kapag hindi ko siya nakikita.

He looked at me. "Anong course ng kapatid mo?" Tanong niya sa akin. Kumunot ang noo ko. "Si Yvo."

"Management. Just like Yto and Tatay. Next year he'll fly to Germany to have his masters." I told him. Napabuntong-hininga ako. Na-miss ko bigla si Yvo. Noong hindi pa kami nIi Zach at nasa London pa si Yto, si Yvo ang instant driver ko. I sighed again.

 

"He robbed millions from my company." Biglang sabi niya sa akin. Napanganga ako.

"What?!"

He grinned. "I admire your brother for doing that. I lost two hundred million because of him. He's a smart ass."

"He won't do that, Hector."

"He already did, Yza. Because of what he did, kailangan kong bumalik ng siyudad to fix the mess that he started."

Kumabog ang dibdib ko. Babalik? Sa Metro? Ibig sabihin. "Kasama ka pero hindi pa rin kita ibabalik. I will never give you back hanggang nasa akin na ang gusto ko." Muli niya akong nginisihan . Hindi ko maintindihan. Mula nang dalhin niya ako dito, marami na akong hindi maintindihan.

Iba-iba kasi ang pinakikita niya sa akin. Right now, the person I'm talking is Helios – not Hectorbut most of the times, si naman si Hector. Ilang beses na bang ganoon ang nangyayari? Na nalilito ako kung mamumuhi ba ako sa kanya o hindi. Dapat lang na makadama ako ng galit sa kanya pero sa tuwing titingnan ko siya habang kausap niya si Manang Bining o si Kathryna nakikita ko na hindi siya masama at hindi ko alam kung bakit.

"Bakit ba hindi mo na lang ako ibalik? Hindi mo rin naman makukuha si Yna kung nandito lang tayo." Sabi ko sa kanya. Umiling siya.

 

"Makukuha ko siya, Yza. Maghintay ka lang." He said knowingly. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako lalo. Kung babalik kami sa siyudad malaki ang posibilidad na makatakas ako. Mas madali dahil mas gamay ko ang lugar at mas alam ko kung saan ako pupunta kaysa naman dito na hindi ko alam kung nasaang lupalop kami ng Pilipinas.

Hindi na siya nagsalita matapos iyon. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko. Dama kong bumibilis ang tibok ng puso ko pero sinaway ko ang sarili ko. Mali iyon. Nararamdaman ko lang ang mga bagay na iyon tuwing nasa tabi ko si Zach. Natutuwa ako kapag naiisip kong magkikita kami – every time he calls me, may butterfly na umiikot sa tyan ko. Iyong kaalaman na malapit na siya, enough na iyon para huminto ang mundo ko.

"You're thinking about him." He said to me. Napatingin ako sa kanya. "Gaano ka kasigurado na mahal ka pa rin niya pagbalik mo?"

Tumaas ang sulok ng bibig ko. "Hinahanap niya ako. Hindi niya gagawin iyon kung hindi niya ako mahal."

 

Stolen (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon