Chapter 34

99.7K 1.1K 14
                                    

Thirty-Four

Personal Nightmare

Stunned.

We are both stunned. Parehong namumula at di magawang tumingin sa mata ng isa’t isa.

We kissed several times already but this one? It felt like it was the first time. And thinking over things, maybe, it is the first time. The first time whereas love is somewhere near us.

Pareho rin kaming natahimik.

Alam niyo yung andaming salitang tumatakbo sa isipan mo na gusto mong sabihin but you could not pick one word to start with? At sa kaiisip mo ng kung anong salita ang sasabihin mo, di mo namalayang antagal mo na palang nanahimik at tulala. It felt so much like that.

We were like that until Gab relaxed while smiling.

“I guess…Napatunayan mo na ang dapat mong mapatunayan?” napangiti ako. Gab was staring at the ceiling nang nakangiti ng mga sandaling ito at ginaya ko ang posisyon niya.

“Mmm…hmm…” ayokong umamin at sabihing oo dahil malakas ang pakiramdam kong alam niya kung ano ang gusto kong patunayan at ayokong isipin niyang “inlove na inlove” ako sakaniya kahit totoo. Ayokong maging cheap. But at the same time, ayoko ring magsinungaling at itanggi ang totoo. Dahil alam kong sarili ko lang ang lolokohin ko.

Then, umayos siya ng upo niya at medyo lumapit sakin.

“Sina Tita Eliza at Gail… hindi naman talaga ko galit sakanila.” Nagulat ako pero onti lang. Gusto ko kasi siyang tanungin tungkol sa mag-inang yun pero naunahan na niya ko.

‘‘Nalulungkot lang ako sa tuwing nakikita ko sila.’’ At kitang kita nga sa mukha ni Gab ang kalungkutan.

‘‘Bakit naman?’’ napabuntonghininga lang siya.

“4 years old ako nung malaman ng mama ko na may ibang babae si Daddy at na nabuntis niya yun. Which is yung si Gail nga. Nang mamatay si Mama, dinala niya yung babae niya which is si tita kasama si gail para tumira dito sa bahay. Though, ok lang kay Ate Giselle dahil kailangan rin naman daw naming lahat magmove on, I did not agree with it. Sino ba namang may gustong palitan ng kabit ng tatay mo ang mommy mo, diba? Pero mabait rin naman si Tita at yung kapatid ko. Kaya nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko sila. Feeling ko tinatraydor ko si Mama.’’

Oh. And i guess, dahil sa nalulungkot at nagiguilty siya sa tuwing nakikita niya ang mag-ina kaya niya naisipang mamuhay mag-isa. Kaya pala…

[url=http://videokeman.com/faber-drive/when-im-with-you-faber-drive/]LISTEN[/url]

hinawakan ko ang mga kamay niya and I felt his gaze kahit kamay lang niya ang tinitignan ko.

He intertwined our hands. Ngumiti ako.

“You’re a good person, Gab.” Natawa siya ng onti sa sinabi ko.

‘‘Aba, di ka naniniwala?” natatatawang tumango siya.

53.000 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon