Chapter 21

122K 1.2K 18
                                    

Twenty-One

Back to School

Mahirap maging isang anak. You should be responsible to take care of your parents na tipong hindi parin ikaw ang masusunod.

Mahirap ring maging isang ina. Kung dati, sarili mo lang ang iniisip mo, pag ina ka, na anak mo muna bago ikaw.

Mahirap maging isang estudyante. Walang excuses ang pagiging estudyante. Whether you like it or not you’re bound to study para sa future mo.

Mahirap maging isang asawa. You have to consider you’re other half in everything you do.

Hindi pwedeng basta basta ka lang magdedesisyon kasi nga you have this other half.

Buti na lang madali lang maging asawa kay Gab. HAHAHA.

 

“Ingat kayo. Goodluck sa school.” Bati samin ni Mama nung paalis na kami ni Gab.

Iniwan kasi namin si Gabbie kay Mama.

Oo, back to school ang drama ko.

Pati na rin ng bespren kong si Ally na kung matatandaan niyo e, tumigil ng pag-aaral nang dahil sakin.

Sa totoo lang, excited na ko pero nag-aalinlangan pa din ako.

3 months old palang kasi si Gabbie, I’m not sure if it’s the right time to leave her.

Feeling ko masyado pang maaga.

“Ok lang yan. Gabbie’s gonna be fine.” Gab said as he parked the car.

Yep, we finally reached the school. Kinabahan naman daw ako bigla.

“And you’ll be fine, Niobe.” He ended it with a smile.

Grabe ‘tong si Gab ah. Parang alam na alam na niya yung way of thinking ko.

“Yeah, I guess.” Ngumiti rin naman ako. Pero may kasunod na sigh. HAHA.

Para kasing di pa ko handang pumasok sa school.

Tahimik kaming naglakad sa corridors ng school. Tahimik kami at sigurado akong may kapansin pansin na space between us. Pero grabe parin mag-usap ang mga tao sa paligid.

“Siya ba yun?”

“Oo, siya nga yun.”

 

E anu kung ako nga yun?! HAHA.

“Ok lang. Labs ko pa din si Gab!”

“Maganda naman pala e.”

 

aba’y kung puro ganyan ba naman ang pag-uusap tungkol samin ni Gab e bakit hindi araw-arawin diba? HAHA.

“Tsktsk. Sayang si Gab.”

 

53.000 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon