Chapter 3

174K 1.8K 57
                                    

Three

Pulis o Sapak?

“ikaw?!”

“Anong ginagawa mo sa apartment ko?!” woah. Shockers ah.

Panong nangyaring apartment niya ‘to? E pag mamay-ari ‘to ng pinsan ko.

“Excuse me po…” nagpause siya at tinignan ako.

“…ma’am.” Inirapan ko lang naman siya.

“Niobe.” Tss.

“Niobe. But 2 years na akong nakatira dito. So I really can’t see kung paano nangyaring apartment mo rin ‘to.” Ugh. At anu? Ako pa ngayon ang trespasser? Kapalmuks talaga nitong grease boy slash Mr. Manager slash MagnaMan na ‘to.

“well, my cousin owns this place since she was 17 at 25 na siya at present.” Parang medyo nagulat na napaisip siya sa sinabi kong yan pero hindi siya nagsalita agad.

“kung ayaw mong maniwala then lets just call ate Yvette.” Nilabas ko agad yung phone ko nun para nga matawag si Ate Yvette kahit na delikado sa situation ko pero…

“wait. Wait. Wait. Pinsan mo si Ate Yvette? Alcaraz?” oh. He knows my cousin. At dahil nga sa pareho kaming nagulat sa natuklasan naming magkakilala sila ng pinsan ko e itinago ko na muna ulit yung phone ko.

“You know her?” I asked him. Pero hindi naman niya pinansin yung tanong ko.

“Haha. I think I know what’s going on.” Ok. Edi alam na niya.

“Its just a misunderstanding.” Fine. Fine. Ikaw na.

Nakasmile siya tumingin sa relo niya at sinabing…

“Its late. Siguro palipasin na lang muna natin ‘tong gabi and let’s just talk about it in the morning.”

Nakasmile lang siyang nakatingin sakin. Kaya tinitigan ko lang din naman pero yun nga lang hindi ako nakasmile.

Hanggang sa ayun. Napagod na siyang ngumiti. HAHA.

“Ikaw na ang gumamit ng bedroom. I’ll use the couch.” Good. Mabuti’t naisip niya yun.

“E panu kung pasukin mo ko sa kwarto?” Hehehe. Eto, halatang nagulat siya sa tanong na ‘to at the same time e namula ang loko. Pero siyempre mabuti na yung nagkakaintindihan kami diba? Mahirap na.

“uhm. Edi tanungin mo ko kung ‘Pulis o sapak?’” good idea. Good idea. Both on my side pero mas gusto ko kung sapak. Wahahahaha.

“Tss. As if naman papasukin talaga kita. Wag kang mag-alala, kahit magkasunog hindi ako papasok jan.” sabi niya habang naglalakad papuntang sofa.

Hindi na rin ako nakipag-away pa kay… what’s his name again?

Uhm.. grease boy slash Mr. Manager slash MagnaMan? O whatever.

53.000 StepsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon