Unexpected Replies

516 17 0
                                    


Nagising ako dahil may masamang nilalang na tinapikan ako ng tubig sa mukha. Kainis, inaantok pa ako.


"Bruha! 11am na, gumising ka na!"


Napabangon ako sa sinabi ng kaibigan ko. Hala, tanghali na ako nagising.


"Nagpuyat ka kagabi noh"


"Gaga baka nga di na natulog iyan"


Grabe talaga 'tong mga kaibigan ko. Pero mga 2 na ata ng madaling araw ako natulog. Inayos ko na iyung hinigaan ko at chinarge ang phone ko. Pagkatapos ko maligo, nakita kong may nakahain na ng lunch. Umupo na ako at napansin kong nakatitig silang lahat sakin.


"Hoy! Bakit kayo ganyan makatingin sakin?"


Sabay-sabay naman silang tumili


"Gaga ka! Ang swerte mo!"


Hala? Bakit?


"Grabe paano mo nagawa iyun?"


Teka, ano bang ginawa ko?


"Pakshet ka! Ikaw na ang pinagpala"


Oh, namura pa ako.


"Teka! Ano ba kasing nangyayare?"


Naguguluhan na talaga ako sa mga 'to.


"Check mo twitter mo!!"


Kinuha ko naman phone ko tapos binuksan ko ang account ko. Teka, bakit ang dami kong notifications? Seryoso bang may 100+ notifications ako?! Puro mga tweets lang namin siya galing sa mga fan account ng mga fans ng dlsu. Puro congrats nga ang tweet nila sa akin? Chineck ko naman lahat ng notifs ko pero nabigla ako sa natabunan na notifs.


Shet, may twitter notification ako galing kay  Mika, Ara at Aby!!!!!


"Omg!"


Napatili na lang ako dahil sobrang unexpected. Worth it pala ang pagpuyat ko!


OMFG!!!!


@ AbyMarano : @ ShaneLopez Thank you! Napangiti naman ako sa tweet mo. Kayong fans ang inspiration ko


@ ShaneLopez : @ AbyMarano you're welcome, idol! Hope to see you play again! 💚


Mika Reyes and VictonaraSalasGalang liked your tweet


Grabe, natutuwa ako dahil napansin nila ang tweet ko. Bihira lang iyun dahil ang daming nagtwe-tweet na fans. I just wanted to tweet pero ang saya dahil napansin nila.


Omg!!! Ang laki na ng ngiti ko.


Feeling ko hihimatayin na ako sa kilig! Wag kayong mag-alala, I will never stop supporting the Lady Spikers. Mukhang hindi na ako magiging closet fangirl.

The New Girl - (A DLSU Futuristic Fanfiction)Where stories live. Discover now