Volleyball Clinic

525 14 1
                                    



Sinabihan ako ng tita ko na may Volleyball Clinic sa may barangay namin. Nagtratrabaho siya sa may barangay hall kaya pinasama niya ako doon since alam niyang mahilig ako sa volleyball.Sinabi niya kasi na sponsored iyun ng isang komponya at mga sikat na players ang magtuturo.Hindi ako sumali sa clinic dahil nahihiya ako. Medyo malaki kasi akong tao tapos di talaga ako naglalaro kaya baka mapahiya pa ako. Sa unang araw, nakatabi namin ni Tita ang ilan sa mga famous players. Nakakabigla man pero hindi ko pinakita ang fangirl side ko. . Pumunta muna ng cr ang tita ko.. Habang pauwi kami say kinwentuhan niya ako tungkol sa narinig niya sa mga coaches at players. May pagka-tsismosa talaga ang tita ko.


"Narinig ko sila na sinasabi na hindi pa sure kung sasali sa PSL si Ara"


Nalungkot naman ako dahil umaasa ako na sasali siya sa PSL. Wala na ngang UAAP, baka wala pang PSL. Sana naman tumuloy siya sa PSL at sana sa F2 siya maglaro.


3rd day na ng volleyball clinic sa barangay kaya pinaglaro na sila. Bumuo na sila ng mga teams para sa laro at nag-practice. Nagpaalam muna ang tita ko na may gagawin siya kaya iniwanan niya muna ako. Nanunuod lang ako ng laro ng mga kasali. Grabe, ang galing nila! Gusto ko rin maglaro kaso nahihiya talaga ako.


"Miss? May nakaupo ba?"


Wala namang nakaupo sa tabi ko kaya umiling na lang ano. Sobrang concentrated ako sa game kaya di ko na siya nilingon. Pumalo ng malakas ang pinsan ko kaya di nasalo ng kabilang team.


"Galing!"


Napahiyaw ako dahil na-amaze ako sa spike niya.


"Oo nga. Ang galing niya"


Napalingon na ako sa katabi ko at napamura ako.


Shit! Si Ara Galang pala katabi ko. Natigilan ako pero kumalma ako agad. Ayaw ko naman mag-fangirl bigla at tsaka baka maalala niya iyung nangyari sa event. Nanuod na kami ng laro at lagi kami nagcocomment. Para kaming mga commentator ng laro. Ang saya dahil parang normal na tao lang kausap ko at hindi ang ubod na galing at sikat na volleyballplayer. Nag-water break muna ang mga players kaya dinumog si Ara ng mga fans. Nakakatuwa siyang tignan habang ine-entertain ang mga bata. Nakisali narin ang tita ko at nagpa-picture. Sinabi nga niya na magpa-picture din ako pero tumanggi ako. Natapos na ang water break kaya nawala na ang crowd na nakapalibot kay Ara.


"Daming fans ah"


Medyo naging comfortable na ako kaya naasar ko na siya.


"Grabe 'di naman!"


Humble naman masyado neto.


"Isa ka ata dun. Ikaw naman! Picture tayo"


Joke lang di pala humble medyo mahingin! Nakakatuwa talaga si Ate Ara.


"Grabe! Medyo mahingin ah. Wag na, okay na ako sa picture natin at baka nangalay na iyang panga mo kakangiti"

The New Girl - (A DLSU Futuristic Fanfiction)Where stories live. Discover now