Finals and Firsts

741 16 0
                                    


Kasalukuyan kaming nagkukumpulan sa may harap ng tv. Ngayon na kasi ang Game 3 ng ADMU vs DLSU. Iba-iba ang naririnig ko sa mga kasama ko. May mga team la salle at may mga team ateneo.


 Ako? Well, I like both teams. #ANIMOBF nga ako eh. Pero, I'm rooting for DLSU this season kasi I believe na mananalo ulit sila and gusto ko na mag 4peat sila.


"Shet! Ang galing talaga ni Aby Maraño!"


Napahiyaw na iyung mga kasama ko dahil ang ganda ng laro ni Aby. Sayang nga eh dahil hindi ginamit ni Michele Gumabao ang fifth playing year niya. Malapit na matapos ang laro at mukhang Ateneo ang mananalo.


"Go Ateneo! One Big Fight!"


"DLSU! Animo La Salle!"


Ang lakas na ng hiyawan ng fans dahil malapit na matapos ang set.Nabato na nga ako ng chips ng katabi ko sa sobrang intense ng laro.


"And our champion this season, Ateneo Lady Blue Eagles!"


Natapos na ang laro at ang ADMU ang nanalo. Umiiyak silang lahat sa tuwa dahil ito ang first championship nila. Naghihiyawan naman ang mga kasama ko dahil tuwang-tuwa sila. Natutuwa naman ako pero nakita kong umiiyak ang DLSU Team at nagsalute sila kay Aby. Nakuha naman ng atensyon ko sina Ara Galang at Mika Reyes. Magaling sila pareho. Sana next season, mabawi na ng DLSU ang korona.


Nakita ko naman ang mga tweets ng mga kaibigan ko tungkol sa game. Napailing na lang ako dahil pati pala sa twitter ay intense ang mga reaksyon nila. Hindi ako mahilig sa twitter at closet fangirl ako kaya wala akong tweets tungkol sa game. Nag-ayos na kami ng kinainan namin at inayos ang higaan dahil may sleepover kaming magkakaibigan. Busy sila sa pagtwi-twitter kaya kinuha ko narin ang phone ko. Nagbasa ako ng mga tweets tungkol sa game. May mga positive pero siyempre may mga negatives. Ang daming mga negative comments about sa DLSU. Natalo na nga sila ang dami pang nagmamarunong na bashers. Eh kung sila kaya ang maglaro! Mukhang mapapa-tweet ako ng de oras.


 @ ShaneLopez : @ AbyMarano you did a great job! You have proven yourself a whileago. I will always be a fan. Hope you're okay now    


"Wow! Nag-tweet ka, Shane! May himala!!!"


Natawa naman ako sa reaksyon ng kaibigan. Nakuha ng atensyon ko ang isang tweet. Grabe, bakit ako kinikilig?!


"@insertusernamehere: The taft tandem! KARAsmatic duo #TeamPakwan"


May kasama pang picture ni Mika at Ara. Ang cute nila tignan sa picture dahil magkayap sila. May ship name pala sila. Kara? Okay, ang cute nila. Na-stalk ko tuloy ng de oras ang mga fanpages nila. Nakahanap pa nga ako ng mga story sa wattpad. Malala na ata 'to!


"Shane! Laki ng ngiti mo ah. Ano iyan?"


Naagaw na ng tuluyan ng kaibigan ko ang phone ko. Shet, naka-open pa naman ang twitter ko.


"Hala! Bakit ka nagsta-stalk ng kara fanpages? Uy, may ship na siya!"


Tinukso naman nila ako. Alam kong may kanya-kanyang ship din sila eh. Dahil nalaman nila na ship ko na sila ay kinwentuhan nila ako about sa mga ganap sa kara. Kakilig naman. Napuyat na ako sa kababasa ng mga wattpad stories tungkol sa kanila. Nakatapos na ata ako ng 2 stories nang may makita ako sa recommended stories. 


Thomara? Jemik? Ano iyun? Mukhang hindi ako matutulog ngayon. I opened my account and nag-stalk ulit ako. Ah, iyun pala ang Thomara at Jemik. Ships din sila sa dlsu fandom. Inaantok na ako pero I decided to tweet my ship.


@ ShaneLopez : Bawi tayo next season mga idol 👊🏼 @ VSGalang @ mikareyesss


The New Girl - (A DLSU Futuristic Fanfiction)Where stories live. Discover now