LD2: IV Life And Death

41.1K 522 10
                                    

 

 

Ang sakit ng katawan ko. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko. Dumilat ako at nakita ko ang bubong?

"Sigurado ba kayong sya ang heiress?"

"Sabi nakita daw na nakared dress ang heiress na bumaba sa sasakyan nya na mag-isa. Sya lang naman yung nakita natin dun kaya siguradong sya yun."

"Eh bakit parang hindi sya mukhang mayaman?"

Narinig ko na may tatlong lalaking nag-uusap kaya iniikot ko ang mata ko sa paligid. May mga kahon at paleta. May isang table din ng nag-iinom na lalaki at may tatlong lalaki sa harapan ko na nag-uusap.

Napatingin sila sa'kin. "Mabuti gising na sya. Sya na lang tanungin natin."  Papalapit silang tatlo sa'kin kaya nagpanggap akong tulog.

"Hoy! Alam naming gising ka na. Nakita ka namin."

Hindi ako didilat. Tulog ako. Tulog ako.

"Sinabi nang dumilat ka!"

Hindi ako didilat kasi tulog ako.

"Barilin na kaya natin 'to – Aray!"

"Siraulo ka talaga gusto mong malintikan tayo?"

Sige mag-away pa kayo para hindi nyo na ko mapansin. Pero teka pwede ba yun eh kinidnap nga nila ko. Pero bakit ako? Wala nga kong pera eh. Hindi ba nila alam na isa lang akong hamak na nilalang? Sabi ko na hindi na ko magsusuot ng ipinapasuot sa'kin ng kambal ng tadhana eh. Napagkakamalan akong anak mayaman.

"Gising ka ba o hindi?"

"Hindi!" nagulat ako sa sarili ko. Ang galing! Dahil busy akong mag-isip ng kung anu-ano nawala sa isip ko na nagpapanggap akong tulog. Napadilat ako at lahat sila nakatingin sa'kin. "Kagigising ko lang – ngayon. Hindi ko kayo narinig magkwentuhan. Totoo. Ha. Ha. Ha." Tumawa ako ng pilit at halatang ninenerbyos.

Iniupo ako nung isang lalaki ng ayos. Nakakatakot sya. Ang laki ng katawan tapos ang daming tattoo.

"Anong pangalan mo?" masama ang tingin sa'kin nung isang lalaki na balbasarado. Parang sya ang boss ng mga nandito.

"Tori." Syempre kelangan kong magtago ng identity para maligtas sila papa. Kung eto na ang huling buhay ko sana makarating sa mga mahal ko sa buhay na mahal ko sila. Papa, tita, Katy, Gail, Hail, Cliff at – Tonsi. Magkikita na tayo dyan sa langit. Hintayin mo lang ako.

"Tori? Anong trabaho ng tatay mo?!" tanong ulit nung lalaki.

Mag-isip ka ng mabuti Torrence. Kelangan mong itago ang identity ng family mo or else magrereunion kayo sa heaven. Pero teka, okay na din siguro yun para magkakasama pa din kami. Pero hindi din pala paano kung hindi kami sa langit lahat mapunta? Hindi naman siguro –

"Sasagot ka ba o hindi?" naglabas ng baril yung lalaki at napatigil ako sa pag-iisip.

"Embalsamador ang tatay ko." Napakatalino mo talaga Torrence. "Ku – kung gusto nyong magpaembalsamo sa kanya sasabihin ko libre na kayo." Tumawa ako ng mahina tapos tumingin sa kanila. Oh no! Anong sinabi ko? Mas lalo silang nagalit. Nakakatakot silang tumingin. "Ha. Ha. Ha. Joke. Hindi talaga kayo. Kasi kung kayo yun eh di patay na kayo nun at wala na kayo dito. Kawawa naman mga anak nyo kung meron man o kung wala man magulang nyo na lang. Kahit sino pwede at libre kahit kapitbahay nyo o aso nyo. Pero hindi ko alam kung nageembalsamo si papa ng aso. Siguro iluluto na lang nya tapos ipapakain nya sa inyo at – "

"Ano? Iluluto ang aso? Hindi kami kumakain nun! ANong tingin mo sa'min mahirap? Hoy hindi kami pipichugin lang!" okay mukhang nasundan naman nila yung sinabi ko pero nakatingin pa din sila sa'kin. Hindi ko alam kung anong mga sinasabi ko pero gagawin ko lahat para mailayo lang sila papa sa kung ano mang nangyayari. Kung bakit nila ko kinidnap. Teka bakit nga ba?

Love Disaster 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon